Georgetown
Georgetown | |
---|---|
Lokasyon ng Guyana at Timog Amerika | |
Mga koordinado: 6°48′4″N 58°9′19″W / 6.80111°N 58.15528°W | |
Bansa | Guyana |
Rehiyon | Demerara-Mahaica |
Naitatag | 1781 |
Ipinangalan | 29 April 1812 |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-Konseho |
• Alkalde | Ubraj Narine |
Lawak | |
• Kabuuan | 70 km2 (30 milya kuwadrado) |
Taas | 0 m (0 tal) |
Populasyon (2012)[1] | |
• Kabuuan | 118,363 |
• Kapal | 1,700/km2 (4,400/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC-4 |
Kodigo ng lugar | 231, 233, 225, 226, 227 |
Klima | Af |
Ang Georgetown ay isang lungsod at kabisera ng Guyana, matatagpuan sa Rehiyon 4, na kilala din sa tawag na rehiyong Demerara-Mahaica. Ito ang pinakamalaking urbanong sento ng bansa. Matatagpuan ito sa baybayin ng Karagatang Atlantiko sa bunganga ng Ilog Demerara at may palayaw na "Harding Lungsod ng Karibe."
Pangunahing nagsisilbi ang Georgetown bilang isang tingian at administratibong sentro. Nagsisilbi din ito bilang isang sentro ng mga serbisyo. Nagtala ang lungsod ng isang populasyon na 118,363 sang-ayon sa senso ng 2012.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang lungsod ng Georgetown bilang isang maliit na bayan noong ika-18 dantaon. Noong una, matatagpuan ang kabisera ng kolonya ng Demerara-Essequibo sa Pulo ng Borsselen sa Ilog Demerara sa ilalim ng pamamahala ng mga Olandes. Nang binihag ng mga Briton ang kolonya noong 1781, pinili ni Tenyente-Koronel Robert Kingston ang bunganga ng Ilog Demerara para maging panirahan ng isang bayan na matatagpuan sa mga Taniman ng Werk-en-rust at Vlissengen.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Guyana Population and Housing Census 2012: Preliminary Report (PDF) (Ulat) (sa wikang Ingles). Bureau of Statistics, Guyana. June 2014. p. 23. Nakuha noong 23 Mayo 2016.
- ↑ "Wesleyan Mission Premises, George-Town, Demerara". Wesleyan Juvenile Offering (sa wikang Ingles). VII. London: Wesleyan Methodist Missionary Society: 1. January 1850. Nakuha noong 19 Nobyembre 2015.