Pumunta sa nilalaman

Inferno (Divine Comedy)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang ilustrasyon ng pagkaligaw ni Dante sa gubat sa Canto 1

Ang Inferno (salitang Italyano para sa "impiyerno") ay ang unang bahagi ng ika-14 dantaong tulang epiko ni Dante Alighieri na Divine Comedy. Ito ay sinusundan ng Purgatorio at Paradiso. Ito ay alegorikong pagsasalaysay ng paglalakbay ni Dante sa Impiyerno, sa pamamatnubay ng Romanong manunula na si Virgil. Sa tula, ang Impiyerno ay inilalarawan na may siyam ng bilog ng pagdurusa na matatagpuan sa loob ng Daigdig. Sa alegorya, kumakatawan ang Divine Comedy sa paglalakbay ng kaluluwa tungo sa Diyos, at ang Inferno ang naglalarawan sa pagkilala at pagtatakwil sa kasalanan.

Ang tula ay nag-uumpisa noong Huwebes Santo sa taóng 1300. Ang tagapagsalaysay, na si Dante mismo, ay tatlumpu't limang taóng gulang, at kung gayon ay "nangangalahati na sa landas ng búhay" (Ingles: "halfway along our life's path", Italyano: "Nel mezzo del cammin di nostra vita") – kalahati ng biblikal na haba ng búhay na pitumpu (Salmo 89:10, Vulgate; Salmo 90:10, KJV). Ang manunula (na si Dante) ay kasalukuyang naliligaw sa isang madilim na kagubatan (selva oscura) sa harap ng isang bundok, habang inaatake ng tatlong halimaw (isang leon, isang lonza [kadalasang sinasalin bílang "leopardo" o "leopon"],[3] at isang loba) na hindi niya matakasan. Hindi niya mahanap ang "diretsong daan" (diritta via, maaari ding isalin na "tamang daan") tungong kaligtasan, may kamalayan siyang sinisira niya na ang sarili niya at nahuhulog sa isang "malalim na lugar" (basso loco) kung saan ang araw ay tahimik (l sol tace).

Sa wakas ay nailigtas siya ng manunulang Romanong si Virgil, na nagsasabing isinugo siya ni Beatrice, at ang dalawa ay tumuloy sa kanilang paglalakbay tungo sa Impiyerno (mundong Ilalim). Sa Inferno, ang mga kaparusahan para sa mga kasalanan ay contrapasso, mga may sinasagisag na pagkakataon ng katarungang pantula; halimbawa, ang manghuhula ay kailangang maglakad nang diretso habang ang ulo ni ay nakatingin sa kabaligtarang direksiyon, na hindi makita kung ano ang nasa harapan, dahil sinubukan nilang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng ipinagbabawal na paraan, ang panghuhula. Ang contrapasso ay "hindi basta isang uri ng dibinong paghihiganti, kundi katuparan ng kapalarang malayang pinili ng bawat kaluluwa noong siya ay nabubuhay pa."

Si Dante ay pumasok sa pasukán ng Impiyero, kung saan nakasulat ang "Lasciate ogne speranza, voi ch'intrate", na sa Tagalog ay "Iwanan ang lahat ng pag-asa, ikaw na papások dito." (Ingles: "Abandon all hope, ye who enter here.")

Bago sila tuluyang pumasok sa impiyerno, nakita ni Dante at ni Virgil and ang mga Uncommitted, mga kaluluwa ng mga taóng walang ginawa sa búhay nila, kahit mabuti o masamâ, kabílang dito si Papa Celestine V o si Ponsiyo Pilato (ang teksto ay malabo/hindi tiyak). Kasáma rin nila ang mga pariya (outcast) na hindi namili ng panig noong Himagsikan ng mga Anghel. Ang mga kaluluwang ito ay wala sa loob ng impiyerno o maging sa labas nitó, bagkus nasa mga baybayin ng Acheron, ang kanilang walang-hanggang parusa habang kinakagat sila ng mga abispa (wasp) at mga abispon (hornet) samantalang iniinom naman ng mga uod at iba pang mga insekto ang kanilang dugo at luha. Kumakatawan ito sa kanilang sting of conscience at repugnance of sin. Maaari ding repleksiyon ito ng spiritual stagnation ng pamumuhay nila. Tulad ng Purgatorio at Paradiso, ang Inferno ay may estrukturang 9+1=10, na ang "vestibule" ay naiiba sa siyam na bilog ng impiyerno, at nahihiwalay mula rito dahil sa Acheron.

Matapos makadaan sa "vestibule", naabutan nina Dante at Virgil ang bapor na magdadalá sa kanila upang matawid ang ilog ng Acheron at makapunta sa mismong Impiyerno. Ayaw payagan ng piloto ng bapor, na si Charon, na papasukin si Dante dahil isa siyang búhay na nilalang. Pinilit ni Virgil si Charon na isama si Virgil sa pamamagitan ng isa na namang sikát na linya: Vuolsi così colà dove si puote, na kapag sinalin ay, "So it is wanted there where the power lies," na tumutukoy sa katunayan na si Dante ay naglalakbay sa divine ground. Ang pagtawid nila sa Acheron, gayunman, ay hindi nailarawan, dahil nahimatay si Dante at hindi na siya nagising hanggang makaabot na sila sa kabiláng dulo.

Ginabayan ni Virgil si Dante tungo sa siyam na bilog ng Impiyerno. Ang mga bilog ay konsentriko, na kumakatawan sa unti-unting pagtaasng kabuktutan, na humahantong sa sentro ng Daigdig, kung saan si Satanas ay nakakulong.

Ang Siyam na Bilog ng Impiyerno

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang Bilog (Limbo)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Limbo naninirahan ang mga di-nabinyagan at kahit mga birtuosong pagano, na bagama't hindi makasalanan, ay hindi tumanggap kay Kristo. Marami itong pagkakatulad sa Asphodel Meadows; na ang mga walang kasalanang sinumpa ay nasa isang depisyenteng porma ng Langit. Mayroong mga luntiang bukid at isang kastilyo na may pitóng tarangkahan na sumasagisag sa pitóng bansay (seven virtues). Ang kastilyo ang tinatahanan ng mga pinakamarunong na tao ng unang panahon, kabílang din dito sa Virgil, gayundin ang Persiyang erudito na si Avicenna. Sa loob ng kastilyo, nakita ni Dante ang mga makatang sina HomerHoraceOvid, at Lucan.

Nang itanong ni Dante kung mayroon na bang nakaalis mula sa Limbo, sinabi ni Virgil na minsan na niyang nakitang dumalaw sa Hesus noong kinuha niya sina Noe, Moises, Abraham, David at Rachel (tingnan ang Limbo ng mga Patriarka ) papunta sa kaniyang mapagpatawad na mga kamay at hinatid ito papunta sa langit bílang parte ng kaniyang Harrowing of Hell.

Ikalawang Bilog (Kahalayan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ikalawang bilog naman ng Impiyerno naroon ang mga nagumon ng kahalayan.

Ikatlong Bilog (Katakawan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang "great worm" na si Cerberus ang nagbabantay sa mga matatakaw, na sa pilitang ipinahihiga sa nakapandidiring lusak na nagmumula sa walang-katapusan, mabaho, at nagyeyelong ulan (Si Virgil ay nakakadaan nang ligtas mula sa halimaw sa pamamagitan ng pagpupunô sa bibig nitó gámit ang lusak).

Ikaapat na Bilog (Kasakiman)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga nagmamahal nang sobra sa mga materyal na bagay nang higit sa naaangkop na tindi ay pinarurusahan sa ikaapat na bilog.

Ikalimang Bilog (Poot)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa mga latiang katubigan ng Ilog Styx, ang mga mapoot ay naglalaban sa ibabaw, at ang mga nalulungkot ay lumalaguklok sa ilalim ng tubig, "sa isang itim na kabalingusngosan kung saan walang kaligayahan sa Diyos o sa tao o sa sansinukob. (Ingles: into a black sulkiness which can find no joy in God or man or the universe.)".

Ikaanim na Bilog (Erehiya)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa ikaanim na bilog, ang mga erehe, tulad ng mga Epikureyo (na nagsasabing "ang kaluluwa ay namamatay kasáma ang katawan")[23] ay nakakulong sa mga nagniningas na puntod.

Ikapitong Bilog (Karahasan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ikapitong bilog ang nananahan sa mga marahas. Ang pasukán nito ay binabantayan ng Minotauro at ito ay kumikilala sa pagdating ni Dante at Virgil sa pamamagitan ng pagkagat sa moon.

Ikawalong Bilog (Pandaraya/Panlilinlang)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ikawalong bilog ng ipiyerno ang nagpaparusa sa mga nagkasala ng sinadyang pandaraya o panlilinlang. Ang mga bilog na ito ay mararating lámang sa pamamagitan ng pagbabâ mula sa isang napakalaking talamapas. Nagawa ito nila Dante sa pamamagitan ng pagsakay sa likod ng Geryon, isang may pakpak na halimaw at tradisyunal na inilalarawang may tatlong ulo o tatlong pinag-isang katawan; ngunit inilalarawan ni Dante and Geryon na may tatlong sáma-sámang likás na uri: tao, halimaw, at reptilya.[37] Ang Geryon ni Dante ay isang simbolo ng pandaraya o panlilinlang, dahil may mukha ito ng isang tapat na tao sa katawan ng isang makulay na wyvern, na may mabalahibong paa ng leon at matulis na nakalalasong buntot na malaalakdan. [38] (Canto XVII).

Ang mga mapanlinlang – ang mga may salà ng sinadya at nakaaalam na kasamaan – ay matatagpuan sa isang bilog na tinatawag na Malebolge (Ingles: Evil Pockets). Ang bilog na ito ay nahahati sa sampung Bolgie, o mga bambang ng bato na may mga tulay:

  • Unang Bolgia - manunulsol (panderer) at seduktor (seducer)
  • Ikalawang Bolgia - manghihibo (flatterer)
  • Ikatlong Bolgia - simonya (simony)
  • Ikaapat na Bolgia - mga mangkukulam, manghuhula, astrologo, at bulaang propeta
  • Ikalimang Bolgia - mga tiwaling politiko/trapo (barrator)
  • Ikaanim na Bolgia - mga hipokrito
  • Ikapitong Bolgia - mga magnanakaw
  • Ikawalong Bolgia - Muhammad, Gaius Scribonius Curio, Bertran de Born, atbp.
  • Ikasiyam na Bolgia - mga mapanlinlang na tagapayo at masasámang konsehero
  • Ikasampung Bolgia - iba't ibang palsaryo (falsifier)

Ikasiyam na Bilog (Kataksilan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ikasiyam at hulíng bilog ay pinalilibutan ng mga klasikal at Biblikal na higante, na maaaring kumakatawan sa kahambugan at iba pang kapintasang espiritwal na may ugnayan sa mga gawaing pantataksil.

Ang mga taksil ay hinihiwalay sa mga mapanlinlang sa dahilang ang mga nagawa nila ay patungkol sa pantataksil sa isang mahalagang relasyon na ano mang uri. Mayroong apat na konsentrikong sona (o ikot) ang mga taksil. Ang mga ikot ay ayon sa bigat ng pantataksil, mula sa pantataksil sa mga kapamilya, pantataksil sa komunidad, pantataksil sa mga bisita, at pantataksil sa mga liege lord. Taliwas ito sa kadalasang imahen ng impiyerno bílang nag-aapoy, ang mga taksil ay nakakulong sa isang lawang nagyelo na tinatawag na Cocytus, na ang bawat pangkat ay naka-encase sa yelo nang iba-ibang lalim.

  • Unang Ikot - Ang unang ikot ay tinatawag na "Caïna", mula kay Cain, ang nagtaksil at pumatay sa sarili niyang kapatid.
  • Ikalawang Ikot - Ang ikalawang ikot ay tinatawag na "Antenora", mula kay Antenor ng Troy, na ayon sa kaugaliang medyebal, ang nagtaksil sa kaniyang lungsod para sa mga Griyego.
  • Ikatlong Ikot - Ang ikatlong ikot ay tinatawag na "Ptolomaea", marahil mula kay Ptolemy, anak ni Abubus, ang nagimbita kay Simon Maccabaeus at sa kaniyang mga anak sa isang saluslo at pinatay ang mga ito.
  • Ikaapat na Ikot - Ang hulíng ikot ay tinatawag na "Judecca", mula kay Hudas Iskariote, na ayon sa Bibliya, ang nagtaksil kay Hesukristo. Nandito ang mga nagtaksil sa kanilang mga panginoon at benepaktor. Lahat ng mga nagkasalà ay naka-encapsulate sa yelo, at naka-distort sa lahat ng puwedeng maisip na posisyon.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy