Pumunta sa nilalaman

Joseph Jacobs

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Joseph Jacobs
Kapanganakan29 Agosto 1854[1]
  • (New South Wales, Australya)
Kamatayan30 Enero 1916[1]
MamamayanAustralya
NagtaposHumboldt-Universität Berlin
Trabahokritiko literaryo, historyador ng panitikan, historyador,[1] children's writer, manunulat[1]

Si Joseph Jacobs (29 Agosto 1854 - 30 Enero 1916) ay isang Australyanong folklorista, tagasalin, kritiko sa panitikan, siyentipikong panlipunan, mananalaysay, at manunulat ng panitikang Ingles na naging isang kilalang kolektor at tagapaglathala ng Ingles na tradisyong-pambayan.

Si Jacobs ay ipinanganak sa Sydney sa isang pamilyang Hudyo. Ang kaniyang trabaho ay nagpatuloy sa pagpapasikat ng ilan sa mga kilalang bersiyon ng Ingles na kuwentong bibit sa buong mundo kabilang ang "Jack and the Beanstalk", "Goldilocks and the Three Bears", "The Three Little Pigs", "Jack the Giant Killer" at "The History ng Tom Thumb". Inilathala niya ang kaniyang mga koleksuyon ng Ingles na kuwentong bibit: English Fairy Tales noong 1890 at More English Fairy Tales noong 1893[a] ngunit nagpatuloy din pagkatapos at sa pagitan ng parehong mga libro upang maglathala ng mga kuwentong bibit na nakolekta mula sa kontinental na Europa pati na rin mula sa mga kuwentong bibit na Hudyo, Kelta, at Indiyano na naging dahilan upang siya ay maging isa sa pinakasikat na manunulat ng kuwentong bibit para sa wikang Ingles. Si Jacobs ay isa ring patnugot para sa mga diyornal at aklat sa paksa ng kuwentong-pambayan na kinabibilangan ng pag-edit sa Mga Pabula ni Bidpai at Mga Pabula ni Esopo, pati na rin sa mga artikulo sa paglipat ng tradisyon-pambayang Hudyo. Namatnugot din siya ng mga edisyon ng Ang Isang Libo't Isang Gabi. Nagpunta siya upang sumali sa The Folklore Society sa Inglatera at naging patnugot ng panlipunang diyornal na Folklore.[2] Nag-ambag din si Joseph Jacobs sa Ang Hudyong Ensikopedya.

Sa panahon ng kaniyang buhay, si Jacobs ay itinuturing na isa sa mga nangungunang eksperto sa tradysyong-pambayang Ingles.

Maagang buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Jacobs ay isinilang sa Sydney, Australia noong 29 Agosto 1854.[3] Siya ang ikaanim na nabubuhay na anak ni John Jacobs, isang publikano na nandayuhan mula sa Londres noong 1837, at ng kaniyang asawang si Sarah, née Myers.[4] Nag-aral si Jacobs sa Paaralang Gramatika ng Sydney at sa Unibersidad ng Sydney, kung saan nanalo siya ng scholarship para sa mga klasiko, matematika, at kimika. Hindi niya natapos ang kaniyang pag-aaral sa Sydney, ngunit umalis patungong Inglatera sa edad na 18.[5]

Lumipat siya sa Inglatera upang mag-aral sa St. John's College sa Unibersidad ng Cambridge, kung saan nakakuha siya ng BA noong 1876.[6] Sa unibersidad, nagpakita siya ng partikular na interes sa matematika, pilosopiya, panitikan, kasaysayan, at antropolohiya.[7] Habang nasa Britanya, naging mulat si Jacobs ang laganap na Antisemitismo; upang kontrahin ito, sumulat siya ng isang sanaysay, "Mordecai", na inilathala sa Hunyo 1877 na edisyon ng Macmillan's Magazine.[6] Noong 1877 lumipat siya sa Berlin upang pag-aralan ang literatura at bibliograpiya ng mga Hudyo sa ilalim ng Moritz Steinschneider at pilosopiya at etnolohiya ng mga Hudyo sa ilalim Moritz Lazarus.[6]

  1. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang year); $2

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 https://cs.isabart.org/person/137454; hinango: 1 Abril 2021.
  2. Kamalian ng Lua na sa Module:Citation/CS1 na nasa linyang 831: Walang depinisyon ang argument map para sa variable na ito: ScriptEncyclopedia.
  3. Sulzberger 1917, p. 68; Phillips 1954, p. 126; Fine 1987, p. 183.
  4. G. F. J. Bergman, "Jacobs, Joseph (1854–1916)", Australian Dictionary of Biography, Volume 9, MUP, 1983, pp. 460–461. Retrieved 16 August 2009.
  5. Jacobs, Joseph sa Venn, J. & J. A., Alumni Cantabrigienses, Imprenta ng Pamantasan ng Cambridge, 10 mga bolyum, 922–1958.
  6. 6.0 6.1 6.2 Sulzberger 1917.
  7. Sulzberger 1917, p. 68.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy