Pumunta sa nilalaman

Juan Sebastián Elcano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Juan Sebastián Elcano.
Istatwa ni Juan Sebastián Elcano sa Getaria (Espanya).

Si Juan Sebastián Elcano (minsan maling binaybay na del Cano;[1] 1486 o 1487Agosto 4, 1526) ang namuno sa natitirang barko ni Fernando de Magallanes kaya't nakumpleto niya ang makasaysayan at pinakaunang sirkumnabigasyon ng mundo noong 1522. Isinilang sa Getaria, sa lalawigan ng Guipúzcoa sa Basque, Kaharian ng Castile, na bahagi na ngayon ng Espanya). Isa siyang Baskong (Kastilang) nabigador. Namatay siya habang nasa Karagatang Pasipiko, noong muli siyang maglakbay bilang isa sa mga itinalagang kapitan ng barko ng Ekspedisyong Loaísa (nagsimula 1525). Sa biyaheng ito, kasamang kapitan niya si García Jofre de Loaísa at nagkaroon sila ng pitong barkong pinaglayag para angkinin ang Kapuluang Spice (Kapuluang Maluku, Kapuluang Molukas o Kapuluang Moluccas) para kay Carlos I ng Espanya. Kapwa namatay si Elcano at Loaísa, kasama ang iba pang mga mandaragat dahil sa malnutrisyon habang nasa Karagatang Pasipiko. Narating ng mga nananatiling-buhay ang kanilang layuning pook subalit iilan lamang ang nakabalik sa Espanya - ang ikalawang sirkumnabigasyon sa kasaysayan matapos ang kay Elcano. Kilala rin siya bilang Juan Sebastián de Elcano.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Karnow, Stanley (1989). "Juan Sebastián del Cano". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Juan Sebastián de Elcano, Hispanos Famosos, Coloquio.com

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy