Pumunta sa nilalaman

Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kompanyang Olandes ng Silangang Indiya
UriPublikong kumpanya
IndustriyaKalakalan
Itinatag20 Marso 1602 (1602-03-20)[1]
Na-defunct31 Disyembre 1799 (1799-12-31)
TadhanaDissolved
Punong-tanggapan
East India House, Amsterdam at Oost-Indisch Huis, Middelburg
,

Ang Kumpanyang Olandes ng Silangang Indiya (Olandes: Vereenigde Oost-Indische Compagnie o VOC, "Nagkakaisang Kumpanyang Silangang Indiya") ay isang kompanyang may pahintulang itinatag noong 1602 nang bigyan ito ng Heneral ng Estado ng Nederlandiya ng 21 taong monopolyo upang isagawa ang mga gawaing pangkolonya sa Asya. Ito ay kadalasang itinuturing na unang korporasyong multinasyonal sa buong mundo at ang unang kompanyang nag-isyu ng stock. Ito ay maikakatwirang isang megakorporasyon na nag-aangkin ng mga kapangyarihang quasi-pampahalaan kabilang ang pakikidigma, pagbilanggo at pagpatay sa mga nahatulan, makipag-ayos ng mga kasunduan, gumawan ng salapi at magtatag ng mga kolonya. Nadaig ng VOC ang lahat ng mga katunggali nito sa kalakalang Asya. Sa pagitan ng 1602 at 1796, ang VOC ay nagpadala ng halos isang milyong mga Europeo sa kalakalang Asya lulan ng 4,785 barko at nakakuha ng higit sa 2.4 milyong toneladang mga kalakal na Asyano. Salungat dito, ang natitira ng Europa ay sama-samang nagpadala lamang ng 882,412 katao mula 1500 hanggang 1795. Ang VOC ay nagkamit ng malalaking mga tubo mula sa monopolyo nito ng pampalasa sa halos karamihan ng ika-17 siglo.

Noong 1619, itinatag ng VOC ang kabisera sa lungsod na daungan ng Jayakarta at pinangalanang Batavia (ngayong Jakarta). Sa sumunod na dalawang siglo, nakamit ng VOC ang mga karagdagang daungan bilang mga base ng kalakalan. Kanilang iningatan ang kanilang mga interest sa pananakop ng mga nakapalibot na teritoryo. Ito ay nanatiling isang mahalagang kompanya ng kalakalan at nagbayad ng 18% taunang divident sa halos 200 taon.

Dahil sa korupsiyon noong huling ika-18 siglo, ang VOC ay naging bangkarota at pormal na binuwag noong 1800. Ang mga ari-arian nito at mga utang ay sinalo ng pamahalaan ng Republikang Batavian na Dutch. Ang mga teritoryong nasakop ng VOC ang naging Silangang Indiyas ng Olanda at pinalawig sa ika-19 siglo sa buong kapuluang Indonesian. Noong ika-20 siglo, ito ay bumubuo ng Republika ng Indonesia.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "The Dutch East India Company (VOC)". Canon van Nederland. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Disyembre 2018. Nakuha noong 19 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy