Pumunta sa nilalaman

Kuhol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kuhol
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Grupo Ng mga kuhol

Ang suso o kuhol (Ingles: snail) ay maluwag na tumutukoy sa lahat ng kasapi sa klaseng mollusca ng Gastropoda na kadalasang mayroong matigas at paikot na mga kabibe. Matatagpuan ang mga kuhol sa halos lahat ng dako ng daigdig, sa kalupaan, sa tubig-tabang, at sa karagatan.

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga katangiang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lalong marami ng mga kuhol ay gumagalaw sa pamamagitan ng kanilang makalamnang paa, na siyang pinadudulas ng uho. Ang makalamnang galaw na ito'y madaling makita, lalo na kapag ang kuhol ay umaakyat sa isang salamin.

Mabagal gumalaw ang kuhol. Ang pampadulas na uhong ginagamit ng yaon ay ginagamit upang mabawasan ang pagkiskis nito sa kinagagalawan. Tumutulong din ang uho upang maiwasan ng kuhol ang karamihan ng mga pinsalang dulot ng matatalim na kagamitan.

Sa pagpaparami

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Marami sa mga kuhol, at lahat ng kuhol panlupa'y may kapwa panlalaki at pambabaeng kasangkapang pamparami. Nangagsisigawa ang kani-kanilang mga katawan ng kapwa isperma't itlog. Ang iilan nama'y may magkakaibang mga kasarian. Kinakaya nang magparami ng lalong marami ng mga kuhol sa katandaang isang taong gulang.

Ang kuhol ay madalas na linalarawang sagisag ng katamaran, kabagalan, at kabatugan.

Sa wikang Ingles, ang snail mail (snail – kuhol, mail – sulat) ay nangangahulugan ng paggamit ng karaniwang lingkurang postal ng mga sulat, di tulad ng E-mail na siyang napapadala ng saglitan.

Itlog ng Kuhol
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy