Pumunta sa nilalaman

L'Aquila

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
L'Aquila
Comune dell'Aquila
Piazza Duomo
Piazza Duomo
Eskudo de armas ng L'Aquila
Eskudo de armas
Lokasyon ng L'Aquila
Map
L'Aquila is located in Italy
L'Aquila
L'Aquila
Lokasyon ng L'Aquila sa Italya
L'Aquila is located in Abruzzo
L'Aquila
L'Aquila
L'Aquila (Abruzzo)
Mga koordinado: 42°21′N 13°24′E / 42.350°N 13.400°E / 42.350; 13.400
BansaItalya
RehiyonAbruzzo
LalawiganL'Aquila (AQ)
Mga frazionesee list
Pamahalaan
 • MayorPierluigi Biondi (FDI)
Lawak
 • Kabuuan473.91 km2 (182.98 milya kuwadrado)
Taas
714 m (2,343 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan69,439
 • Kapal150/km2 (380/milya kuwadrado)
DemonymAquilani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
67100
Kodigo sa pagpihit0862
Santong PatronSan Maximo, San. Equitio, Papa Pedro Celestino, San Bernardino ng Siena
Saint dayHunyo 10
WebsaytOpisyal na website

Ang L'Aquila ( /ˈlækwɪlə/ LAK -wil-ə,[4][5] Italyano: [ˈLaːkwila]; nangangahulugang "Ang Agila") ay isang lungsod at comune sa gitnang Italya. Ito ang kabeserang lungsod ng parehong rehiyon ng Abruzzo at ng Lalawigan ng L'Aquila. Magmula noong 2013 , mayroon itong populasyon na 70,967. Nakalatag sa loob ng mga medyebal na pader sa isang burol sa malawak na lambak ng ilog ng Aterno, napapaligiran ito ng Kabundukang Apenino, kasama ang Gran Sasso d'Italia sa hilagang-silangan.

Ang L'Aquila ay nasa isang burol sa gitna ng isang makitid na lambak; matangkad na mga bundok na natakpan ng niyebe ng Gran Sasso massif na nasa tabi ng bayan. Isang laberinto ng makitid na kalye, na may linya na mga gusali at simbahan ng Baroko at Renasimiyento, na bumubukas sa mga eleganteng piazza. Tahanan ng Pamantasan ng L'Aquila, ito ay isang buhay na buhay na pangkolehiyong bayan at, tulad nito, ay may maraming institusyong pangkulturan: isang teatrong pangrepertoryo, isang symphony orchestra, isang akademya para sa sining biswal, isang konserbatoryo ng estado, at isang institusyong pampelikula. Maraming ski resort na nakapalibot (Campo Imperatore, Ovindoli, Pescasseroli, Roccaraso, Scanno).

Mga pangunahing tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang kutang Espanyol.
Basilika ng San Bernardino

Bagaman mas mababa sa isang oras at kalahati ang biyahe mula sa Roma, at tanyag sa mga Romano para sa pag-akyat sa bundok tuwing tag-init at pag-ski sa taglamig sa mga nakapaligid na bundok, ang lungsod ay madalang sa mga turista. Kabilang sa mga pasyalan ng:

Mga gusaling panrelihiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Katedral ng L'Aquila: pangunahing simbahan na alay kay San Maximo ng Aveia (San Massimo), na itinayo noong ika-13 siglo, ngunit nawasak pagkatapos ng lindol noong 1703. Ang pinakahuling patsada ay nagmula noong ika-19 na siglo, ngunit ang lindol noong 2009 at kasunod na mga lindol ang gumuho sa mga bahagi ng transepto at posibleng higit pa sa katedral.
  • Basilika ng San Bernardino (1472): ang simbahan ay may mahusay na Renasimiyentong patsada ni Nicolò Filotesio (karaniwang tinawag na Cola dell'Amatrice), at naglalaman ng malaking puntod ng santo (1480), pinalamutian ng magagandang mga eskultura, na inukit ni Silvestro Ariscola.
  • Santa Maria di Collemaggio: isang simbahan sa labas lamang ng bayan, ito ay may napakahusay, ngunit simpleng, Romanikong patsada (1270–1280) na pula at puting marmol, na may tatlong pinalamutian na mga portada at isang bintanang rosas sa itaas. Ang dalawang pintuan sa gilid ay mahusay rin. Ang loob ay naglalaman ng mausoleo ni Papa Celestino V na tinayo noong 1517.
  • Santa Giusta: Romanikong patsada na may Gotikong bintanang rosas
  • San Silvestro: Ika-14 na siglong Romanikong patsada na may Gotikong bintanang rosas

Mga gusaling sekular

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kutang Espanyol (Forte Spagnolo) : napakalaking kastilyo sa pinakamataas na bahagi ng bayan, na itinayo noong 1534 ng biseroy ng Espanya na si Don Pedro de Toledo. Noong 2016, ginawang tahanan ng Pambansang Museo ng Abruzzo.
  • Fontana Luminosa ("Maliwanag na Balong"): isang iskultura noong 1930 ng dalawang babaeng nagdadala ng malalaking banga.
  • Fontana delle novantanove cannelle (1272): isang balong na may siyamnapu't siyam na jet na nakakalat sa tatlong pader. Ang pinagmulan ng balong ay hindi pa rin alam.
  • L'Aquila sementeryo: kasama ang libingan ni Karl Heinrich Ulrichs, ika-19 na siglo na Alemang tagapagtatag ng karapatang LGBT na nanirahan sa L'Aquila; bawat taon, ang mga LGBT mula sa buong mundo ay nagkikita sa sementeryo upang igalang ang kaniyang alaala.
  • Mga Romanong guho sa Amiternum: mga lugar ng labu ng isang Sinaunang Romanong lungsod
  • Rocca Calascio : kastilyo na ginamit noong 1980s bilang lokasyon ng pelikulang Ladyhawke, na marahil ang pinakamataas na kastilyo sa Italya, kung hindi, Europa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Population data from Istat
  4. "L'Aquila". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong Abril 6, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "L'Aquila" Naka-arkibo 2019-04-06 sa Wayback Machine. (US) and "L'Aquila". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press.
[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy