Pumunta sa nilalaman

Lutuing Italyano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paikot sa kanan mula sa kaliwang itaas; ilan sa mga pinakasikat na pagkaing Italyano: Napolitanong pizza, carbonara, espresso, at gelato

Ang lutuing Italyano (Italyano: cucina italiana, pagbigkas [kuˈtʃiːna itaˈljaːna]) ay isang lutuing Mediteraneo[1] na binubuo ng mga sangkap, resipi at paraan sa pagluluto na nilinang sa Tangway ng Italya at nang maglaon ay kumalat sa buong mundo sa pagdagsa ng diasporang Italyano.[2][3][4] Inangkat ang ilan sa mga pagkain na ito mula sa mga ibang kultura. Malaki ang nagbago dahil sa kolonisasyon ng Kaamerikahan at pagpapakilala ng patatas, kamatis, sili, mais at sugar beet — ipinakilala nang maramihan ang huling binanggit noong ika-18 siglo.[5][6] Isa ito sa mga pinakakilala at pinakapinahahalagahan na gastronomiya sa buong mundo.[7]

Kabilang sa lutuing Italyano ang mga mga tradisyong malalim ang pagkakaugat na karaniwan sa buong bansa, pati na rin ang mga gastronomiyang panrehiyon, na magkaiba sa isa't isa, lalo na sa hilaga, gitna at timog ng Italya, na may patuloy-tuloy na pagpapalitan.[8][9][10] Kumalat ang maraming pagkain na dating panrehiyon lamang, at nagkaroon ang mga ito ng mga baryasyon sa buong bansa.[11][12] May kasaganaan ng lasa sa lutuing Italyano, at isa ito sa mga pinakasikat at pinakakinokopya sa buong mundo.[13] Naging impluwensiya ang lutuin sa mga iba pang lutuin sa mundo, lalo na sa lutuin ng Estados Unidos.[14]

Isa sa mga pangunahing katangian ng lutuing Italyano ang pagiging simple nito. Gawa sa kaunting sangkap lamang ang karamihan ng mga putahe, kaya madalas na umaasa ang mga Italyanong kusinero sa kalidad ng mga sangkap, sa halip na sa kasalimuotan ng paghahanda.[15][16] Lutuing Italyano ang pinagmulan ng entrega ng higit sa 200 bilyon sa buong mundo.[17] Sa paglipas ng mga siglo, malimit na inilikha ang mga pinakasikat na pagkain at resipi ng mga ordinaryong tao higit sa mga kusinero, kaya maraming mga resiping Italyano na bagay para sa pambahay at pang-araw-araw na pagluluto. Nirerespto rin ang mga partikularidad ng mga rehiyon, sa tanging paggamit ng mga likas na materyales at sangkap mula sa pinagmulang rehiyon ng putahe at pagpepreserba ng kapanahunan nito.[18][19][20]

Naging batayan ng lutuing Italyano ang diyetang Mediteraneo, na mayaman sa pasta, isda, prutas at gulay.[21] Mga sentro sa lutuing Italyano ang keso, salumi at alak, at kasama ng pizza at kape (lalo ng ang espresso) ang nagbubuo ng bahagi ng Italyanong kultura sa gastronomiya.[22] May isang mahabang tradisyon ang mga panghimagas sa paghahalo ng mga lokal na lasa katulad ng bungang sitrus, pistatso at almendras sa mga matatamis na keso katulad ng mascarpone at ricotta o mga kakaibang lasa katulad ng kakaw, baynilya, at kanela. Kabilang sa mga pinakasikat na Italyanong panghimagas, keyk at pastelerya ang gelato,[23] tiramisù[24] at cassata. Lubusang dumidepende ang lutuing Italyano sa mga produktong tradisyonal; marami ang tradisyonal na espesyalidad ng bansa na pinoprotektahan ng batas ng EU.[25] Ang Italya ay ang pinakamalaking prodyuser ng alak, pati na rin ang bansa na may pinakasari-saring baryante ng katutubong punong ubas sa buong mundo.[26][27]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. David, Elizabeth (1988) [1950]. A Book of Mediterranean Food. Dorling Kindersley [John Lehmann]. pp. 101–103. ISBN 978-0-14-027328-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Italian Food" [Pagkaing Italyano]. Life in Italy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2017. Nakuha noong 15 Mayo 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The History of Italian Cuisine I" [Ang Kasaysayan ng Lutuing Italyano I]. Life in Italy (sa wikang Ingles). 30 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Thoms, Ulrike. "From Migrant Food to Lifestyle Cooking: The Career of Italian Cuisine in Europe Italian Cuisine" [Mula Pagkain ng Migrante hanggang Pamumuhay ng Pagluluto: Ang Karera ng Lutuing Italyano sa Europa]. EGO (http://www.ieg-ego.eu) (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Making of Italian Food...From the Beginning" [Ang Paggawa ng Pagkaing Italyano...Mula Pasimula] (sa wikang Ingles). Epicurean. Nakuha noong 24 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Del Conte 2004, pp. 11–21.
  7. For example, in 2019, the American network CNN ranked first in a ranking of the best cuisines in the world; see: "Which country has the best food?". Nakuha noong 14 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link). According to a survey conducted by the British company of market analysis YouGov, out of 24 countries, Italian cuisine was the most internationally appreciated gastronomy with 84% of total preferences; see: "Sondaggio YouGov:l'84% delle persone nel mondo preferisce la cucina italiana". Nakuha noong 14 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Related Articles (2 Enero 2009). "Italian cuisine" [Lutuing Italyano]. Britannica Online Encyclopedia (sa wikang Ingles). Britannica.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Italian Food – Italy's Regional Dishes & Cuisine". Indigo Guide. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2011. Nakuha noong 24 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Regional Italian Cuisine". Rusticocooking.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Abril 2010. Nakuha noong 24 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Cronistoria della cucina italiana" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 13 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Piatti regionali a diffusione nazionale" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 13 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "How pasta became the world's favourite food". bbc. 15 Hunyo 2011. Nakuha noong 28 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Freeman, Nancy (2 Marso 2007). "American Food, Cuisine" [Amerikanong Pagkain, Lutuin] (sa wikang Ingles). Sallybernstein.com. Nakuha noong 24 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Intervista esclusiva allo chef Carlo Cracco: "La cucina è cultura"" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Storia della cucina italiana: le tappe della nostra cultura culinaria" (sa wikang Italyano). 25 Mayo 2019. Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "La cucina italiana nel mondo: un business da 229 miliardi" (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2020. Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Individualità territoriale e stagionalità nella cucina italiana" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Regole e stagionalità della cucina italiana" (sa wikang Italyano). 2 Disyembre 2016. Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Nonne come chef" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 5 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. The Silver Spoon [Ang Kutsarang Pilak] (sa wikang Ingles) ISBN 88-7212-223-6, 1997 ed.
  22. Marshall, Lee (30 Setyembre 2009). "Italian coffee culture: a guide" [Kulturang kape ng Italya: isang gabay]. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Jewkes, Stephen (13 Oktubre 2012). "World's first museum about gelato culture opens in Italy" [Unang museum tungkol sa kultura ng gelato sa mundo, nagbukas sa Italya]. Times Colonist (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Squires, Nick (23 Agosto 2013). "Tiramisu claimed by Treviso" [Tiramisung inangkin ni Treviso]. The Daily Telegraph (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2013. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Keane, John. "Italy leads the way with protected products under EU schemes" [Italya, nangunguna sa protektadong produkto sa ilalim ng eskema ng EU] (sa wikang Ingles). Bord Bia. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2014. Nakuha noong 5 Setyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "L'Italia è il maggiore produttore di vino" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "L'Italia è il paese con più vitigni autoctoni al mondo" (sa wikang Italyano). 3 Hunyo 2017. Nakuha noong 11 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy