Pumunta sa nilalaman

Nabigasyong satelayt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paghahambing sa mga lapaya ng sistemang nabigasyong satelayt ng GPS, GLONASS, Galileo at Compass (katamtamang ligiran ng Mundo) kasama ang Pandaigdigang Estasyong Pangkalawakan, Teleskopyong Pangkalawakang Hubble at mga lapya ng konstelasyong Iridium, Lapya ng Heoestasyonaryong Mundo, at ang nominal na laki ng Mundo.[a] Ang lapya ng Buwan ay siyam na beses ang laki (sa radyus at haba) kaysa sa lapya ng heoestasyonaryo.[b]

Ang isang nabigasyong satelayt, satellite navigation o sistemang sat nav sa Ingles ay isang sistema ng mga satelayt na nagbibigay na awtonomiyang heyo-spasyal na pagpoposisyon sa pangmalawakang sakop. Pinapayagan nito ang mga elektronikong tagatanggap na malaman ang kanilang posisyon o lokasyon (Longhitud, Latitud, at altitud) sa pagitan ng ilang metro na ginagamitan ng mga pinasang signal na oras na linya-ng-paningin sa pamamagitan ng radyo mula sa mga satelayt. Kinakalkula ng mga tagatanggap ang tamang oras at kasama na rin ang posisyon, na kung saan ay maaaring gamiting sanggunian sa mga maka-agham na eksperimento. Ang isang sistemang nabigasyong satelayt ba may global na sakop ay maaaring tawaging pang-global na sistemang nabigasyong satelayt (PSNS) o global navigation satellite system (GNSS).

Batay noong Abril 2013, tanging ang NAVSTAR Global Positioning System (GPS) ng Estados Unidos at ang GLONASS ng Rusya ang nagagamit ng maayos. Nasa proseso naman ng pagpapalawak ng rehiyonal na nabisgasyong satelayt ng Beidou ng Tsina sa global na sistemang nabigasyon ng Compass sa 2020.[1] Isang PSNS naman ang sistemang posisyon ng Galileo ng Unyong Europeo na nasa simulang bahagi ng paglalagay, na nakatakdang paganahin sa 2020.[2] Gumagawa rin ang Indiya ng Rehiyonal na Sistemang Nabigasyong Satelayt ng Indiya na kung saan ay magiging operasyonal sa 2014. Nasa proseso rin ng pagpapaunlad ng rehiyonal na sistemang nabigasyon ang ilang bansa tulad na lamang ng Pransiya at Hapon.

Pangkalahatang natatamo ng isang sisteman ang global na sakop sa pamamagitan ng konstilasyong satelayt sa mga satelayt sa 20–30 katamtamang ligiran ng Mundo (MEO) na nakakalat sa pagitan ng ilang orbital na lapya.

  1. Nakakalkula ang piryud ng lapya at bilis sa pamamagitan ng paggamit ng mga relasyong 4π²R³ = T²GM at V²R = GM, na kung saan ang R = radyus ng lapya sa metro, T = piryud ng lapya sa segundo, V = panglapyang bilis sa in m/s, G = Grabitasyonal na konstante ≈ 6.673×10-11 Nm²/kg², M = bigat ng Earth ≈ 5.98×1024 kg.
  2. Humigit kumulang 8.6 na beses kapag ang buwan ay malapit (363 104 km ÷ 42 164 km) hanggang 9.6 na bese kapag ang buwan ay malayo (405 696 km ÷ 42 164 km).
  1. "Beidou satellite navigation system to cover whole world in 2020". Eng.chinamil.com.cn. Nakuha noong 2011-12-30.
  2. "Galileo Assessment Pulls no Punches". SpaceNews.com. 2011-01-20. Nakuha noong 2011-12-30.[patay na link]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy