Pumunta sa nilalaman

Pag-iisip

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ipinintang larawan ng nag-iisip na Babaeng may panulat at papel mula sa Pompeii.

Ang iniisip, naiisip, o diwa, mula sa mga salitang isip at isipan, ay ang mga hubog, hugis, at anyong nalilikha sa isipan, sa halip na mga pormang napagmumulatan, napapansin, o napagmamasdan sa pamamagitan ng limang mga sentido o pandama. Ang naiisip o pag-iisip ay mga proseso kung saan ang mga imahinaryo o nasa isip lamang ng mga persepsiyon ay bumabangon o lumilitaw at namamanipula o napapagalaw o "nahahawakan". Nakapagpapahintulot ang pag-iisip sa mga nilalang upang imodelo o ihuwaran o lilukin ang mundo at katawanin ito ayon sa kanilang mga layunin, mga plano, mga balak, at mga nais o kagustuhan. Katulad na mga konsepto at mga proseso ang kognisyon o paglilimi (pag-unawa), kamalayan, kamukatan, kamuwangan, damdamin, mga ideya, at imahinasyon.[1] Kaugnay ito ng mga salitang pag-iisip, akala, ala-ala, hinagap, hinuha, salamisim, gunam-gunam, taki-taki, gunita, konsepto, agam-agam,nosyon, at paniniwala.[2][3]

Ang pag-iisip ay ang operasyon o pagsasagawa sa utak na nagpapahintulot sa "may-ari" ng isipan o ng utak na matugunan ang mga suliraning hindi masasagot ng instinto o likas na udyok. Habang nabubuhay ang ibang mga hayop sa pamamagitan ng likas na udyok o kilos, gumagamit ang mga tao ng isipan pati na instinto upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok ng buhay. Kung walang mga ideya, ang mundo, sa pangkalahatan, ay magbabago ng mabagal at hindi gaanong mabisa. Tunghayan ang payak na paghahambing: gumagawa ng pugad ang mga ibon, habang ang mga tao ay nagtatayo ng mga gusaling tukud-langit

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Webster's II New College Dictionary, Webster Staff, Webster, Houghton Mifflin Company, Edisyon: 2, may ilustrasyon, binago, inilathala ng Houghton Mifflin Harcourt, 1999, ISBN 0-395-96214-5, 9780395962145, pahina 1147
  2. Blake, Matthew (2008). "Thought". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. Thought - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy