Pumunta sa nilalaman

Pagnanakaw

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
The caught thief servant ni Constant Wauters, langis sa panel, 50 x 39,5, 1845

Sa karaniwang gamit, ang pagnanakaw (sa Ingles: theft) ay ang pagkuha ng pagmamay-ari ng ibang tao nang walang pahintulot o pagpayag nito na may tangkang agawan ang talagang may-ari nito.[1][2] Ginagamit din ang salita sa impormal na mabilisang katawagan sa ilang mga krimen laban sa ari-arian, tulad ng panloloob, paglustay, larceny (pagnanakaw ng ari-arian), pagdambong, puwersahang pagnanakaw (robbery), pagnanakaw na tindahan (shoplifting), pagnanakaw ng aklat sa aklatan (library theft), at pandaraya (i.e., ang pagkuha ng salapi sa pagkukunwari).[1][2] Sa ilang hurisdiksyon, tinuturing na kasing-kahulugan ng larceny ang pagnanakaw [2] (sa Tagalog, pagnanakaw din ang tawag sa larceny); sa iba, pinalitan ng pagnanakaw ang larceny. Sinuman ang gumagawa ng pagnanakaw o gumagawa ng karera sa pagnanakaw ay tinatawag na magnanakaw.

Ang pagnanakaw ay ang pangalan ng sala ayon sa batas sa California, Canada, England at Wales, Hong Kong,[3] Hilagang Ireland, Ireland,[4] at Victoria (Australia).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Theft" (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong Oktubre 12, 2011. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Cap 210 THEFT ORDINANCE". legislation.gov.hk (sa wikang Ingles).
  3. "Section 4, Criminal Justice (Theft and Fraud Offences) Act, 2001". Irish Statute Book (sa wikang Ingles).
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy