Pumunta sa nilalaman

Papa Clemente VIII

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pope Clement VIII
Bishop of Rome
Portrait by Giuseppe Cesari, ca. 1598
(oil on canvas, Diocesan Museum of Senigallia)
SimbahanCatholic Church
Nagsimula ang pagka-Papa30 January 1592[1][2][3]
Nagtapos ang pagka-Papa3 Marso 1605
HinalinhanInocencio IX
KahaliliLeo XI
Mga orden
Ordinasyon31 Disyembre 1580
Konsekrasyon2 Pebrero 1592
ni Alfonso Gesualdo di Conza
Naging Kardinal18 December 1585
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanIppolito Aldobrandini
Kapanganakan24 February 1536
Fano, Marche, Papal States
Yumao5 Marso 1605(1605-03-05) (edad 69)
Rome, Papal States
Dating puwestoCardinal-Priest of San Pancrazio fuori le Mura (1585–92)
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Clement
Pampapang styles ni
Papa Clemente VIII
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father

Si Papa Clemente VIII (Latin: Clemens VIII; Italyano: Clemente VIII; 24 Pebrero 1536 – 3 Marso 1605), ipinanganak na Ippolito Aldobrandini ay isang papa ng Simbahang Katoliko Romano at pinuno ng mga Estado na Pang-Papa mula Pebrero 2, 1592 hanggang sa kanyang kamatayan. siya ay ipinanganak sa Fano, Italya[4] sa isang prominenteng pamilyang Florentino. Siya ay unang tumanyag bilang abugado ng kanon bago naging Kardinal-Pari noong 1585. Noong 1592, si Aldobrandin ay nahalal na papa ng Simbahang Katoliko Romano at naging Clemente VIII. Sa kanyang kapapahan, nagawa niyang maibalik si Henry IV ng Pransiya sa pananampalatayang Romano Katoliko at naging kasangkapan sa pagbuo ng isang alyansa ng mga bansang Kristiyano na sumalungat sa Imperyong Otomano sa tinatawag na Mahabang Digmaan noong 1591-1606. Siya rin ang nagpasya sa isang mapait na alitan sa pagitan ng mga Dominicano at mga Jesuita sa isyu ng hindi matututulang biyaya at malayang kalooban. Noong 1600, nangasiwa siya sa isang Hubileo sa Roma. Siya ang humatol kay Giordano Bruno sa kamatayan. Ipinatupad niya ang mahigpit na mga batas laban sa mga Hudyong mamamayan ng mga Estadong Pang-Papa. Siya rin ang papa na maaring kauna-unahang uminom ng kape. Si Clemente VIII ay namatay sa edad na 69 noong 1005 at ang kanyang mga labi ay nakalagak sa simbahan sa Roma na Santa Maria Maggiore.

Inkisiyong Romano Katoliko ni Giordano Bruno

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang paglilitis kay Giordano Bruno sa inkisisyong Romano Katoliko. Bronseng relief ni Ettore Ferrari, Campo de' Fiori, Roma.

Kabilang sa mga kasalanan ni Giordano Bruno na itinala ng inkisador na si Roberto Bellarmino ang kanyang: pagtanggi sa Trinidad, pagtanggi sa pagkaDiyos ni Hesus, pagtanggi sa pagkabirhen ni Maria, paniniwala sa maraming mundo, reinkarnasyon at dibinasyon.[5] Pinilit ni Bellarmino na bawiin ni Bruno ang kanyang mga erehiya ngunit siya ay tumanggi. Noong Enero 20, 1600, hinatulan ni Papa Clemente VIII na nagkasala ng erehiya si Bruno at hinatulan si Bruno ng kamatayan at pinasunog ng buhay sa isang poste. Si Giordano Bruno ay sumikat pagkatapos ng kanyang kamatayan lalo na sa mga komentador noong ika-19 hanggang ika-20 siglo at tumuring sa kanyang isang martir para sa malayang isipan at modernong mga ideyang siyentipiko.

  1. http://www.jgray.org/codes/1917CIC.txt Padron:Bare URL plain text
  2. "Guiding Principles of the Lay Apostolate". 5 Oktubre 1957.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Taunton, Ethelred Luke (1906). "The Law of the Church: A Cyclopaedia of Canon Law for English-speaking Countries".{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Clement VIII". w2.vatican.va.
  5. Mooney, John A. "Giordano Bruno," American Catholic Quarterly Review, Vol. XIV, 1889.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy