Pumunta sa nilalaman

Perhuryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay o perhuryo[1] (sa Ingles: perjury) ay ang intensyunal na akto ng huwad na panunumpa o pagpalsipikado ng isang pahayag na sabihin ang katotohanan, kahit pa ito ay winika o sinulat, patungkol sa mga bagay-bagay na materyal sa isang opisyal na paglilitis.[2] Ang pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay ay isang malalang kasalanan sa mga iba't ibang bansa dahil ginagamit ito upang agawin ang kapangyarihan ng mga hukuman na nagreresulta sa hindi tamang paglalapat ng hustisya. Halimbawa, sa Estados Unidos, ang pangkalahatang batas ng perhuryo sa ilalim ng batas Pederal ay inuuri bilang isang pelonya at nagbibigay ng parusang pagkabilanggo ng hanggang limang taon. Bagaman, bibihara ang prosekusyon ng pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay.[3]

Tulad ng krimen sa sistema ng karaniwang batas, para mahatulan sa pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay, kailangang may intensyon (mens rea) na gawin ang akto at aktuwal na ginawa ang akto (actus reus). Dagdag pa dito, hindi tinuturing na pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay ang mga pahayag na katunayan, kahit pa tiyak na hindi ito sinama, at hindi perhuryo ang magsinungaling tungkol sa mga bagay na hindi mahalaga o kailangan sa legal na paglilitis. Ang mga pahayag na kasama ang isang interpretasyon ng patunay ay hindi pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay dahil madalas na gumagawa ang mga tao ng hindi tumpak na mga konklusyon nang hindi sinasadya o gumagawa ng tapat na mga pagkakamali nang walang layuning manlinlang. Maaaring mayroon ang mga indibiduwal ng tapat subalit maling paniniwala tungkol sa ilang patunay o maaaring hindi tumpak ang kanilang alaala, o maaaring may ibang persepsyon ng kung ano ang tumpak na paraan para sabihin ang katotohanan. Sa ilang hurisdiksyon, walang krimen ang nangyari kapag nagawa ang isang hindi tunay na pahayag (may intensyon man o wala) habang nasa ilalim ng panunumpa o napapailalim sa parusa. Sa halip, nakakabit lamang ang kriminal na pagkakasala sa sandaling maling iginiit ng nagdeklara ang katotohanan ng mga pahayag (ginawa o gagawin) na materyal sa kinalabasan ng paglilitis. Halimbawa, hindi pagsisinungaling sa sinumpaang salaysay ang magsinungaling sa aktuwal na gulang maliban kung ang edad ay materyal na patunay na makakaimpluwensiya sa resultang legal, tulad ng pagiging karapat-dapat para sa benipisyo sa pagreretiro kapag tumanda na o kung ang isang tao ay nasa hustong gulang na magkaroon ng legal na kapasidad.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. perjury - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Perjury The act or an instance of a person’s deliberately making material false or misleading statements while under oath. – Also termed false swearing; false oath; (archaically forswearing." Garner, Bryan A. (1999). Black's Law Dictionary (ika-7th (na) edisyon). St. Paul MN: West Group. p. 1160. (sa Ingles)
  3. "Perjury". Criminal Law Lawyer Source. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Setyembre 2017. Nakuha noong 3 Agosto 2022.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy