Pumunta sa nilalaman

Positibismo lohiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang positibismong lohikal(o empirisismong lohikal o pilosopiyang siyentipiko o neopositibismo) ay isang pilosopiya na nagsasama ng empirisismo na ideya na ang mga ebidensiyang mapagmamasdan ay mahalaga para sa kaalaman na may isang bersiyon ng rasyonalismo na nagsasama ng mga pagtatayong matematikal at lohiko-linggwistiko at mga deduksiyon ng epistemolohiya. Ito ay maaaring ituring na isang uri ng pilosopiyang analitiko.[1]

Ang mga positibistang lohikal ay naniniwala sa isang malawak na mga pananaw tungkol sa maraming mga bagay. Gayunpaman, ang mga ito ay interesado sa agham at skeptikal sa teolohiya at metapisika. Sa simula, ang karamihan ng mga positibistang lohikal ay nagmungkahing ang lahat ng kaalaman ay nakabatay sa imperensiyang lohikal mula sa mga simpleng pangungusap na protokol na nakasalig sa mga mapagmamasdang katotohanan. Maraming mga positibistang lohikal ay nagendorso ng mga anyo ng materyalismo, naturalismong metapisikal, at empirisismo.

Pagiging mapapatunayang kriteryon ng kahulugan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Marahil, ang pananaw na ang mga positibistang lohikal ay mahusay na kilala ang pagiging mapapatunayang kriteryon ng kahulugan o beripikasyonismo. Sa isa sa mga mas maaga at mas malakas na mga pormulasyon nito, ito ang doktrina na ang proposisyon ay isa lamang "makahalugang kognitibo" kung mayroon isang walang hangganang pamamaraan para sa konklusibong pagtukoy ng katotohanan. [2] Ang nilalayong kalalabasan ng opinyong ito para sa karamihan ng mga positibistang lohikal ay ang mga pangungusap na metapisikal, teolohikal at etikal ay nabibigo sa kriteryon na ito at kaya ay hindi makahalugang kognitibo.[3] Kanilang itinatangi ang kognitibo mula sa ibang mga iba ibang pagiging makahulugan(e.g. emotibo, ekspresibo at piguratibo) at karamihan ng mga may akda ay umaaming ang mga pangungusap na hindi kognitibo ng kasaysayan ng pilosopiya ay nag-aangkin ng isang ibang uri ng pagiging makahulugan. Ang positibong paglalarawan ng kognitibong pagiging makahulugan ay iba iba mula sa iba't ibang mga may akda. Ito ay inilarawang may katangian ng pagkakaroon ng isang halagang tunay na tumutugon sa isang posibleng estado ng mg abagay, nagpapangalan ng isang proposisyon o pagiging mauunawaan sa kahulugang ang mga pangungusap na siyentipiko ay mauunawaan.[4]

Beripikasyonismong malakas at mahina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang tugon sa pagbatikos ng beripikasyonismo, si A. J. Ayer ay nagmungkahi ng isang mahinang bersiyon. Sa Language, Truth and Logic kanyang inilarawan ang pagtatangi sa pagitan ng beripikasyong "malakas" at "mahina": Ang isang proposisyon ay sinasabing mapapatunayan sa malakas na kahulugan ng termino kung at tanging kung ang katotohanan nito ay konklusibong napapatunayan ng karanasan.(Ayer 1946:50) Sa kahulugang ito ng pagiging mapapatunayan na nagsasanhi ng problema ng beripikasyon sa mga negatibong eksistensiyal na pag-aangkin at mga positibong pangkalahatang pag-aangkin. Gayunpaman, ang mahinang kahulugan ng beripikasyon ay nagsasaad na ang isang proposisyon ay mapapatunayan...kung posible para sa karaniwan na gawin itong mala,mang. Pagkatapos itayo ang pagtatangi, inangkin ni Ayer na "walang proposisyon maliban sa tautolohiya ay posibleng alinmang higit sa isang malamang hipotesis. at kaya ay maaaring lamang sumailalim sa mahinang beripikasyon.

Kaalamang analitiko at sintetiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga positibistang lohikal ay naghahati ng kaalaman sa mga kategoryang analitiko at sintetiko. Ang kaalamang analitiko gaya ng mga teoremang matematikal ay tautolohikal(buong mahihinuha mula sa mga paunang pagpapalagay nito) at kaya ay mapapatunayan ng a priori. Ang kaalamang sintetiko gaya ng mga asersiyon tungkol sa tunay na daigdig ay dapat mapatunayan ng a posteriori sa pamamagitan ng obserbasyon. Halimbawa, ang pag-unlad na siyentipiko ng pangkalahatang relatibidad ay nagpapakita na ang mga pilosopo ay mali na ihayaga ng a priori na ang espasyo ay dapat may kalikasan Euclidean. Ang pagtatanging analitiko-sintetiko ay inatake ng papel ni Quine noong 1951 na "Two Dogmas of Empiricism".

Nagkakaisang agham

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang isang pang natatanging katangian ng positibismong lohikal ang paglalaan sa nagkakaisang agham na pag-unlad ng isang karaniwang wika o sa parirala ni Neurath ay isang "pangakalahatang slang" kung saan ang lahat ng mga proposisyong siyentipiko ay maihahayag.[5] Ang kasapatan ng mga mungkahi o pragmento ng mga mungkahi para sa gayong wika ay karaniwang isinasaad sa basehan ng iba't ibang mga "pagpapaliit" o "pagpapaliwanag" ng mga termino ng isang espesyal na agham sa mga termino ng isa pa na pinagpapalagay na mas pundamental. Minsan, ang mga pagpapaliit na ito ay binubuo ng mga pagmamanipulang teoretikong-hanay ng ilang mga lohikong primitibong konsepto gaya ng sa Logical Structure of the World ni Carnap. Minsan ang mga pagpapaliit na ito ay binubuo ng sinasabing mga analitiko o a priori na relasyong deduktibo gaya ng sa Testability and Meaning ni Carnap.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. See, e.g.,  : "Vienna Circle" in Stanford Encyclopedia of Philosophy
  2. For a classic survey of other versions of verificationism, see Hempel, Carl. "Problems and Changes in the Empiricist Criterion of Meaning". Revue Internationale de Philosophie 41 (1950), pp 41-63.
  3. For the classic expression of this view, see Carnap, op. cit. Moritz Schlick, a major logical positivist, did not consider ethical (or aesthetic) sentences to be cognitively meaningless. See Schlick, Moritz. "The Future Of Philosophy". The Linguistic Turn. Ed. Richard Rorty. Chicago: University of Chicago Press, 1992. 43-53.
  4. Examples of these different views can be found in Scheffler's Anatomy of Inquiry, Ayer's Language, Truth, and Logic, Schlick's "Positivism and Realism" (rpt. in Sarkar (1996) and Ayer (1959)), and Carnap's Philosophy and Logical Syntax.
  5. For a thorough consideration of what the thesis of the unity of science amounts to, see Frost-Arnold, Gregory, "The Large-Scale Structure of Logical Empiricism: Unity of Science and the Rejection of Metaphysics" at [1]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy