Pumunta sa nilalaman

Prehistorikong Ehipto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang prehistorikong Ehipto ay ang panahon mula sa pinakaunang paninirahan ng tao sa simula ng Panahon ng Sinaunang Dinastiya noong mga 3100 BC, simula sa unang Paraon, si Narmer para sa ilang Ehiptolohista, si Hor-Aha para sa iba, na may pangalan na Menes na posible din na ginamit para sa isa sa mga haring ito. Sa tradisyon, katumbas ang predinastikong panahon na ito sa huling bahagi ng panahong Neolitiko simula noong c. 6000 BC at nagtapos noong panahon ni Naqada III noong c. 3000 BC.

Unang nabigyan kahulugan ang Predinastikong panahon bago nagkaroon ng malawakang pang-arkeolohiyang paghuhukay sa Ehipto, at sa kamakailang mga nakita na nagpapahiwatig ng labis na unti-unting pag-unlad ng Predinastiko na nagdulot sa kontrobersiya sa kung kailan talaga ang tumpak na panahon na natapos ang Predinastikong panahon. Sa gayon, ginamit ang iba't ibang mga katawagan tulad ng Protodinastikong panahon, "Dinastiyang Sero" o "Dinastiya 0"[1] upang gawan ng pangalan ang parte ng panahon kung saan maaring kilalanin bilang Predinastiko ng ilan at Sinaunang Dinastiko ng iba.

Sa pangkalahatan, nahahati ang Predinastikong panahon sa ilang mga panahong pangkalinangan, na pinapangalan ang bawat isa pagkatapos ng lugar kung saan unang natuklusan ang isang tiyak na uri ng paninirahang Ehipsyo. Bagaman, ang parehong unti-unting pag-unlad na nakikilala ang Predinastikong panahon ay mayroon sa buong kabuuan ng Predinastikong panahon, at indibiduwal na mga "kultura" ay kailangang hindi nabibigyan kahulugan bilang hiwalay na mga entidad subalit bilang pansariling mga dibisyon sa karamihan na ginagamit upang mapadali ang pag-aaral ng buong panahon.

Ang malaking mayorya ng mga nakita pang-arkeolohiya sa Predinastiko ay sa Mataas na Ehipto, dahil ang hiwa ng Ilog Nilo ay mas mabigat na nakadeposito sa rehiyong Delta, na lubos na binaon ang karamihan sa mga lugar ng Delta noon pang bago ang makabagong panahon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Leprohon, Ronald, J. (2013). The great name : ancient Egyptian royal titulary. Society of Biblical Literature. ISBN 978-1-58983-735-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Redford, Donald B. (1992). Egypt, Canaan, and Israel in Ancient Times (sa wikang Ingles). Princeton: University Press. p. 10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy