Pumunta sa nilalaman

Red Ocean Strategy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Red Ocean ay terminolohiya na ginagamit sa pagsasalarawan ng mga industriya sa kasalukuyan. Ito ay ang tinaguriang merkado kung saan naglalaban laban ang mga kompanya upang magkaroon ng mas malaking benta sa mga taong nagnanais ng produkto o serbisyong ito. Sa isang merkadong Red Ocean, ang mga kompanya ay nag-aagawan sa mga konsyumer at pilit nilang binababa ang presyo ng kanilang produkto or serbisyo upang makuha ang karamihan ng mga mamimili. Maari din na gamitan nila ito ng mas magaganda pagpapalatastas o mga promo upang himukin ang mga tao na sa kompanya nila bumili. Ang Red Ocean Strategy ay nagbibigay atensiyon sa apat bagay.

  1. Makipagkompetensiya sa kasalukuyang merkado.
  2. Talununin ang mga kakompetensiyang kompanya.
  3. Pakinabangan ng maigi demand sa merkado.
  4. Pababain ang presyo ng mga produkto o serbisyong binebenta.

Sikat ang Red Ocean Strategy hanggang ngayon dahil mahirap gumawa ng merkadong Blue Ocean. (Merkado kung saan isang kompanya lamang ang nakakapagbenta ng natatanging produkto or serbisyo) Kadalasan ang isang merkadong sinasabing Red Ocean kumikita at malaki ang pagkakataon na pagkaperahan ito ang sadyang hadlang lamang ay ang mga kakompetensiyang kompanya. Panghuli, madali ding makipag kompetensiya sa isang kompanya na alam mong nakakabenta o kumikita, gagayahin mo lamang ang kanilang produkto, serbisyo o pamamaraan at maari ka na ding kumita.

Ang isang kahinaan ng Red Ocean strategy ay ang maaring maliit na kita. Dahil sa dami ng ka kompetensiya sa merkado marahil maghahati-hati lamang kyo sa benta at kita na makukuha. Mahirap ding mataubin o talunin ang isang kompanya na talagang malakas na sa sinasabing merkado. Kinakailangan ng malaking kapital at mahusay napamamalakad upang lubusang makapasok sa merkado at makapg kompetensiya ng maayos.

Mga halimbawa ng kompanya na sumusunod sa Red Ocean Strategy

  1. Philippine Airlines at Cebu Pacific
  2. Jollibee at McDonalds
  3. Petron, Shell at Caltex
  4. Globe, Smart at Sun Cellular.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy