Pumunta sa nilalaman

Relasyon ng Ming–Tibet

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Tibet ay itinuring ng dinastiyang Ming bilang bahagi ng Kanlurang Rehiyon o "mga dayuhang barbaro". Pinagtatalunan ng mga modernong iskolar ang eksaktong katangian ng kanilang relasyon. Ang pagsusuri sa relasyon ay mas pinakumplika ng mga hidwaang pulitika sa modernong panahon. Iginiit sa The Historical Status of China's Tibet, isang aklat na inilathala ng Republikang Bayan ng Tsina, na walang duda umano na ang dinastiyang Ming ay may hawak sa Tibet. Ito ay ayon sa nangyaring pagpapalabas ng korte ng Ming ng iba't ibang mga titulo sa mga pinuno ng Tibet, ang buong pagtanggap ng mga Tibetano sa mga titulo, at isang proseso ng pagpapanibago para sa mga kahalili ng mga titulong ito na may kinalaman sa paglalakbay sa kabisera ng Ming. Ang mga iskolar sa Tsina ay nangangatwiran din na ang Tibet ay naging mahalagang bahagi ng Tsina mula noong ika-13 siglo at sa gayon ito ay bahagi ng Imperyong Ming. Gayunpaman, karamihan sa mga iskolar sa labas ng Tsina, tulad nina Turrell V. Wylie, Melvin C. Goldstein, at Helmut Hoffman, ay nagsasabi na hindi hawak ng Ming ang Tibet, ang mga titulo ng Ming ay sa pangalan lamang, ang Tibet ay nanatiling isang malayang rehiyon sa labas ng kontrol ng Ming, at ito ay nagbigay pugay lamang hanggang kay Emperador Jiajing, na tumigil sa pakikipag-ugnayan sa Tibet.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy