Pumunta sa nilalaman

Rio de la Plata

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mapa ng estuaryo.
Isang satellite view ng estuaryo, nasa kanan ang Buenos Aires at nasa kaliwa ang Montevideo. Ang hilaga ay nasa kaliwa.

Ang Rio de la Plata (Tagalog: Ilog ng Pilak), minsan tinatawag bilang La Plata, ay isang estuaryo na binubuo ng Ilog Uruguay at Ilog Paraná. Ito ay isang hugis funnel na mala-golpong anyo ng utbig sa timog-silangang baybayin ng Timog Amerika, na may haba na 290 km (180 mi) mula sa ilog hanggang marating nito ang Karagatang Atlantiko.

Ang pinakamalawak na estuaryo sa buong mundo, ang Rio de Plata ay may lawa na 48 km (30 mi) kung saan nagtatagpo ang dalawang ilog at 220 km (137 mi) kalawak sa timog-silanagn kung saan pumupunta na ang tubig sa Karagatang Atlantiko. ito ay bumubuo ng hangganan sa pagitan ng Arhentina at Uruguay, na may malalaking daungan at kabisera na Buenos Aires sa timog kanluran na kabisera ng Arhentina at Montevideo sa hilagang-silangan na kabisera ng Uruguay.

Ang basin na dinadaluyan ng ilog Uruguay at Paraná ay sumasakop sa mahigit kumulang na ika-limang bahagdan ng Timog Amerika, kasama na ang mga lugar sa timog silangang Bolivia, timog at gitnang Brazil, lahat ng Paraguay, halos lahat ng Uruguay at hilagang Arhentina. Tinatayang 57 milyong cubic metro (2 billion cubic feet) ng buhangin ay nadadala sa estuaryo kada taon, na kung saan ang kulay-tsokolate na tubig ay nadadala ng hangin at mga tides. Ang ruta ng Karagatang Atlantiko, Buenos Aires, Montevideo at marami pang lungsod ay napapanatili sa pagdadakot ng mga naiwang buhangin sa estuaryo.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy