Pumunta sa nilalaman

Rupee ng Seychelles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Rupee ng Seychelles
roupie seychelloise (sa Pranses)
25 sentimos
Kodigo sa ISO 4217SCR
Bangko sentralBangko Sentral ng Seychelles
 Websitewww.cbs.sc
User(s) Seychelles
Pagtaas2.3%
 Pinagmulanhttp://www.cbs.sc/Downloads/StaExcel/Prices%20Statistics.xlsx, Setyembre 2019
Subunit
 1/100sentimo
SagisagSCR o SR
Perang barya1, 5, 10, 25 sentimo
1, 5, 10 rupee[1]
Perang papel10,[a] 25, 50, 100, 500 rupee[1]

Ang rupee ay ang pananalapi ng Seychelles. Hinati ito sa 100 sentimo. Sa lokal na wikang kreyol ng Seychelles (wikang Seselwa), ito ay tinatawag na roupi at roupie naman sa wikang Pranses. Ang kodigo ng pananalaping internasyonal ay SCR. Ginagamit din sa bihirang pagkakataon ang SR.[2][3] Sa populasyon nito, pinakamaliit na bansang mayroong malayang polisiya ang Seychelles.[4] Rupee rin ang ginagamit ng pananalapi sa ilang mga iba pang mga bansa.

Salaping papel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Konsehong Pambatas ng Britanya ay tinanggap ang pagtatayo ng Lupon ng mga Komisyonado sa Pananalapi sa pamamagitan ng Ordinansa ng Salaping Papel ng 1914, na sinadula ni C. R. M. O’Brien, ang gobernador ng kolonya ng Seychelles noong ika-10 ng Agosto 1914.[5][6] Nilabas ng pamahalaan noong 1914 ang mga salaping papel na pang-emerhensya sa mga salaping papel na 50 sentimos, 1, 5, at 10 rupee.

Sinimulan ang pag-isyu ng mga karaniwang salaping papel na 50 sentimos at 1 rupee noong 1918, sinundan noong 1928 ang mga salaping papel na 5, 10, at 50 rupee. Ginawa hanggang noong 1951 ang mga salaping papel na 50 sentimos at 1 rupee at itinigil ito sa sirkulasyon sa pamamagitan ng pagpalit nito sa mga barya. Ipinakilala noong 1968 ang mga salaping papel na 20- at 100-rupee, at pinalitan naman sa barya noong 1972 ang salaping papel na 5 rupee.

Isyu ni reynang Isabel II ng Nagkakaisang Kaharian ng taong 1968–1975
Larawan Denominasyon Harapan Likuran
[1] 5 rupee Itim na loro ng Seychelles, reynang Isabel II
[2] 10 rupee Pawikan, reynang Isabel II
[3] 20 rupee Bridled tern, reynang Isabel II
[4] 50 rupee Schoner, reynang Isabel II
100 rupee Mga pagong, reynang Isabel II

Malayang republika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilunsad noong taong 1976 ang mga salaping papel na galing sa Awtroidad ng Pananalapi ng Seychelles, na mayroong denominasyong 10, 25, 50, at 100 rupee. Makikita si Maginoong James Mancham, ang unang pangulo ng Seychelles na pinalitan ang lahat ng salaping papel na kolonyal bago ang kalayaan nito.

Nagkaroon ng muling pagdisenyo noong 1979, na tampok ng rehimeng René sa mas sosyalista at modernisadong tema nito. Nilabas din ng Bangko Sentral ng Seychelles ang seryeng ito, noong panahong malaki na ang responsibilidad nito ng taong iyon.[7]

Nilabas ang pinahusay na tampok-panseguriodad at kulay ng mga salaping papel noong 1989.[6]

Nilabas noong 1998 ang higit na pinahusay na serye na mayroong higit na praktikal at ergonomikong disenyo. Ipinakilala sa kauna-unahang pagkakataon ang salaping papel na 500-rupee noong taong 2005.[6]

Paghuhusay noong 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinahusay noong ika-7 ng Hunyo 2011 na may panibagong tampok-panseguridad sa mga salaping papel na 50, 100, at 500 rupee na ginawa ng Bangko Sentral ng Seychelles. Isa sa tatlong salaping papel nito ay mayroong tatak na holograpiko sa halip na bakal-papel na isdang pandagat na makikita sa mga salaping papel nito.

Idinagdag din ang may-lapad na 2.5 mm na malasapang tahing-panseguridad sa salaping papel na 50-rupee, may-lapad na 2.5 mm na malasapang tahing-panseguridad sa salaping papel na 100-rupee, at may-lapad na 2.5 mm na pagbabagong-kulay kung ikiling sa tahing-panseguridad sa salaping papel na 500-rupee. Pinoprotektahan ng teknolohiyang Gemini ng De La Rue na nakamalasapa sa ultra-lilang ilaw ngunit makikita sa normal sa ilaw ng araw.[8]

Binago rin ang iskema ng mga kulay ng mga salaping papel na iyon. Ang mga kulay ng salaping papel ay ang mga sumusunod (na nagagamit pa rin sa sirkulasyon): kulay luntian sa 50 rupee, kulay pula sa 100 rupee, at kulay kahel sa 500 rupee. Naglagay din sa mga salaping papel na iyon ang taon kung kailan ito ginawa at ang tagapangasiwa ng Bangko Sentral ng Seychelles na si Pierre Laporte. Ang mga higit na lumang salaping papel ay magagamit pa rin sa silkulasyon, at unti-unti itong mawawala dahil sa pagkaluma nito.[9]

Pagbabago noong 2016

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inisyu noong Disyembre 2016 ang kasalukyang serye ng salaping papel upang ipagdiwang ang ika-40 anibersaryo ng kalayaan ng Seychelles. "Kakaibang Biodibersidad ng Seychelles - ang gulogod ng ekonomiya' ang pangalan ng Seryeng iyon.[1][10]

Mga palatandaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Magmula noong 2016, hindi na ginagawa ang salaping papel na 10 rupee, ngunit ginagamit pa rin ito sa sirkulasyon.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 The Central Bank of Seychelles will soon release a new family of banknotes and coins Central Bank of Seychelles (www.cbs.sc). Kinuha noong ika-12 ng Hunyo 2021.
  2. "Ministry Of Foreign Affairs - The Republic of Seychelles". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-25. Nakuha noong 2021-06-04.
  3. "Currencies of the World". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-29. Nakuha noong 2021-06-04.
  4. Magnús Halldórsson (23 January 2018). "Krónuáhættan hefur magnast upp". Kjarninn (sa wikang Islandes). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Agosto 2020. Nakuha noong 22 February 2019.
  5. Linzmayer, Owen (2012). "Seychelles". The Banknote Book. San Francisco, CA: www.BanknoteNews.com.
  6. 6.0 6.1 6.2 Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang :0); $2
  7. "Seychelles 100 Rupees banknote 1975 Queen Elizabeth II". Nakuha noong 2020-05-29.
  8. "Seychelles new 50-, 100-, and 500-rupee notes confirmed – BanknoteNews" (sa wikang Ingles). Nakuha noong ika-11 ng Hunyo 2021. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= (tulong)
  9. Seychelles new 50-, 100-, and 500-rupee notes confirmed Naka-arkibo 2013-01-20 sa Wayback Machine. BanknoteNews.com. ika-6 Setyembre 2011. Kinuha noong ika-13 Hunyo 2021.
  10. Seychelles new banknote family (B419-B422) reported for Dec. 2016 introduction Naka-arkibo 2019-12-22 sa Wayback Machine. Banknote News (banknotenews.com). ika-3 ng Nobyembre 2016. Kinuha noong ika-13 ng Hunyo 2021.

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy