San Fernando, Pampanga
San Fernando Lungsod ng San Fernando | |
---|---|
Ciudad ning San Fernando | |
Tunay na Masaya sa Syudad ng San Fernando | |
Palayaw: Sentro Ng Pasko Sa Pilipinas Kabisera ng Pampanga at Gitnang Luzon | |
Bansag: Magsilbi Tamu (Maglingkod Tayo) | |
Mapa ng Pampanga na nagpapakita sa lokasyon ng San Fernando | |
Mga koordinado: 15°02′N 120°41′E / 15.03°N 120.68°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) |
Lalawigan | Pampanga |
Distrito | Pangatlong Distrito ng Pampanga |
Mga barangay | 35 (alamin) |
Pagkatatag | 16 Agosto 1754 |
Ganap na Lungsod | 4 Pebrero 2001 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Edwin Santiago |
• Pangalawang Punong Lungsod | Jimmy Lazatin |
• Manghalalal | 190,977 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 67.74 km2 (26.15 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 354,666 |
• Kapal | 5,200/km2 (14,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 86,217 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 7.23% (2021)[2] |
• Kita | ₱2,138,614,131.26 (2020) |
• Aset | ₱4,841,034,483.46 (2020) |
• Pananagutan | ₱1,390,822,881.75 (2020) |
• Paggasta | ₱1,637,258,880.38 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 2000 |
PSGC | 035416000 |
Kodigong pantawag | 45 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Kapampangan wikang Tagalog |
Websayt | cityofsanfernando.gov.ph |
Ang Lungsod ng San Fernando, (Kapampangan: Lakanbalen ning San Fernando, Ingles: City of San Fernando) ay isang lungsod sa probinsiya ng Pampanga. Ito ang kabiserang lungsod ng Pampanga at ang sentrong panrehiyon ng Gitnang Luzon (Rehiyon III). Ang lungsod ay kilala sa mga parol nito at binansagang "Christmas Capital of the Philippines" (Kabiserang Pangkapaskuhan ng Pilipinas). Ang taunang Giant Lantern Festival (Pista ng mga Higanteng Parol) ay isinasagawa ng lungsod tuwing Disyembre.
Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 354,666 sa may 86,217 na kabahayan. Ito ay may layong 67 kilometro mula sa Maynila, 50 kilometro mula sa Look ng Subic sa probinsiya ng Zambales at 16 na kilometro mula sa Paliparang Clark sa Lungsod ng Angeles. Ang lungsod ay nasa gitna ng mga sanga-sangang kalsada sa Gitnang Luzon. Ang lungsod ay ipinangalan kay Fernando VI ng Espanya at inilagay sa pangangalaga ni San Fernando, Hari ng Castile at Leon, kung saan ang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 30.
Taong 2017 sa pagbabago ng Pederalismo sa Pilipinas, Ang lungsod ng San Fernando ang hinirang pa rin bilang kapitolyo sa Gitnang Luzon.
Mga dating alkalde
CAPITANES MUNICIPALES[3]
|
|
|
PRESIDENTES MUNICIPALES
|
REPUBLIKA NG PILIPINAS
|
Pagkalungsod
Noong 6 Enero 1997, si Alkalde Rey B. Aquino at Senadora Gloria Macapagal-Arroyo ay nagpasimula ng kampanya para sa pagkalungsod. Noong Abril 27 ng taong ding iyon, si Rep. Oscar Rodriguez ay naghain ng House Bill blg. 9267 na gagawa ng Lungsod ng San Fernando.
Noong 2000, pinirmahan nina Ispiker ng Mababang Kapulungan Arnulfo Fuentebella at Pangulo ng Senado Aquilino Q. Pimintel ang tsarter ng lungsod ng San Fernando noong Disyembre 4 at 13.
Ang bayan ay opisyal na naging lungsod na komponente noong 4 Pebrero 2001 matapos ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 na nilikha ni Rep. Oscar Rodriguez sa isang plebisito noong nakaraang araw. Si Dr. Rey B. Aquino ang naging unang alkalde ng lungsod. Ang ratipikasyon ng Republic Act 8990 ang naging daan upang maging ika-99 na lungsod ng Pilipinas ang San Fernando.
Mga barangay
Ang Lungsod ng San Fernando ay nahahati sa 35 barangay.
|
|
|
Ekonomiya
Matatagpuan sa puso ng probinsiya, ang Lungsod ng San Fernando ay may 2 pampublikong palengke, 39 na bangko, 48 na imbestor, 38 na sanglaan, 17 gasolinahan, 3 sinehan, 29 pribado at pampublikong paaralan, 7 ospital, 13 opisinang pandentista, 9 na otel, 28 na tindahan ng mga gamot, 7 disco, 6 na palitan ng pera, 15 pabrika ng damit, 24 na groseri, 7 supermarket, 42 kompanya ng insurance, 16 ahente ng seguridad, 70 restorant at fast food chains. Bukod sa pagiging kabisera ng Pampanga, halos lahat ng Pilipinong bankong institusyon, militar at mga ahensiya ng gobyerno ay may opisinang panrehiyon sa lungsod.
Demograpiko
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 13,556 | — |
1918 | 20,622 | +2.84% |
1939 | 35,662 | +2.64% |
1948 | 39,549 | +1.16% |
1960 | 56,861 | +3.07% |
1970 | 84,362 | +4.02% |
1975 | 98,382 | +3.13% |
1980 | 110,891 | +2.42% |
1990 | 157,851 | +3.59% |
1995 | 193,025 | +3.84% |
2000 | 221,857 | +3.03% |
2007 | 269,365 | +2.71% |
2010 | 285,912 | +2.19% |
2015 | 306,659 | +1.34% |
2020 | 354,666 | +2.90% |
Sanggunian: PSA[4][5][6][7] |
Mga sanggunian
- ↑
"Province: Pampanga". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Henares, Ivan Anthony S. "A Brief History of San Fernando, Pampanga 1754-2004"
- ↑
Census of Population (2015). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region III (Central Luzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region III (Central Luzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Pampanga". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
- Opisyal na Websayt ng Lungsod ng San Fernando Naka-arkibo 2007-10-11 sa Wayback Machine.
- Mga Larawan at Impormasyon mula sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga
- Pamantayanng Heograpiya ng Pilipinas Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- Opisyal na Websayt Philippine Tourism Authority Naka-arkibo 2006-11-03 sa Wayback Machine.
- Propayl ni Alkalde Oscar Rodriguez