Pumunta sa nilalaman

Al-Buruj

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Surah Al-Buruj)
Sura 85 ng Quran
البروج
Al-Burūj
Ang mga Dakilang Bituin[1]
KlasipikasyonMakkan
Blg. ng talata22
Blg. ng zalita109
Blg. ng titik469

Ang al-Burūj[2] (Arabe: البروج‎, "Ang mga Dakilang Bituin") ay ang ika-85 kabanata (surah) ng Quran na may 22 talata (ayat).[3] Kadalasang sinasalin ang salitang "Al-Burooj" sa unang talata bilang 'bituin', o mas partikular, 'mga dakilang bituin'.[4] Ang salitang Al-Burooj ay ang maramihang anyo ng Burj na nangangahulugang kuta o tore; isang bagay na makikita mula sa malayo.

  • 1-7 Sinumpang masunog sa apoy ang mga umuusig sa mga naniniwala
  • 8-9 Inuusig ang mga naniniwala para sa kanilang pananampalataya sa Diyos
  • 10-12 Apoy sa impiyerno ang para sa mga taong walang pananampalataya, subalit Paraiso para sa mga naniniwala
  • 13-16 Ang Diyos ang Manlilikha at Pinakamakapangyarihang Pinuno ng Sansinukob
  • 17-20 Mga halimbawang Paraon at Thamoud upang bigyan babala ang mga tumatanggi sa Quran
  • 21 Pinapanatili ang maluwalhating Quran sa Iningatang Tableta [5]

Nagbukas ang surah sa isang panunumpa sa langit na puno ng mga bituin: sa langit na naglalaman ng mga dakilang bituin.

4-8 Mga tao sa hukay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbigay ng kani-kaniyang iba't ibang mga bersyon ang mga tagapagpaliwanag sa kuwento na tinutukoy sa mga talatang 4–8: pag-uusig ni Dhu Nuwas ng mga Kristiyano sa Yemen, pag-uusig ni Nebuchadnezzar, at ang mga tao ng hukay. Naitala na sinunog ni Dun Nuwas ang 20,000 Kristiyano ng buhay sa isang nasusunog na hukay dahil tumanggi silang magpalit ng pananampalataya sa Hudaismo.[6]

22 'iningatang tableta'

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsagawa ang mga eksegetas ng Quran ng iba't ibang pagpapakahulugan ng katawagang 'iningatang tableta' sa talata 22. Sa surah na ito, ang ugnayan ng Quran sa 'Iningatang Tableta' ay naiuugnay sa mga bituing 'Al-Buruj' sa kalangitang 'Al-Sama'. Ipinaliwanag ng ilan sa Mu'tazila na unang nilikha ang mga pahayag sa iningatang tableta. Mukhang malapit ang 'Iningatang Tableta' sa isa pang katawagan, ang 'Ina ng lahat ng mga aklat' (umm al-kitab), na binanggit sa Ar-Ra'd 13:39 at Az-Zukhruf 43:4.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Buruj". Quran 4 U (sa wikang Arabe). Nakuha noong 16 Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Quran sura 85 at al-quran.info". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-29. Nakuha noong 2021-07-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Quran sura 85 tingnan ang salin ni Arberry , Pickthall, at Palmer sa Ingles
  5. Wherry, Elwood Morris (1896). A Complete Index to Sale's Text, Preliminary Discourse, and Notes (sa wikang Ingles). London: Kegan Paul, Trench, Trubner, and Co.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa isang lathalaing na nasa pampublikong dominyo.
  6. http://www.islam-universe.com/tafsir_ibn_kathir/85.57762.html
  7. Leaman, Oliver (2008). The Qur'an : an encyclopedia (sa wikang Ingles). Routledge. p. 346 (By Stefan Wild). ISBN 978-0-415-32639-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy