Pumunta sa nilalaman

Teseo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang pagwawagi ni Teseo laban sa Minotauro.

Si Teseo, kilala rin bilang Theseus /ˈθsəs/ (Griyego: Θησεύς Griyego: [tʰɛːsěu̯s]) ay ang mitikal[1] na tagapagtatag at hari ng Atenas (Athens), anak na lalaki ni Aethra, at ang mga ama ay sina Aegeus at Poseidon, na kapwa sinipingan ni Aethra sa loob ng isang gabi. Si Teseo ay isang tagapagtatag-hari, katulad nina Perseus, Cadmus, o Heracles, na mga lumaban at gumapi sa mga katunggali na nakilalang may arkaikong panrelihiyon at panlipunang kaayusan.[2] Kung si Heracles (o Hercules) ay ang bayani ng mga Doriano, si Teseo ang tagapagtatag na bayani ng Atenas, na itinuturing ng mga ito bilang kanilang dakilang tagapagbago: nagmula ang pangalan niya mula sa katulad na ugat na θεσμός ("thesmos"), Griyego para sa institusyon o panimulaan. Siya ang may pananagutan sa synoikismos ("naninirahang magkakasama") — ang pampolitika na pagkakaisa ng Attica sa ilalim ng Atenas, na masagisag na kinatawan sa kanyang paglalakbay ng mga gawa o pagsubok, kung kailan nilupig niya ang mga ogre at mga halimaw. Dahil siya ang hari ng pagkakaisa, itinayo at pinamahayan ni Teseo ang isang palasyo sa ibabaw ng kutang tanggulan ng Acropolis na maaaring kahalintulad ng palasyong nahukay doon sa Mycenae. Iniulat ni Pausanias na pagkaraan ng synoikismos, inilunsad ni Teseo ang isang kulto ni Aphrodite Pandemos ("Aphrodite ng lahat ng mga Tao") at Peitho doon sa katimugang libis ng Acropolis.

Sa Ang Mga Palaka, binanggit si Teseo bilang umimbento ng maraming pang-araw-araw na mga tradisyon ng mga taga-Atenas. Kung ang teoriya ng isang hegemonyang Minoe[3] ay tama, maaari siyang ibinatay sa liberasyon ng Atenas mula ganitong kaayusang pampolitika sa halip na sa isang tao na pangkasaysayan.

Ang vita ni Plutarch hinggil kay Teseo ay gumagamit ng iba't ibang mga paglalahad ng kamatayan ng Minotauro, pagtakas ni Teseo at ng pag-ibig ni Ariadne para kay Teseo, upang makabuo ng isang literalistikong talambuhay, isang vita.[4] Ang mga pinagkunan ni Plutarch, na hindi lahat ng mga teksto nito ay napanatili o nakaligtas mula sa pinsala, ay kinabibilangan ng Pherecydes (kalagitnaan ng ika-6 na daantaon BK), Demon (ca 300 BK), Philochorus at Cleidemus (kapwa ika-4 na daantaon BK).[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Para sa sinaunang Iskotland, kumbinsidong talagang namuhay si Teseo, hindi siya mitiko, sa halip ay maalamat.
  2. Tingnan ang Carl A.P. Ruck at Danny Staples, The World of Classical Myth (Carolina Academic Press, 1994), ch. ix "Theseus:Making the New Athens" pp 203–22: "This was a major cultural transition, like the making of the new Olympia by Hercules" (p. 204).
  3. Ang pangingibabaw ng kulturang Minoe ay malinaw na nakikita sa kasaysayan ng seramik ng Attica, subalit ang pangingibabaw na pampolitika mula sa Creta ay hindi nangangailangang sumusunod.
  4. "Mangyaring magtagumpay ako sa pagdalisay kay Pabula, na magawa siyang sumunod sa katwiran at maging kahawig ni Kasaysayan. Subalit kung saan siya hindi masuway na nanghahamak upang magawa niya ang kanyang sarili bilang kapani-paniwala, at tumatangging tanggipin ang anumang elemento ng probabilidad, mananalangin ako para sa mapitagang mga mambabasa, at bilang ganyan na tanggapin na may pagpapalayaw ang mga kuwento ng antikwidad." (Plutarch, Buhay ni Teseo). Ang ipinagtapat na layunin ni Plutarch ay upang makabuo ng isang buhay na kaagapay (parallel lives) ng vita ni Romulus na kumakatawan sa mito ng pagtatatag ng Roma.
  5. Edmund P. Cueva, "Plutarch's Ariadne in Chariton's Chaereas and Callirhoe" American Journal of Philology 117.3 (Fall 1996) pp. 473–484.
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy