Thomas Gresham
Sir Thomas Gresham | |
---|---|
Kapanganakan | Thomas Gresham ang Matanda c. 1519 Londres, Inglatera |
Kamatayan | 21 Nobyembre 1579 Londres, Inglatera | (edad 59–60)
Libingan | Simbahang St Helen, Bishopsgate, Londres, Inglatera |
Nasyonalidad | Briton |
Edukasyon | Kolehiyong Gonville at Caius, Cambridge |
Trabaho | Mangangalakal, tagapondo |
Kilala sa | Tagapagtatag ng The Royal Exchange (Ang Palitang Real) at Kolehiyong Gresham |
Asawa | Anne Ferneley (k. 1544) |
Magulang |
|
Si Sir Thomas Gresham the Elder ( /ˈɡrɛʃəm/ ; c. 1519 – 21 Nobyembre 1579) ay isang mangangalakal at tagapondong Ingles na umakto sa ngalan ni Haring Edward VI (1547–1553) at ang mga kapatid na babae ni Edward sa ama, ang mga reyna na sina Mary I (1553–1558) at Elizabeth I (1558–1603). Noong 1565, itinatag ni Gresham ang Royal Exchange (o Palitang Real) sa Lungsod ng Londres.
Pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak sa Londres at nagmula sa isang matagal nang pamilyang Norfolk, si Gresham ay isa sa apat na anak ni Sir Richard Gresham, isang nangungunang merserong mangangalakal at Panginoong Alkalde ng Londres, na ginawang kabalyero ni Haring Henry VIII para sa pakikipagnegosasyon sa mga paborableng pautang sa mga dayuhang mangangalakal.[1]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nag-aral si Gresham sa Paaralang St Paul. Pagkatapos noon, bagama't nais ng kanyang ama na maging isang mangangalakal si Thomas, ipinadala muna siya ni Sir Richard sa unibersidad sa Kolehiyong Gonville at Caius, Cambridge.[2] Sabay siyang naging baguhang nag-aaral sa Kompanyang Mersero ng kanyang tiyuhin na si Sir John Gresham, tagapagtatag ng Paaralang Gresham, habang nasa Cambridge pa siya.
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Biglang namatay si Gresham dahil sa apopleksya noong Nobyembre 21, 1579 at inilibing sa Simbahang St Helen, Bishopsgate sa Lungsod ng Londres.[3]
Batas ni Gresham
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang batas ni Gresham (na payak na isinaad bilang: "Ang masamang salapi ay nagpapalabas ng mabuting salapi") ay nakuha ang pangalan nito mula sa kanya[4] (bagama't ang iba, kabilang ang astronomong si Nicolaus Copernicus, ay kinilala ang konsepto sa loob ng maraming taon) dahil hinimok niya si Reyna Elizabeth na ibalik ang pinababang halaga ng salapi ng Inglatera. Gayunpaman, si Sir Thomas ay hindi kailanman gumawa ng anumang bagay na katulad ng batas ni Gresham, na siyang konsepto ni Henry Dunning Macleod noong 1857, isang ekonomista na may husay sa pagbasa sa isang teksto na hindi nakasulat.[5]
Sa ekonomiya, ang Batas ni Gresham ay ang prinsipyo na nagsasaad na ang masamang pera ay nakapagpapaalis ng mabuting salapi mula sa sirkulasyon. Isang halimbawa nito ay ang kung may dalawang uri ng piraso ng barya na magkatulad ang halaga subalit magkaiba ang nilalamang uri ng metal. Ipamamahagi o ikakalat ang baryang may mababang halagang taglay, habang itatago o iimpilin naman ang baryang may mas mataas na halaga.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chisholm 1911.
- ↑ Thomas Gresham sa Venn, J. & J. A., Alumni Cantabrigienses, Imprenta ng Pamantasan ng Cambridge, 10 mga bolyum, 922–1958. (sa Ingles)
- ↑ Memorials of the Institutions – St Helen's Bishopgate (sa Ingles)
- ↑ "Gresham's Law". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik G, pahina 462. (sa Ingles) - ↑ Roover, Raymond de, Gresham on Foreign Exchange, Cambridge: Cambridge University Press, 1949 (sa Ingles)