Pumunta sa nilalaman

Tiyaga

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Tiyaga, inukit ni Hans Sebald Beham, 1540.
"Ang buhay ay katulad ng paglalakad sa isang mahabang landas habang may buhat na mabigat na pasanin; hindi kailangang magmadali. Ang isang tumuturing sa mga paghihirap bilang isang likas na kalagayan ng mga gawain ay hindi kailan man mawawalan ng kasiyahan ng kalooban. Ang tiyaga ang pinagmumulan ng kapayapaang walang hangganan; ituring ang galit bilang isang kaaway. Babagsak ang pinsala sa sinumang nakakakilala lamang ng tagumpay at hindi kailanman nakaranas ng kabiguan. Sisihin ang sarili mo sa halip na mga iba. Mas mainam pang huwag umabot kaysa lumampas."  – Tokugawa Ieayasu, 1604. Nagmula ito sa panuntunan hinggil sa lihim ng pananagumpay sa buhay na binalangkas ni Tokugawa Ieayasu, mula sa kalipunang nasa Nikkō Tōshō-gū.[1][2]

Ang tiyaga, pasensiya, pasyensiya, taman, at siyasip (Ingles: patience)[3][4] ay ang katayuan ng pagkakaroon ng katatagan o tibay at kakayahang tumagal ng isang tao habang nasa ilalim ng mahirap na mga kalagayan o pangyayari, na nangangahulugan ng pagsusumigasig, pagpupunyagi, at pagsusumikap habang nasa harap ng pagkaantala, paghamon, o pagkaantig na hindi naiinis o naaburido; o nagpapakita ng pagbabata at pang-unawa sa harap ng pang-uudyok habang pinangingibabawan ng kahirapan o pamimilit, natatangi na ang kapag humaharap sa pangmatagalang mga kabigatan o paghihirap. Sa payak na kahulugan, ito ang mahinahon o matatag na hindi pagmamaliw o pag-ayaw sa kabila ng nadaramang hapdi o pasakit, pagkayamot, at iba pang katulad na mga damdamin, at mayroong kasamang pagtaban o pagpipigil ng sarili.[5] Ginagamit din ito upang tukuyin ang katangiang asal ng pagiging matiisin at mapagbata.[3][4] Kabaligtaran ito ng pagiging padaskul-daskol o nagmamadali at pagiging mapusok o sige-sige.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. OldTokyo.com: Dambanang Tōshō-gū
  2. Ang Proyektong Hapones: Ang Sugunadong Tokugawa
  3. 3.0 3.1 Blake, Matthew (2008). "Patience, tiyaga, pasensiya, pasyensiya". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Patience Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  4. 4.0 4.1 Gaboy, Luciano L. Patience, taman, siyasip - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  5. "Patient, patience". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 79.


TaoSikolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy