Pumunta sa nilalaman

Vicente Huidobro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Vicente Huidobro
Personal na Detalye
Buong Pangalan Vicente Garcia-Huidobro Fernandez
Pen Name Vicente Huidobro
Ipinanganak January 10, 1893
Namatay January 2, 1948
Mga Asawa Manuela Portales Bello, Ximena Amunátegui, Raquel Señoret
Anak 5
Inilibing Cartagena
Lengwahe Spanish
Lugar na Ipinanganak Santiago, Chile
Sikat na Pamilya Maria Luisa Fernandez (ina)
Movement Avant-garde
Movement Creacionismo (founder)

Ipinanganak si Vicente Huidobro (Vicente Garcia-Huidobro Fernandez) sa isang maharlikang pamilya sa Santiago, Chile noong January 10, 1893 (kamatayan: January 2, 1948). Ang kanyang ama ay si Vicente Garcia Huidobro, ang tagapagmana ng Royal House of Currency of Chile[1]. Ang kanyang ina naman ay si Luisa Fernández Bascuñán. Dahil sa yaman ng kanyang pamilya, nakapag-aral si Huidobro ng maayos. Ginugol niya ang kanyang mga unang taon sa Europa, at tinuruan ng mga tagapamahala ng Pranses at Ingles. Bumalik ang pamilya niya sa Chile noong 1907 at si Vicente ay nagenroll sa Colegio San Ignacio, isang Jesuit secondary school sa Santiago[2].

Nag-aral si Huidobro sa Unibersidad ng Chile pagkatapos niya sa high school. Nakapaglathala siya ng isang akda na may pamagat na Echoes of the Soul noon 1911. Itong akdang ito ay may modernismong tampok[3].

Dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang mayamang pamilya, si Vicente ay may alam sa kultura, sa biology, and pyschology. Lahat ng ito ay makikita sa kanyang mga akda. Nag-aral siya ng abogasya sa Berthelot Lyceum sa Pransya

Ang kanyang inang si María Luisa Fernández Bascuñán ay isa ring makata na malaking naging impluwensiya niya sa pagsusulat ng mga tula at ibang mga akda. Noong bata pa si Vicente, si Maria ay nagho-host ng mga pagtitipon sa kanilang bahay kung saan mga higit 60 katao ang nakikinig sa kanya na magsalita tungkol sa literatura. Minsan kasama sa panauhin ay mga alipin nila sa bahay. Ang kanyang ina rin ang tumulong kay Vincente upang mailathala niya ang Musa Joven (Young Muse) noong 1912, pinaka-una niyang magasin.

Na-expel si Vicente sa pag-aaral niya sa Colegio San Ignacio ng dahil lamang sa isang biro. Dahil dito, makikita rin sa kanayang mga akda ang pagtuligsa niya sa pagtuturo at pamamaraan ng mga Jesuit.

Kontribusyon sa Panitikan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kanyang mga akda, Vicente Huidobro ang napili niyang gamitin. Hindi niya tinapos ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng Chile. Bagkus, nag-pokus siya sa magsusulat. Sa taong 1913, nakapaglathala siya ng tatlong isyu ng magasin na Azul sa tulong ni Pablo de Rokha. Pumunta siya sa Paris noong 1916 upang gawin ito. Sumali rin siya sa mga panibagong movements ng siyudad tulad ng mga avant-garde movements. Dahil dito, nagkaroon ng oportunidad si Vicente na gumawa ng sariling movement. Isinulat niya sa taong ring ito ang Las Pagodas Ocultas[4] gamit ang pen name na Vicente Huibodro. Maraming nangyaring pampanitikang kabuluhan sa buhay ni Vicente Huidobro sa taong 1916. Una, nailathala niya ang El Espejo de agua kung saan naitukoy na niya ang creacionismo bilang isang teorya sa literatura. Pangalawa, nakilala niya si Rafael Cansino Assens at ng nailathala niya ang Aidan kung saan makikita sa kanyang akda ang impluwensiya ng avant garde.

Paminsan-minsan din na may mga lathala si Vicente sa mga magasin sa Europa[5].

Dahil sa impluwensya ng mga nakapaligid sa kanya at ng avant-garde, si Vicente ay gumawa ng mga manifestos. Una niyang manifesto ay ang Non-Serviam (1914). Ito ay manifesto tungkol sa mga tula. Binigyang diin niya ditto na ang may-akda ay dapat independente sa tradition. Ang pangalawa niyang manisfestos ay ang Arte Poetica (1916). Ito rin ay tungkol sa tula at may kahalantitulad ng nauna niyang manifestos[6].

Ang mga avant-garde movements sa Europa ang nagtulak kay Vicente na gumawa ng sariling teorya: ang creacionismo (creation). Una niyang nailathala ang magasin na tungkol sa art na may pamagat na Creación (Creation) sa Madrid noong 1921.  Si Pierre Reverdy ang unang naka impluwensya sa kanya sa teorya.

Ang tungkulin ng isang makata sa Creacionismo ay ang lumikha ng personal, gawa-gawang mundo (sa halip na ilawaran ang mundo ng sanlibutan). Sa Creacionismo, pinaghambing ng mga makata ang imahe at metapora at kadalasang gumagamit ng orihinal na bokabularyo, na madalas na pinagtumpok ang mga salita nang wala sa katwiran o tatuturan. Ang movement na ito ay maraming na impluwensiya na mga manunulat sa Europa at Latin America[7].

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinakasalan ni Vicente si Manuela Portales Bello noong 1912. Inilipat niya ang buo niyang pamilya (kasama mga anak) sa Europe noong 1916. Nakilala ni Vicente si Ximena Amunátegui, isang 15-anyos na bata. Ito ang nagging dahilan kung bakit iniwan ni Vicente ang kanyang asawa at mga anak. ang relasyon niya kay Ximena ay naglamat din sa kanyang relasyon sa politika. Noong 1928, kung kailan nasa tamang edad na si Ximena, pinuntahan siya ni Vicente at sila ay nagsama sa Paris ng ilang taon [2]. Matapos ang WWII, naghiwala si Vicente at Ximena. Ang pangatlo niyang asawa ay si Raquel Señoret.

Kamatayan at Pamana

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Vicente ay nadischarge ng maaga sa paninilbihan niya bilang kapitan sa kanyang bansa sa kasagsagan ng WWII dahil siya ang nasugatan sa giyera. Matapos ang digmaan, pumunta siya sa Cartagena, madagat na lugar, upang magpahinga. Ngunit, di na siya gumaling sa kanyang sugat dahilan ng tuluyang pagbulusok ng kanyang kalusugan. Nastroke din si Vicente at tuluyang namatay noon January 2, 1948 sa edad na 54 anyos lamang[2].

Siya ay inilibing malapit sa karagatan. Ang kanyang anak na si Manuela at Eduardo ang siyang sumulat sa kanyang epitaph: Here lies the poet Vicente Huidobro / Open the grave / At the bottom of this grave you can see the sea”.

Inilathala rin ni Manuela ang mga akda ni Vicente na hindi pa nailathala na may pamagat na Last Poems.

Ang Vincente Huidobro Foundation[8] ay itinatag upang bigyang pugay ang kontribusyon ni Vicente Huidobro sa larangan ng panitikan sa Chile. Ito ay naitatag noong 1990. Dito na i-preserba ang mga sulat ni Vicente na pweding tunghayan at bisitahin ng mga gumagawa ng riserts, mga estudyante, at kung sino man. Ang bahay ni Vicente sa Cartagena ay naging moseyo rin ng dahil pinansyal na kontribusyon ng FONDART. Kagaya ng foundation, ang moseyo ay pweding bisitahin ng publiko at ang mga gamit ni Vicente ay pweding pag-aralan[9].

Listahan ng mga Libro

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Altazor (1931, 51 editions)
  • Altazor/Temblor del cielo (1931, 5 editions)
  • Mio Cid Campeador (1929, 7 editions)
  • The Selected Poetry (1982, posthumous publication, 19 editions)
  • Arctic Poems (1918, 9 editions)
  • Cagliostro (1931, 8 editions)
  • Altazor y otros poemas
  • Manifest/Manifestos (1925, 6 editions)
  • Ultimos Poemas (1995, posthumous publication, 8 editions
  • Temblor del cielo (1931, 6 editios)
  • Poesía y Poética, 1911-1948 (2000, posthumous publication)
  • Obras Completas de Vicente Huidobro, 2 vols. (1963, posthumous publication)
  • Sátiro o el poder de las palabras (3 editions)
  • Ecuatorial
  • En la luna (1934)
  • El ciudadano del olvido
  • Papá o el diario de Alicia Mir
  • Vicente Huidobro
  • Poesía creacionista
  • Acróbata del cielo
  • The Poet Is A Little God: Creationist Verse
  • El Pasajero de su Destino
  • Adan (1916)
  • Ver y palpar (1941)
  • Todos los poemas de Vicente Huidobro
  • Obras poéticas en frances
  • Antología
  • Vicente Huidobro, poemas ilustrados
  • Canciones en la noche (1913, 5 editions)[10]
  1. "Vicente Huidobro | Chilean writer | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Admin (2020-01-10). "Vicente Huidobro, the avant-garde father of literary creationism | Culture". Spain's News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Admin (2020-01-10). "Vicente Huidobro, the avant-garde father of literary creationism | Culture". Spain's News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Internet, Archive (https://archive.org/details/laspagodasoculta00huid). "Las pagodas oculta". {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong); External link in |date= (tulong)
  5. "Huidobro, Vicente – Postcolonial Studies". scholarblogs.emory.edu. Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Vicente Huidobro and the Avant-Garde Manifesto - TAKE DADA SERIOUSLY?". www.takedadaseriously.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Creacionismo | Spanish literature | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "SPS Faculty, UW, Huidobro Foundation Collaborate on Publishing Anthology Series | Spanish & Portuguese Studies | University of Washington". spanport.washington.edu. Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Museo Vicente Huidobro". web.archive.org. 2015-12-07. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-12-07. Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Books by Vicente Huidobro (Author of Altazor)". www.goodreads.com. Nakuha noong 2023-04-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy