Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Sinupan ng mga nagdaang napiling larawan/Sinupan 4

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.

Mga napiling larawan noong 2009 (kabuoang bilang: 49)

[baguhin ang wikitext]

Ang lamok ay isang uri ng kulisap na nakapagdurulot ng karamdaman. Kiti-kiti ang tawag sa larba o anak ng mga lamok. Halimbawa nito ang Ochlerotatus notoscriptus ng Tasmania, Australya. Kuha at karga ni Noodle snacks


Si Marie Antoinette ay isang Reyna ng Pransiya at Arkodukesa ng Austria. Anak siya ng Emperador ng Banal na Imperyong Romano na si Emperador Francis I at ni Emperatris Maria Theresa ng Austria. Asawa siya ni Louis XVI ng Pransiya at ina ni Louis XVII ng Pransiya. Pinugutan siya ng ulo noong Himagsikang Pranses at inilibing sa Basilika ng Saint–Denis sa Paris.Hindi tiyak ang may-akda ngunit maaaring si Gautier Dagoty (1740-1786); ikinarga ni Cybershot800i.


Ang milong Kastila, kantalupo, milong bato, milon, o melon lamang ay isang uri ng milon o melon na tumutukoy sa dalawang mga uri ng Cucumis melo, na isang uring nasa pamilyang Cucurbitaceae, na kinabibilanganng halos lahat ng mga milon at ng mga kalabasa. Sumasakop sa mga sukat o timbang na mula 0.5 kg hanggang 5.0 kg ang mga milong Kastila. Dating tumutukoy lamang ang kantalupo sa mga "walang lambat" na mga milong may lamang kulay narangha na mula sa Europa, ngunit naging kagamitan sa kasalukuyan ang mga katawagang para rito sa anumang milong may lamang kulay narangha o C. melo. Kuha at karga ni Fir0002.


Ang helikopter ay isang uri ng salipapaw o sasakyang lumilipad. Pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng helikopter at ng eruplano ang kung ano ang nagpapaangat sa kanila mula sa lupa patungo sa himpapawid. Sa eruplano, nakakakuha ito ng puwersang pang-angat mula sa kanyang mga pakpak at pasulong na galaw, na nagmumula sa propeler ng makina ng dyet. Sa helikopter, nanggagaling ito sa pahalang na ilang umiikot na mga talim na tila parang maliliit na mga pakpak. Dahil dito, minsang tinatawag silang salipapaw na may mga pakpak na rotaryo. Hinango ang salitang helikopter mula sa Pranses na hélicoptère, na nilikha ni Gustave de Ponton d'Amecourt noong 1861, na nagbuhat naman sa Griyegong helix/helik-. Nakalarawan dito ang isang helikopter na ginagamit sa paghahatid ng paunang tulong-panlunas. Kuha at karga ni Ikiwaner


Ang mga plamengko ay mga mapagkawan-kawang mga ibong lumulusong sa tubig na nasa loob ng saring Phoenicopterus at pamilyang Phoenicopteridae. Kapwa matatagpuan sila sa Kanluran at Silangang mga Hemispero, ngunit mas marami sa silangan. May apat na mga uri nito sa mga Amerika at dalawang mga uri sa Matandang Mundo. Dalawang uri, ang Andeano at ang Plamengko ni Santiago ang karaniwang inilalagay sa saring Phoenicoparrus sa halip na sa Phoenicopterus. Kuha at karga ni Christian Mehlführer.


Si Yusuf Islam (ipinanganak na Steven Demetre Georgiou noong 21 Hulyo 1948), na mas kilala bilang Cat Stevens, ay isang Britanikong manunugtog, mang-aawit, at manunulat ng awit. Isa rin siyang multi-instrumentalista, edukador, pilantropo, at prominenteng nagpalit ng relihiyon patungo sa Islam. Sa ngayon, ginagamit niya ang isahang pangalang Yusuf. Kuha ni William McElligott at ikinarga ni Materialscientist at ng Flickr upload bot.


Ang bungang kiwi o Actinidia deliciosa, pinaiiksi bilang kiwi, ay isang uri ng nakakaing prutas na may hugis na habilog at kulay lunti sa loob na mayroong maliliit na mga butong maiitim. Katutubo ang kiwi sa Timog Tsina. Pinangalanan ang kiwi noong 1959 mula sa pangalan ng ibong kiwi, isang ibong sagisag ng Bagong Selanda. Kuha at karga ni Lviatour


Ang mga buwitre ay mga ibong nanginginain ng bangkay ng mga hayop. Natatagpuan ang mga ito sa bawat kontinente maliban sa Antartiko at Oceania. Isang partikular na katangian ng maraming mga buwitre ang pagkakaroon ng kalbong ulo, at ipinapakita ng mga pananaliksik na maaaring may malaking pagganap ang lantad na balat nila sa pagtimpla ng init ng katawan. Kuha ni Luc Viatour at ikinarga nina Lviatour at Dmitry Rozhkov.


Ang beysbol ay larong koponan na ginagamitan ng maliit at matigas na bola na pinapalo ng pamalong bat. Popular ito sa Estados Unidos, Hapon, Portoriko, Kuba, Taywan, Panama, Beneswela, at Timog Korea. Itinuturing din ito sa Estados Unidos bilang di-opisyal na pambansang libangan. Kuha ni Keith Allison at ikinarga nina FlickreviewR at UCinternational.


Ang mansanas ay isang bunga at punong kabilang sa uring Malus domestica sa loob ng pamilyang Rosaceae ng mga rosas. Ito ang pinakainaalagaang mga namumungang puno sa mundo. Napagkukunan ang bunga ng mga katas ng mansanas. Kinunan ni Abhijit Tembhekar at ikinarga ni Killiondude.


Si Napoléon François Joseph Charles Bonaparte (20 Marso 1811 – 22 Hulyo 1832), Duke ng Reichstadt, ay anak ni Napoleon I ng Pransiya at ng kanyang ikalawang asawa na si Marie Louise ng Austria. Ito ang larawan niya mula sa Museong Pang-sining ng Unibersidad ng Harvard. Ipininta ni Thomas Lawrence at ikinarga ni AndreasPraefcke.


Si Abraham Lincoln ay ang ika-16 na Pangulo ng Estados Unidos, na naglingkod mula 1861 hanggang 1865. Pagkaraan ng wakas ng Digmaang Sibil ng mga Amerikano noong 1865, nabaril siya at napatay ni John Wilkes Booth. Kuha ni Alexander Gardner at ikinarga ni Tom.


Si Benjamin Franklin ay isa sa Tagapagtatag na mga Ama at pinakamaagang mga politiko ng Estados Unidos. Nagkaroon siya ng napakahalagang bahagi sa paghubog ng Mapanghimagsik na Digmaang Amerikano, bagaman hindi nahalal kailanman sa anumang puwestong opisyal. Ipininta ni Joseph Siffred Duplessis at ikinarga ni Dcoetzee.


Ang dumagat, palkon, o halkon ay anumang uri ng ibong mandaragit at maninilang nasa saring Falco. Nagmula ang katawagang palkon mula sa pangalan nito sa wikang Lating falco, na kaugnay ng Lating falx na may ibig sabihing "karit" dahil sa hugis ng pakpak ng ibong ito. Halimbawa nito ang Falco vespertinus. Mula sa aklat na Natural History of the Birds of Central Europe (1905) ni Johann Friedrich Naumann at ikinarga ni John feather.


Si Isaac Asimov ay isang Amerikanong Hudyong biokemiko at manunulat na kilala sa kanyang mga kathang-isip na salaysaying pang-agham at iba pang popular na pangsiyensiyang mga aklat. Ipinanganak siya sa Rusya. Ipininta ni Rowena Morill at karga ni SF007.


Ang langgam o guyam ay isang kulisap na mabilis magparami at kinikilalang mapanlipunang mga insekto. May apat na klase ng langgam: manggagawa, kawal, reyna o nanay, at dalaga. Nakikita sila sa buong mundo maliban sa Antartiko. Mayroon silang bahay o kolonyang may mahigit sa 1 milyong mga kasapi. Kuha at karga ni Noodle snacks.


Ang Saturno ay ang pang-anim na planeta mula sa Araw at ang pangalawang pinakamalaking planeta sa sistemang solar, pangalawa sa Hupiter. Nagmula sa isang sinaunang bathalang Romano ang pangalan ng planetang ito. Kuhang gawa ng NASA/JPL/Space Science Institute; karga ni TonyBallioni.


Ang Panglagalag sa Marte ay dalawang mga robot na bahagi ng kasalukuyang isinasagawang robotikong misyong pangkalawakan ng NASA sa planetang Marte, na nagsimula noong 2003. Kilala sila bilang sina Spirit at Opportunity, na kapwa nagsasagawa ng eksplorasyon sa kapatagan at heolohiya ng Marte. Gawa ng Maas Digital LLC para sa Pamantasan ng Cornell at NASA/JPL; ikinarga at pinainam nina Acdx, Emilfaro, Cumulus Clouds, at Dschwen.


Ang bibi, bibe, itik, o pato ay isang uri ng ibon. Karaniwang tinatawag na bibi o bibe ang mga uring may mapuputing mga balahibo, samantalang itik naman ang mga may kayumanggi o itim na kulay. Lumilipad sa himpapawid at lumalangoy ding nakalutang sa tubig ang mga ito. Kahawig sila ng mga gansa. Gawa ni Andō at ikinarga ni Durova.


Ang mga planeta at mga bituin ay mga bagay na pangkalawakan. Tinatawag ding tala o buntala ang mga planeta at lumilibot sa mga bituin o mga tira o labi ng mga bituin. Samantala, isa namang katawan ng plasma ang bituin at may sapat na bigat upang masustentuhan ang kanyang pagsasalikop nukleyar sa kanyang siksik na ubod. May kani-kaniyang sukat at bigat ang mga planeta at mga bituin. Kuha ni Dave Jarvis at karga ni Thangalin.


Ang mga kulisap na pukyot o pukyutan o Apis ay isa lamang sa mga grupo ng mga bubuyog na nakalilikha ng mga pulot na nakakain ng tao o oso at iba pang mga hayop. Tinatawag na anila ang salasalabat na pagkit na nasa loob ng bahay-laywan o bahay-pukyutan, ang bahay ng mga pukyutan. Ang mga bubuyog na pukyutan ay kilala rin sa mga katawagang anilan o laywan, bagaman sinasabing isang uri ng pukyutan ang laywan. Kuha at karga ni Muhammad Mahdi Karim.


Ang aligeytor, tinatawag ding buwaya, ay isang sari ng mga reptilyang kabilang sa pamilyang Alligatoridae. Likas na matatagpuan ang mga ito sa Amerika at Tsina. Higit na malalapad at maiikli ang mga ulo nito kaysa sa mga tunay na buwaya o krokodilyo. Larawan ito ng isang naghihikab na aligeytor. Kuha at karga ni Ianaré Sévi.


Ang anila, anilan, bahay-pukyutan, bahay-anilan, panilan, o saray ay ang bahay o pugad ng pukyutang gawa ng mga bubuyog. Isa itong masa ng mga selula ng pagkit na binuo ng mga bubuyog sa loob ng kanilang pugad para ibahay ang kanilang mga larba o anyong-uod at para makapag-imbak ng mga pulut-pukyutan at polen. Kuha at karga ni Waugsberg


Ang karot ay isang uri ng mahabang gulay na karaniwang kulay narangha, ngunit marami ring ibang kulay. Kilala rin ito bilang remolatsa, asintorya, asanorya at asinorya. Kuha ni Stephen Ausmus / Ikinarga ni Falcorian


Ang buhawi ay isang biyolente, mapanganib, at umiikot na kolumna ng hanging sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus. Dumarating itong may maraming mga sukat at laki ngunit karaniwang nasa anyo ng isang embudo ng kondensasyong humihipo ang makipot na dulo sa lupa, at napapalibutan ng usok ng mga pinagguhuan at alikabok. Kilala rin ito bilang alimpuyo, tornado, o ipu-ipo. Kuha ni Justin Hobson (Justin1569) / Ikinarga nina Lycaon at Bot na pangkarga ng talaksan ni Magnus Manske


Si Douglas MacArthur (nasa gitna) ay isang bantog na Amerikanong heneral na nagkaroon ng gampanin sa Pasipiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naatasan siyang mamuno sa pagsalakay sa bansang Hapon noong 1945. Pinamunuan rin niya ang hukbo ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Timog Korea mula 1950 hanggang 1951. Kuha ng Hukbong Senyas ng Hukbong-Katihan ng Estados Unidos / Ikinarga nina Majorly at Durova


Sa kimika, ang asin ay kahit anong ionikong kompwestong binubuo ng positibong kargang elektriko na mga kation at negatibong nakakargang mga anion. Dahil dito neyutral ang produkto at walang netong karga. Nabubuo ang mga asin kapag may reaksiyon ang mga asido at mga base. Nasa Bolibya ang mga buntong ito ng asin. Kuha ni Luca Galuzzi / Ikinarga ni Trialsanderrors


Ang bulutong, na kilala sa Ingles bilang smallpox (bigkas: /is-mol-paks/) ay isang uri ng nakahahawang sakit na kakikitaan ng mga paltos sa balat, bunganga at lalamunan. Nag-iiwan ito ng pekas o peklat sa balat. Gawa ng CDC/James Hicks / Ikinarga nina Econt, Tm, at BetacommandBot.


Ang halik o paghalik ay ang pagdampi ng mga labi ng isang tao sa ibang lugar, na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin, paggalang, pagbati, pamamaalam, paghiling ng kabutihang kapalaran, romansa, o may kaugnayan sa seksuwalidad. Naging kasingkahulugan din ito ng dampi, beso, at besu-beso. Gawa ni Francesco Hayez / Ikinarga ni Conscious at ng pangkargang bot ni Eloquence.


Ang Don Quixote o "Ang Mahusay na Hidalgong si Don Quixote ng La Mancha" ay isang nobelang isinulat ng Kastilang may-akdang si Miguel de Cervantes Saavedra. El ingenioso hidalgo Don Quijote de la Mancha ang buong pamagat nito sa orihinal na Kastila. Gawa nina Gustave Doré at Héliodore-Joseph Pisan / Ikinarga ni Adam Cuerden.


Ang Ramayana ay isa sa dalawang pinakamahalaga at dakilang tulang epiko ng sinaunang India, bukod sa Mahabharata. Una itong isinulat sa wikang Sanskrit ng isang paham, o rishi, na si Valmiki noong mga 300 BK. Naglalaman ang aklat ng mga 96,000 taludtod at nahahati sa pitong mga bahagi. Tungkol ito sa buhay ni Prinsipe Raghava Rama. Gawa ni Sahibdin / Ikinarga nina Nvineeth at Abhishekjoshi.


Ang pagsusurp o surping ay isang uri ng isports na isinasagawa sa pamamagitan ng pagsakay sa isang surpbord o tablang pangsurp, na nakatayo ang sumasakay papunta sa dalampasigan. Ginagawa ang ganitong kilos ng isang taong sumasakay sa isang paguhong alon, na nag-iipon ng tulin mula sa pababa at pasulong na galaw. Kuha ni Mbz1/Mila Zinkova / Ikinarga nina wadester16/Pangkargang bot ni Magnus Manske


Ang pagkakayak ay isang uri ng libangan o gawaing pampalakasan na ginagamitan ng kayak, isang maliit na bangkang pinapaandar ng lakas ng tao. Karaniwan itong mayroong natatakpang kubyerta at silidtimunang natatakban ng wisikang kubyerta. Pinapakilos ito ng isang sagwang may dalawang talim. Ginamit ito ng mga katutubong mangangasong Eskimo. Kuha ni Truello/Andy at ikinarga ni Ibn Battuta.


Ang selyo ay isang madikit na papel na nagsisilbing katibayan ng pagbabayad sa halaga ng serbisyong pangkoreo. Karaniwang isa itong maliit na parihabang idinidikit sa isang sobre, na tandang nagbayad na ng buo o bahagi lamang ang taong nagpapadala. Ito ang pinakatanyag na paraan ng pagbabayad sa isahan o ilanang mga liham. Kuha at karga ni Heptagon.


Ang patutot ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan, na tumutukoy sa isang babae o lalaking binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa pakikipagtalik at seksuwalidad. Kasingkahulugan ito ng prostituta o prosti. Kuha at karga ni Tomas Castelazo.


Ang ngiti o ngisi ay isang anyo ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag masaya siya. Maraming dahilan kung bakit nangingiti ang isang tao, katulad ng kapag may nagsabi ng nakakatawang biro, o dahil sa pagkuha ng litrato. Minsan ding ngumingiti upang ikubli ang isang nakakahiyang damdamin. Kuha ni Ferdinand Reus / Ikinarga ng Bot ni Magnus Manske.


Ang astronota ay isang taong sinanay, sa pamamagitan ng isang programang pangkalawakan, upang mamuno, magsilbing piloto, o bilang tauhan ng isang sasakyang pangkalawakan. Kilala rin ito bilang kosmonota, taikonota, espasyonota, o ispasyonota. Mula sa NASA / Ikinarga ni Sarcastic ShockwaveLover at Davepape.


Ang mandarangkal, mandadangkal, sasamba, o samba-samba ay isang uri ng kulisap na gumagamit ng kanyang dalawang mga mahahabang kamay sa unahan para atakihin ang kalaban o sa pamamagitan ng paninila. Karamihan sa kanila ang mas gustong manatili at manirahan sa mga tropikal na lugar. Mayroong 1,700 klase ng mga ito. Nangingitlog ang babaeng mandarangkal ng humigit sa 300 mga itlog. Larawan ni Luc Viatour.


Ang lumot ay ang pangkalahatang tawag sa lahat ng mga uri ng mga nakakain at hindi nakakaing alga, isang halamang-dagat. Halimbawa ng nakakaing lumot ang gulaman. Tumutukoy din ito sa mga maliliit, malambot, magkakatabi at luntiang halamang tumutubo na mukhang karpet sa ibabaw ng lupa katulad ng mga bato, pader, at balat ng puno. Larawan ni NEON ja / Kinulayan ni Richard Bartz.


Ang hipon ay kahit na anong maliliit at hindi gaanong kalakihang mga hayop mula sa dagat at ilog. Mga krustasyano itong kinabibilangan ng inpra-ordeng Caridea. Kasama sa mga uri ng hipon ang alamang, hipong puti, tagonton, ulang, suahe, at sugpo. Isang halimbawa ng hipon ang Perclimenes imperator. Nilikha at ikinarga ni Nick Hobgood/Nhobgood.


Na ang mga kubyertos ay mga uri ng kasangkapang pangkain. Hinango ang salitang ito mula sa salitang cubiertos sa wikang Espanyol. Halimbawa ng mga ito ang kutsara, tinidor at kutsilyo. Maaaring gawa ito sa plastik o metal. Nilikha ni Scott Bauer / Ikinarga ni 17Drew.


Ang transportasyon ay ang paggalaw ng mga tao at bagay mula sa isang pook hanggang sa isa pang lugar. Nagmula ang salitang ito sa Lating trans at portate o "dalhin sa kabila". Isang halimbawa nito ang isang bus sa El Gouna, sa may Dagat na Pula ng Ehipto, na pinalamutian ayon sa estilong Pakistani. Nilikha ni Marc Ryckaert / Ikinarga ni MJJR.


Ang sirko ay pangkat ng naglalakbay na mga tagapagtanghal tulad ng mga sirkero, payaso, salamangkero at iba pa. Malimit na ipinapalabas ito sa isang tanghalang bilog na may mga upuang tinakda para sa mga tagapanood at nasa loob ng kubol. Nilikha ng The Strobridge Litho. Co. / Ikinarga ni Durova.


Ang kabute ay isang parte ng halamang singaw na kahugis ng nakabukas at nakatayong payong na nagsisilbing tagapagdala ng mga binhing buto. Tumutubo ito sa itaas ng lupa o kaya sa pinanggagalingan ng pagkain nito. Karaniwang nakakain ang mga ito subalit mayroon ding nakalalason. Isang halimbawa ng kabute ang Amanita muscaria. Kuha/Ikinarga ni Tony Wills.


Ang bakaw o tagak ay isang uri ng ibong kumakain ng isda. Kabilang sila sa mga ibong lumulusong sa tubig na nasa loob ng pamilyang Ardeidae. May isang uri nito - ang Cochlearidae - na dating itinuturing na bumubuo sa isang nakahiwalay na monotipikong pamilya, o mag-anak na binubuo ng iisang uri lamang, subalit itinuturing na ngayon bilang isang kasapi sa Ardeidae. Kuha/Ikinarga ni Acarpentier.


Ang OLPC XO-1, dating kilala bilang $100 Laptop ("isandaang dolyar na laptop"; "laptop na nagkakahalaga ng isandaang dolyar"), Children's Machine ("makinang pambata"), at 2B1, ay isang murang kompyuter na nakakalong na nilikha para ipamahagi sa mga kabataan ng umuunlad na mga bansa sa buong mundo, upang mabigyan ang mga ito ng akseso o daan sa kabatiran o kaalaman at mga pagkakataon na tumuklas, magsubok o mag-eksperimento, at maipahayag ang kanilang mga sarili batay sa teorya ng pagkatutong Konstruksyonismo. Kuha ni Mike McGregor – Ikinarga ni Walter/Betbuster.


Ang paggamit ng mga pangulay na tinutubigan ay isang paraan ng pagpipinta sa larangan ng sining. Ang mismong mga pangkulay ay mga sangkap na nilalagyan muna ng tubig para muling matunaw bago mailapat sa kalatagan ng papel. Bagaman karaniwang gumagamit ng papel bilang latagan ng mga dibuhong ganito, ginagamit din ang mga papiro, plastik, vellum, katad, tela, kahoy, at kanbas. Sa Silangang Asya, tinatawag itong pagpipinta sa pamamagitan ng pinsel o pagpipinta sa ibabaw ng balumbon. Kuha/Ikinarga ni: Dongio.


Ang eroplano ay isang uri ng salipapaw o sasakyang lumilipad sa himpapawid ngunit mas mabigat kaysa hangin. May pakpak ang lahat ng mga eroplano. Glayder -- palutang, patangay, salimbay, o salibad -- ang tawag sa mga eroplanong walang makina, sapagkat sumasabay at nagpapatangay lamang sa ihip ng hangin. Bagaman isang uri ng salimpapaw ang eroplano, minsang tinatawag din itong salipapaw sa mapangkamalawakang diwa ng salita. Kuha ni: Tauhang Sarhento Jacob N. Bailey, Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos / Ikinarga ni: Trialsanderrors.


Ang manok ay isang uri ng ibon na kadalasang kabilang sa mga pagkaing niluluto at inuulam ng tao. Tandang ang tawag sa lalaking manok, inahin naman ang sa babaeng manok, at sisiw para sa mga inakay o anak na ibon nito. Kapag mamula-mula o mala-ginto ang kulay ng tandang, tinatawag itong bulaw. Kabilang ang mga manok sa mga poltri, mga ibong inaalagaan at pinalalaki para kainin. Manukan ang katawagan sa pook na alagaan ng mga manok sa bukid. Kuha ni: Muhammad Mahdi Karim.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy