Pumunta sa nilalaman

Xenophanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Xenophanes
Isang guhit ni Xenophanes mula sa paglililok noong ika-17 siglo
Ipinanganakc. 570 BCE
Colophon, Ionia
Namatayc. 478 BCE (edad c. 92)
Syracuse, Sicily
PanahonPre-Socratic philosophy
RehiyonWestern philosophy
Mga pangunahing interesKritisismong panlipunan
Kataphasis
Natural na pilosopiya
Epistemolohiya
Mga kilalang ideyaMga pananaw ng relihiyong politeistiko bilang mga proheksiyon sikolohikal ng mga tao.
Arche ng tubig at mndo
Ang tunay na paniniwala at pagtatangi ng kaalaman

Si Xenophanes ng Colophon ( /zəˈnɒfənz/;[1][2] Sinaunang Griyego: Ξενοφάνης ὁ Κολοφώνιος [ksenopʰánɛːs ho kolopʰɔ̌ːnios]; c. 570 BCE – c. 478 BCE) ay isang Sinaunang pilopong Griyego, teologo, manunula at kritiko ni Homer. Siya ay mula sa Ionia na naglakbay sa buong daigdig na nagsasalita ng Griyego sa Klasikong Antigidad. Bilang manunula, si Xenophanes ay kilala sa kanyang istilong kritikal na itinuturing na isa sa mga unang satire. Sumulat rin siya ng mga couplet na elehiako na bumabatikos sa mga tradisyonal na pagpapahalaga ng lipunan sa kayamanan, kalabisan at mga pagwawagi sa palakasan. Isa rin siyang kritiko ni Homer at ibang mga manunula dahil sa paniniwala nilang ang mga Diyos ay mangmang o may mahinang moralidad. Isa siya sa pinakamahalagang mga pilosopong pre-Sokratiko. Isang intelektuwal, sinikap niyang hanapin ang paliwanag sa mga pisikal na phenomena gaya ng mga ula o mga bahaghari na hindi humihimok sa mga paliwanag na diyos o mitolohikal at sa halip ay batay sa arche. Kanya ring itinangi ang mga iba't ibang anyo ng kaalaman at paniniwala bilang isang maagang tagapagtaguyod ng epistemolohiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Xenophanes" entry in Collins English Dictionary.
  2. "Sound file". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-16. Nakuha noong 2022-05-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy