DALUMATFIL - Activity 2
DALUMATFIL - Activity 2
Buod
Ito ay pagtatala sa narinig o nabasang mga artikulo, magasin, balita atbp. batay sa sariling
pananalita ng indibidwal.
Batayan sa Buod
1. Tinatalakay ang kabuuan ng teksto.
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga halimbawa,
detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto.
3. Gumagamit ng mga susing salita
4. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.
Pamantayan
Nilalaman - 10
Balarila - 5
Kaugnayan sa teksto - 10
I. Buod:
“ENDO”
Isa sa mga salita ng taong 2014 na pinili sa SAWIKAAN ang salitang “ENDO”. Sa
layuning mas mapatampok ang kampanyang kontra-ENDO, naghanda sila ng talakayan
para sa kanilang ipiniresinta sa SAWIKAAN bilang sagot sa mga naghahangad at
nakikibaka para sa isang makatarungan at mapagkalingang lipunan.
“Wang-Wang”
May programang “Wang-wang ng Bayan” na ang Radyo DZUP 1602. Ayon sa kanilang
Facebook page, ang wang-wang ay “instrumento sa pagkuha ng atensyon.”. Ganito ang dapat
maging karagdagang kahulugan ng wang-wang: bagong batingaw, pag-iingay o panawagan para
sa tunay na pagbabago, panggigising sa mga opisyal ng gobyerno at maging sa mga mamamayan
na nakalimot na sa kanilang tungkulin sa bayan. Wang-wang – pag-iingay ng masa,
pagrereklamo ng sambayanan, panawagan ng pagbabagong panlipunan. Magwang-wang (mag-
ingay, magkampanya pabor sa, mangalap ng suporta para sa, manawagan ng...) Bakit ito ang
dapat maging Salita ng Taong 2012, hindi pa naisasama ang bagong kahulugan nito sa kabila ng
paglawak ng salita, may potensyal na manganak pa ng maraming salita, bahagi na ito ng ating
kasaysayan dahil sa paggamit at pagpopularisa nito sa talumpati ng isa sa pinakapopular nating
pangulo na si Noynoy Aquino, nag-level-up na ang wang-wang mula nang gamitin ito ni
Noynoy; trending pa rin ang mga isyung kaugnay nito gaya ng korapsyon at pang-aabuso sa
kapangyarihan, Sa pangkalahatan, ililigtas tayo ng salitang wang-wang sa luma nating sakit: ang
pagsasawalambahala sa mga usaping pambayan at ang pagkalimot sa ating mga tungkulin bilang
mamamayan ng bansang Pilipinas.