Science and Filipino Reviewer Grade 3
Science and Filipino Reviewer Grade 3
(Matter)
States of Matter
Different materials have different properties. Each material has
its unique properties. But these properties can change depending
on the state of the material.
Solid, liquid, and gas are the three states of matter. The bicycle
and the rubber in the tire are solid. The water in the bottle and
sweat are liquid. The air in the tire is a gas.
A solid has definite shape and definite volume. Some solids have
regular shapes like square, rectangle, or circle. Your books, lunch
box, and basket ball have regular shapes. Other solids have
irregular shapes. Stones, trees, and your body are irregular in
shape. Solids stay solid unless something, like a change in
temperature, changes them.
Pangngalan
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-ngalan
sa tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. May dalawang uri
ng pangngalan: ang pangngalang pantangi at ang pangngalang
pambalana.
Pangngalang Pantangi
o Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari. Mga
halimbawa nito ang tatak ng isang bagay, pangalan ng
lugar, pamagat ng babasahin o aklat at ngalan ng aksyon o
pangyayari.
o Ang unang titik ng pangngalang pantangi ay isinusulat sa
malaking titik.
Pangngalang Pambalana
o Ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa
pangkalahatang tawag sa tao, bagay, hayop, pook, o
pangyayari. Ito ay hindi sinisimulan sa malaking titik
maliban kung ginagamit bilang unang salita ng pangungusap.
o Basahin ang mga halimbawa ng pangngalang pambalana na
binigyan ng tiyak na pangngalang pantangi.
Pambalana Pantangi
ina Nanay Nena
ama Tatay Jose
kapitbahay Mang Pedro
guro Bb. Natividad
pasyalan Luneta
siyudad Quezon
probinsiya Batangas
okasyon Araw ng Kagitingan
pangyayari Pista ng Sto. Niño
kainan Goldilocks