0% found this document useful (0 votes)
269 views27 pages

Mapeh 5 Q2 M6

Module-Mapeh 5 Second Quarter thank you thank you

Uploaded by

AerdnaBerja
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
269 views27 pages

Mapeh 5 Q2 M6

Module-Mapeh 5 Second Quarter thank you thank you

Uploaded by

AerdnaBerja
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 27

5

MAPEH
Quarter 2 – Module 6

AIRs - LM
MAPEH- 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2- Module 6

Copyright @ 2020
La Union schools Division
Region I

All right reserved. No part of this module may be reproduced in any form
without written permission from the copyright owners.

Development Team of The Module

Writers:
MUSIC: Melissa C. Dulay
ART: Albert M. Marzan
Melissa C. Dulay
P.E: Albert M. Marzan
Melissa C. Dulay
HEALTH: Albert M. Marzan
Melissa C. Dulay

Layout Artist: Albert M. Marzan


Charles D. Mabalot
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II


Management Team:

ATTY. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph. D.
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D., CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D., EPS in Charge of LRMS
Delia P. Hufalar, Ph.D., in Charge of MAPEH
Michael Jason D. Morales, P DO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
5
MAPEH
Quarter 2- Module 6
Music


Aralin Iba’t Ibang Scales
1 (Pentatonic, C Major at G Major)


 SAPULIN

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang tungkol sa mga iba’t ibang uri ng
notes at rest, time signatures, rhythmic pattern at iba pang simbolo sa musika.
Ang melodiya ay isa sa mga pangunahing elemento ng musika na madali
nating nakikilala o naaalala. Ito ay binubuo ng iba’t ibang note at tono na sunod-
sunod at maayos na pinagsama-sama upang makabuo ng kaaya-ayang tunog.
Ngayon, ating pag-aralan kung paano basahin at isulat ang iba’t ibang scale
– Pentatonic Scale, C Major Scale at G Major Scale.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at


pag-unawa sa aralin:

• Nakababasa/ nakaaawit ng iba’t ibang scales (Pentatonic scale, C


Major Scale at G Major Scale). MU5ME-IIf-9
Mga Layunin sa Pag-aaral:
1. Nakikilala ang mga awiting nasa Pentatonic, C Major at G Major.


 SIMULAN
 
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na scale ang binubuo ng limang tono?


A. G Major Scale B. C Major Scale
C. Pentatonic Scale D. F Major Scale
2. Ano ang home tone o lundayang tono ng C Major Scale?
A. do B. so C. la D. fa
3. Saan sa staff matatagpuan ang mababang do ng G Major Scale?
A. Pangalawang puwang B. Ledger Line
C. Pangalawang linya D. Unang puwang
4. Ang G Major Scale ay may isang sharp pagkatapos ng G-clef. Saan sa staff
makikita ang sharp nito?
A. Unang linya B. Pang-apat na puwang
C. Unang puwang D. Panglimang Linya
5. Alin sa mga sumusunod na so-fa syllables ang tamang tono ng Pentatonic scale?
A. do re mi fa so C. do re mi so la
B. do mi so la ti D. do mi fa so la



 LAKBAYIN

Ang C Major Scale ay may walong notang taglay – do – re – mi – fa – so – la


– ti – do. Walang simbolo na sharp (#) o flat ( ) sa tabi ng G-clef at ito’y nagtatapos
sa do. Tinawag itong C Major dahil ang pitch name ng do ay C.

so-fa syllables

Pitch Name

Ang Pentatonic Scale ay mula sa mga salitang penta (lima) at tonic (tono). Ito
ay binubuo ng limang sunod-sunod na buong hakbang na nota – do - re - mi - so - la.
Ito ay ginagamit sa mga musika ng Asya lalung-lalo na sa Tsina, Hapon, Korea at
Pilipinas.

so-fa syllables

Pitch Name

Ang G Major Scale ay binubuo ng walong nota – do – re – mi – fa – so – la –


ti – do. Ito ay may isang sharp (#) sa tabi ng G-clef na nakalagay sa pang-limang
linya ng staff. Ang do ay matatagpuan sa pangalawang linya. Tinawag itong G Major
dahil ang pitch name ng pangalawang linya kapag hindi movable do ay G. (Note:
Tingnan ang C Major Scale)

so-fa syllables

Pitch Name





 GALUGARIN


Panuto: Gamit ang whole note, iguhit sa staff kung saan matatagpuan ang mga sumusunod
na so-fa syllables. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

so re mi do’ la fa

so re fa ti mi

do mi fa la so

PALALIMIN
 

A. Panuto: Isulat ang pangalan ng scale at so-fa syllables ng mga sumusunod


na scale sa iyong sagutang papel.
B. Panuto: I-video ang sarili habang inaawit ang C Major scale, G Major scale
at Pentatonic scale ng pataas at pababa. I-send ito sa messenger ng iyong
guro.

Paalala: I-click ang link para mapakinggan ang mga sumusunod na scale para
sa tamang tono.

C Major Scale https://www.youtube.com/watch?v=vTJhpjIA0Fc

Pentatonic Scale https://www.youtube.com/watch?v=qngZlhbsJn0

G Major Scale https://www.youtube.com/watch?v=ToD1XXupoxs

RUBRIKS

Pamantayan Napakagaling Magaling Di-gaanong Magaling


5 4 3
1. Naaawit ng maayos at nasa
tamang tono ang iba’t ibang
scales (Pentatonic scale, C
Major Scale at G Major Scale).

SUKATIN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pangungusap at kapag mali isulat ang tamang sagot ng nasalungguhitan.

1. Kapag ang huling nota ng isang awit ay nagtapos sa pangalawang linya at may
isang sharp sa tabi ng G-clef, ang awit ay nasa C Major.
2. Ang Pentatonic Scale ay binubuo ng limang tono ang do-re- mi-so at la.
3. Ang C Major Scale ay binubuo ng limang tono at walang sharp o flat sa tabi ng G-
clef.
4. Ang Pentatonic Scale ay ginagamit sa mga musika ng Asya lalung-lalo na sa
Tsina, Hapon, Korea at United States.
5. Ang awiting “Buhay sa Nayon” ay nasa C Major.
ARTS

Aralin Paggamit ng Complementary Colors


2 sa Isang Landscape Painting


 SAPULIN

Sa nakaraang aralin, napag – aralan mo ang pagkakaiba sa mga obra ng mga
tanyag na pintor.
Ngayon, ating pag – aralan ang paggamit ng complementary colors sa isang
landscape painting
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at
pang – unawa sa aralin.
• Pagguhit at Pagpintang mga larawan gamit ang complementary colors sa
temang ‘Sa Kabukiran.” A5PL-IIe
Mga Layunin sa Pag-aaral:
A. Makaguhit ng larawan gamit ang complementary colors.
B. Makaguhit at makapinta ng mga larawan gamit ang complementary colors.
C. Naipagmamalaki ang likhang sining ng bawat pangkat.


 SIMULAN
  
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang hinihingi ng mga sumusunod.
1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing kulay MALIBAN sa isa.
A. Pula B. Berde C. Dilaw D. Asul
2. Lila ang kulay ng kotse ni Rowena. Anong dalawang kulay ang paghahaluin para
makabuo ng kulay na ito?
A. asul at dilaw B. asul at pula
C. dilaw at pula D. pula at berde
3. Anong kulay ang nangangahulugan ng kalinisan?
A. puti B. asul C. dilaw D. pula
4. Binigyan ni ama si inay ng pulang rosas. Ano ang ipinapahiwatig ng kulay pula?
A. pag-ibig B. katapangan C. kapayapaan D. kalinisan
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangalawang kulay?
A. berde B. dalandan C. lila D. asul
6. Tuwing may laban sa isang kontes ay palaging pinagsusuot ng pulang ribbon si
Angela ng kanyang guro. Ano ang ipinapahiwatig ng kulay pula?
A. Pag-ibig B. Kapayapaan C. katapangan D. kalinisan
7. Anong kulay ang paghahaluin para makabuo ng kulay dalandan?
A. asul at pula B. asul at dilaw
C. dilaw at pula D. pula at puti
8. Anong kulay ang lalabas kapag pinaghalo ang dalawang pangunahing kulay?
A. Pangunahing kulay B. Pangatlong kulay
C. Pangalawang kulay D. Pang-apat na kulay
9. Kapag pinaghalo ang asul at dilaw, anong kulay ang kalalabasan nito?
A. Berde B. Dalandan C. Lila D.Puti
10. Ano ang ipinapahiwatig ng kulay berde?
A. kapayapaan B. lumbay C. sariwa D. kalinisan


 LAKBAYIN



Ang mga kulay na direktang magkaharap o magkatapat sa color wheel ay
tinatawag na mga complementary color. Kapag ipinaghalo ang mga ito,
makabubuo ng kulay abo, puti, at itim. Pero kung gagamitin ito na kumbinasyon sa
pagkukulay, ito ay makapagbibigay ng kakaibang ganda sa gawaing sining lalo na at
ilalapat ang iba pang elemento at prinsipyo sa paggawa ng likhang-sining

Pag-aralan ang color wheel na nasa ibaba.

























GALUGARIN


Gamit ang inyong mga kagamitan sa paggawa, lumika ng obra ng isang landscape
na pinamagatang “Sa Kabukiran”. Tingnan ang isang halimbawa ng obra gamit ang
complementary colors.

https://www.google.com/s
earch?q=color+wheel+cha
rt+na+may+complementar
Mga kinakailangan kagamitan y+colors&source=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwiulJyRoabzAhWjyIsB
• Bond Paper/ Sketch pad HQgjBCEQ_AUoAXoECA
• Watercolor/ krayola/ Pastel Color EQAw&biw=1366&bih=65
7&dpr=1#imgrc=-
• Lapis kL9ccWOmDRbiM

Rubrik sa Paglikha ng Landscape

Nakasunod sa Nakasunod Hindi


pamantayan sa nakasunod
Mga Sukatan nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantayan
ilang
pagkukulang

5 3 2

1. Nakakaguhit ng isang
landscape.
2. Nakapagpinta gamit ang
isang pares ng
complementary color.

3. Nakakikitaan ng harmony
ang likhang sining sa
tamang pagkakaayos ng
mga kulay.

 
 PALALIMIN

Paggawa ng Self-Portrait
Ang self-portrait ay isang larawan ng mukha o buong katawan ng isang tao na
ginawa, ginuhit, o ipininta basis a iyong sarili.
Narito ang mga isang halimbawa na ginamitan ng complementary colors.

https://kinderart.com/art-
lessons/drawing/complem
entary-color-portraits/
Panuto: Gumuhit ng iyong sariling portrait. Kulayan ito gamit ang isang pares
lamang ng complementary colors.
Mga Kagamitan:
➢ Bond paper
➢ Lapis
➢ Crayon/ watercolor
Rubrik Para Sa Self-Portrait Painting

Nakasunod sa Nakasunod Hindi


pamantayan sa nakasunod
Mga Sukatan nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantayan
ilang
pagkukulang

5 3 2

1. Nakakaguhit ng larawan ng
sarili.
2. Nakapagpinta gamit ang
isang pares ng
complementary color.
3. Nakakikitaan ng harmony
ang likhang sining sa
tamang pagkakaayos ng
mga kulay.


SUKATIN

Panuto: Ipinta sa isang bond paper ang bahay na bato ng Batanes at gumamit ng
mga complementary colors sa pagkulay nito.

https://web.facebook.com/ThePhilippine
Architecture/posts/ivatan-house-
batanesthe-ivatan-house-is-made-
primarily-of-lime-stone-wood-and-
th/665673726866735/?_rdc=1&_rdr
Mga Kagamitan:
➢ lumang pahayagan
➢ lumang tasa o garapon para sa hugasan ng brush
➢ basahang panlinis
➢ mga iba’t ibang uri ng brush
➢ poster color o water color

Hakbang sa Paggawa:
1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar na pagpipintahan at ihanda ang
lahat ng kinakailangan sa pagpipinta.
2. Kulayan ang bahay na bato gamit ang mga complementary colors.
3. Subukang makagawa ng malikhaing kalalabasan ng kulay sa pamamagitan
ng pagpapatong ng kulay o layering at belnding.
4. Gawing makatotohanan ang kulay at anyo ng mga bato sa paglalagay ng mga
malatuldok na disenyo gamit ang mga poster color o water color.
5. Patuyuin ang larawang ipininta.

Rubrik Para sa Landscape Painting


Nakasunod sa Nakasunod Hindi
pamantayan sa nakasunod
Mga Sukatan nang higit sa pamantayan sa
inaasahan subalit may pamantaya
ilang n
pagkukulang

5 3 2

1. Napinturahan nang
maganda at makatotohanan
ang bahay na bato..
2. Nakikita ang pagsusumikap
ng mag-aaral na makalikha
ng natatanging likhang-
sining.
3. Nakasunod nang tama sa
mga hakbang sa paggawa
ng likhang-sining.
4. Nakikita ang malikhaing
paggamit ng sari-saring
kulay at kumbinasyon ng
kulay.

 PHYSICAL EDUCATION

Aralin
Tumbang Preso
3



 SAPULIN

Sa mga nakaraang aralin ay naranasan mong maglaro ng Patintero at Agawan
Panyo at Agawan Base. Anu-anong sangkap ng physical fitness ang nililinang sa
mga larong ito?

Anong laro ipinapakita sa larawan?


Alam mo ba kung ano-ano ang mga alituntunin sa larong ito?

Ang physical fitness ng isang tao ay maaring mawala kung hindi mapananatili
ang pagiging aktibo sa mga gawaing lilinang ng ating kakayahan.Upang masanay
ang iyong katawan sa mga gawaing makapagpapaunlad ng physical activity o
gawaing pisikal.

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Natatalakay ang larong Tumbang Preso at natutukoy ang kahalagahan ng
laro sa pagpapaunlad ng mga sangkap ng physical fitness
Naisasagawa nang maingat ang mga gawaing pisikal sa paglalaro ng habulan
Naipakikita ang kasiyahan na puno ng enerhiya at tiyaga, paggalang sa
kapwa at patas na pakikipaglaro

 SIMULAN

Anong laro ng lahi ang nasa larawan? Sino ang makapagbibigay ng alituntunin sa
larong ito?

Sources:

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi2.wp.com%2Fwww.nilaeslit.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2019%2F07%2F92b-tumbang-preso-cartoon-
1.jpg%3Ffit%3D594%252C409%26ssl%3D1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.nilaeslit.com%2Ftraditional-filipino-games-
series-05-tumbang-
preso%2F&tbnid=6RJuQ0babBasnM&vet=12ahUKEwie5I3hiLbqAhUEUpQKHRSNCYgQMygAegUIARDIAQ..i&docid=TP10W
DyiiGCNZM&w=594&h=409&q=tumbang%20preso&ved=2ahUKEwie5I3hiLbqAhUEUpQKHRSNCYgQMygAegUIARDIAQ

Panuto: Kilalanin ang mga gamit sa paglalaro ng Tumbang Preso. Piliin ang mga
salita sa kahon at isulat sa sagutang papel.

tsinelas panyo lata


lubid sapatos kompyuter
chalk o kahit anong pangmarka




 LAKBAYIN

Tumbang Preso ay isang laro na kinawiwilihan ng mga batang Pilipino.


Mararanasan ng bata sa tumbang preso ang mag-aliw, magrelaks at magpasaya
gamit ang kanilang katawan at simpleng bagay tulad ng tsinelas at lata.
Ang tumbang preso ay isa sa mga larong Pinoy. Ito ay nilalaro sa
pamamagitan ng pagtama sa isang lata at kailangan itong patumbahin ng mga
naglalaro at may isa namang nagbabantay dito at itatayo kapag natumba. Kapag
ito’y napatumba mag-uunahan ang mga manalalaro upang kunin ang kanilang
tsinelas at kung sino ang mahuhuli ng nagbabantay sa lata siya naman ang susunod
na taya.
Maliksi, mabilis na pag-iisip ng stratehiya, at pakikisama ang ilan sa aral na
mapupulot nila sa mga ganitong uri ng laro. Matutunan din nilang sumunod sa
alituntunin ng laro at ang kapalit kapag hindi ito sinunod na umiiral sa totoong buhay.

Mga pag-iingat na dapat gawin upang maiwasan ang anomang kapahamakan.

1. Kailangang malawak at malinis ang palaruan para maiwasan ang masugatan.


2. Iwasan na itulak ang kasama para mahuli.
3. Maging maingat para hindi tamaan ng tsinelas at lata kung ikaw ang taya.

Mekaniks ng larong Tumbang Preso:
1. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata.
2. Ang mga bata ang namimili ng taya sa pamamagitan ng maiba-taya
3. Kailangang patumbahin ang lata at kunin ang inihagis sa tsinelas bago pa man
mapatayo ng taya ang lata.
4. Binibilugan ang palibot ng lata at inilagay ito sa gitna
5. Guguhit ng manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto.













 GALUGARIN


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Habang naglalaro kayo ay nakita mo ang iyong kaklase na matutumba at malapit
ka sa kanya. Alin sa mga sumusunod ang iyong gagawin?
A. magkunwaring hindi nakita B. agapang huwag tuluyang matumba
C. titingnan lamang D. magsisigaw upang mapansin
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain
katulad ng laro?
A. nakikipaglaro ng patas sa kalaban B. hinahayaang masaktan ang kalaro
C. walang pakialam sa kalaban D. magsolo
3. Alin sa mga sumusunod ang wastong tuntuning pangkaligtasan sa paglalaro?
A. Alamin ang tuntunin ng laro
B. Huwag i-report kapag may nasaktang manlalaro
C. Saktan ang kalaban habang naglalaro
D. Pagsasagawa ng walang pagsasanay
4. Saan ang tamang pwesto ng taya sa larong tumbang preso?
A. Haharang sa mga tagahagis B. tatayo malapit sa lata
C. tatayo sa manuhang guhit D. tatayo sa harap ng lata
5. Sa larong tumbang preso, anong bagay ang nasa loob ng bilog na tinatawag na
preso?
A. tsinelas B. manlalaro C. taya D. lata


PALALIMIN
 

A. Panuto: I-video ang sarili habang naglalaro ng tumbang preso kasama ang
pamilya. I-send ito sa messenger ng iyong guro.

B. Panuto: Lagyan ng kung nagawa mo ang mga kalinangang ito.

Mga Gawain Mahusay Katamtaman Kailangan pang


linangin
1. Bilis at liksi sa pagtakbo
2. Tamang pabato sa lata
3. Paghuli sa kalaban
4. Pagsipa sa lata para
sagipin ang kakampi
5. Pagiging isport sa
paglalaro

C. Ano-ano ang mga mabuting maidudulot sa paglalaro ng tumbang preso?


Isulat lito sa iyong sagutang papel.


SUKATIN

A. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang ipinapahayag ng


pangungusap ay wasto at MALI naman kung di-wasto.
1. Ang mga aral na mapupulot sa larong tumbang preso ay pakikisama, maliksi,
mabilis nap ag-iisip ng stratehiya at pakikipaglamangan.
2. Maging maingat para hindi tamaan ng tsinelas at lata kung ikaw ang taya.
3. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang dalawampung bata.
4. Mararanasan ng bata sa tumbang preso ang mag-aliw, ma-stress at magpasaya
gamit ang kanilang katawan at simpleng bagay tulad ng tsinelas at lata.
5. Sa larong tumbang preso itulak ang kasama upang siya ang maging taya.

B. Panuto: Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan tungkol sa
paglalaro ng Tumbang Preso. Isulat mo din kung ano ang sa palagay mo ang
dapat mo pang pagbutihin upang sa susunod na paglalaro ay mas maging
mahusay ka pa.







 Health

ARALIN Pagtanggap sa mga Pagbabagong Nagaganap sa


4 Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga



 SAPULIN

Habang lumalaki at nagkakaedad ang isang bata/tao, nakakaranas siya ng
iba’t-ibang pagbabago sa kanyang katawang pisikal, kaisipan at damdamin.
Maraming mga teen-agers ang naguguluhan kung bakit nila nararanasan ang mga
pagbabagong ito na nagbibigay ng suliranin sa mga kabataan.
Ang modyul na ito ay magtuturo sa inyo sa kahalagahan ng pagtanggap ng mga
pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Mga Layunin sa Pag-aaral:


a.) Nailalarawan ang mga karaniwang pangkalusugang isyu/usapin sa
panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
b.) Natatanggap na ang mga isyu/usapin ito ay normal na nangyayari sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata


SIMULAN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Anong natural na kemikal sa katawan ang nagpapalaki sa katawan at
nagbubunsod din ng mga pagbabago?
A. hormones B. estrogen C. gonad D. testosterone
2. Ang mga sumusunod ay mga pagbabagong nararanasan ng mga nagdadalaga
MALIBAN sa isa.
A. paglaki ng suso B. pagkakaroon ng regla
C. pagkakaroon ng taghiyawat D. pagkakaroon ng buhok sa mukha
3. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga isyu/ usapin sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata MALIBAN sa isa.
A. di kanais-nais na amoy
B. mga isyung pang-nutrisyon
C. hindi nagbabago ang pisikal na kalusugan
D. pagbabago-bago ng kasalukuyang emosyon

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pagbabagong pisikal ng mga lalaki?


A. pagkakaroon ng adam’s apple
B. pagkakaroon ng buhok sa iba’t ibang parte ng katawan
C. pagbabago ng boses minsan ay tumataas at pumipiyok
D. paglaki ng kalamnan ng braso at binti
5. Ang mga sumusunod ay mga pagbabago sa pag-uugali ng nagbibinata at
nagdadalaga MALIBAN sa isa.
A. Pagiging palakaibigan
B. Pagiging mapili sa mga kagamitang nais gamitin at pag-iingat sa mga ito.
C. Pagiging maayos sa sarili
D. Pagkawalan ng tiwala sa sarili.



LAKBAYIN


Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata ay hindi dapat ikahiya dahil ito ay normal lamang. Sa pagitan ng edad
10 at 15, nagsisimulang lumaki at magbago ang katawan ng batang babae at lalaki
tungo sa katawan ng dalaga at binata o nakatatanda. Maari itong maging panahon
ng tuwa at hirap. Nakakalito sa nagdadalaga at nagbibinata kung bata pa siya o
nasa tamang edad na—nasa bandang gitnaang katawan niya at may ginagawang
mga bagay na hindi siya sanay. Dagdag na pabigat kung hindi ito pinag-uusapan, at
baka hindi alam ng babae at lalaki kung ano ang mangyayari.

Nagbabago ang katawan ng lahat ng batang babae at lalaki, pero may


pagkakaiba sa bawat isa. Kaya huwag mag-alala kung hindi eksaktong kahawig ng
katawan mo ang sa kapatid o kaibigan.

Paglaki. Malamang ang unang pagbabago ay ang mabilis na paglaki. Baka may
panahong mas matangkad ka sa lahat ng lalaki at babae na kaedad mo. Madalas
hihinto ang paglaki mga 1–3 taon tapos ng unang regla.

Pagbabago sa Katawan. Bukod sa mabilis na paglaki, magbabago rin ang katawan


mo. May mga natural na kemikal sa katawan na tinatawag na hormones na
nagpapalaki sa katawan at nagbubunsod din ng mga pagbabago.

Sa Loob ng Katawan. May iba pang mgapagbabago na hindi mo makikita, ito ay


ang nararamdaman mo. Sa pagdaan mo sa mga
pagbabagong ito, mas napapansin mo na nagkakaroon ka
na ng “crush” o paghanga at nagiging malapit sa mga
kaibigan o grupo. Baka may pagkakataong mahirap
kontrolin ang iyong damdamin. Sa mga araw bago ang
regla, mas karaniwan na may malalakas kang damdamin
na sarisari—tulad ng tuwa, galit at pag-aalala.

Source:http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Mga Epekto ng Pagbabago sa Sarili


Mapapansin natin na kapag ang mga kabataan ay umabot na sa ganitong
kalagayan, nagkakaroon ng isyu o usapin na labis na nakakaapekto sa kanyang
paglaki bilang indibidwal. Bilang mga kabataan na magdaraan sa ganitong
sitwasyon, dapat niyong tanggapin at unawain ang mga pagbabagong ito. Ang lahat
ng pagbabagong ito ay normal at pinagdaraanan ang ganitong pangyayari sa buhay.

Mga Epekto ng Pagbabagong Pisikal sa Sarili ay ang mga sumusunod:

1. Sa sariling katawan-picture only-omit words

Ang nagdadalaga ay nakararanas ng pagsakit ng ulo o


pagkahilo, at pagsakit ng puson at dibdib bago dumarating ang
buwanang daloy.

Ang nagbibinata naman ay lumalaki ang mga bisig,


kalamnan sa braso at binti na nagdudulot ng ibayong lakas
at resistensya kaya’t nahihilig sa isports, laro at palakasan.

2. Sa pag-uugali

Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging


nagsasalamin upang pansinin ang sarili o nagiging self-conscious. Nagiging
palaayos din siya sa katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon ng
iniidolo at ginagawang modelo.

Ang nagbibinata naman ay nagiging mapusok at nagpapapansin sa mga


hinahangaan. Nagiging mapaghanap din siya ng pagkilala at pagtanggap. Ang ibang
nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan
sila at hindi nila naiintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang kilos
at ugali nila ay nagiging palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na
pamamatnubay at pag-unawa ng mga magulang at nakatatanda upang maintindihan
nila ang kanilang sarili.

3. Sa pakikitungo sa kapwa

Ang nagdadalaga at nagbibinata ay mapag-isip tungkol sa iba’t ibang galaw o


kilos at pananaw sa buhay. Nakikisalamuha o nakikihalubilo sa kapwa
kabataan at nagsisikap na makilala ang sarili; kaya’t malaki ang
impluwensyang nagagawa ng mga kaibigan sa pagkatao. Nagiging
mapag-isip din tungkol sa iba’t ibang pananaw sa pamumuhay ang
kabataan. Maaaring sumalungat ang ilang kabataan tungkol sa
pamamalakad ng pamumuhay ng kanilang magulang na
nagiging sanhi ng alitan at di-pagkakaunawaan. Ito ay maaring
iwasan sa pamamagitan ng maayos at mahinahong pag-uusap ng
anak at magulang.
Source:http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html



 GALUGARIN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga epekto ng pagbabagong pisikal sa sarili.

1. Sa sariling katawan
- Sa mga nagdadalaga
a.
b.
- Sa mga nagbibinata
a.
2. Sa pag-uugali
- Sa mga nagdadalaga
a.
b.
- Sa mga nagbibinata
a.
b.
c.
3. Sa pakikitungo sa kapwa
a.
b.


PALALIMIN
 

Panuto: Humanap ng isang kapanayamin. Pwede magulang, ate, kuya, tiyo, tiya, o
kaibigan. Pag-usapan ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng
kanilang pagbibinata at pagdadalaga. Isulat ang kanilang mga kasagutan
sa iyong sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng iyong pagbibinata at
pagdadalaga?
2. Paano mo napamahalaan at natanggap ang mga pagbabagong ito?
3. Ano-ano sa tingin mo ang mga posibling mangyayari kung hindi mo kayang
magabayan ang iyong sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.


 SUKATIN

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng
katotohanan at MALI naman kung wala itong katotohanan.
1. Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadalaga at
nagbibinata ay hindi dapat ikahiya dahil ito ay normal lamang.

2. Sa pagitan ng edad 10 at 15, nagsisimulang lumaki at magbago angkatawan


ng batang babae at lalaki tungo sa katawan ng dalaga at binata o
nakatatanda.

3. Nagbabago ang katawan ng lahat ng batang babae at lalaki, pero may


pagkakaiba sa bawat isa.

4. Malamang ang unang pagbabago ay ang mabagal na paglaki.

5. Bukod sa mabagal na paglaki, magbabago rin ang katawan mo. May mga
natural na kemikal sa katawan na tinatawag na hormones na nagpapalaki sa
katawan at nagbubunsod din ng mga pagbabago.

6. Sa pagdaan mo sa mga pagbabagong ito, mas napapansin mo na


nagkakaroon ka na ng “crush”o paghanga at nagiging malapit sa mga
kaibigan o grupo.

7. Ang nagdadalaga ay nakararanas ng pagsakit ng ulo o pagkahilo, at pagsakit


ng puson at dibdib bago dumarating ang buwanang daloy.

8. Ang nagdadalaga ay lumalaki ang mga bisig, kalamnan sa braso at binti na


nagdudulot ng iabayong lakas at resistensya kaya’t nahihilig sa isports, laro at
palakasan.

9. Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging


nagsasalamin upang pansinin ang sarili o nagiging self-conscious.

10. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay mapag-isip tungkol sa iba’t ibang galaw o


kilos at pananaw sa buhay.
Simulan Galugarin
1. B
2. A
3. B
4. D
5. C
Palalimin
Sukatin
1. G Major
2. TAMA
3. WALO
4. Pilipinas
5. TAMA
Music
SUSI SA PAGWAWASTO
Simulan
1. tsinelas 2. lata 3. chalk o kahit anong pangmarka
Galugarin
1. B
2. A
3. A
4. B
5. D
Palalimin
B. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
C. Mabubuting naidudulot ng larong tumbang preso:
- Mararanasan ang mag-aliw, magrelaks at magpasaya
- Maliksi, mabilis na pag-iisip ng stratehiya, at pakikisama ang ilan sa aral na mapupulot sa larong
ito.
Sukatin
1. MALI 2. TAMA 3. MALI 4. MALI 5. MALI
Physical Education
Simulan
1. B
2. B
3. A
4. A
5. D
6. C
7. C
8. C
Sukatin
9. A
10. C
Galugarin
Palalimin
Arts
Musika at Sining, Kagamitan ng Mag-aaral
Sing, Sketch, Stretch, and Stay Healthy, ABIVA Publishing House
The 21st Century MAPEH in Action, Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Heath, REX Bookstore
primarily-of-lime-stone-wood-and-th/665673726866735/?_rdc=1&_rdr
https://web.facebook.com/ThePhilippineArchitecture/posts/ivatan-house-batanesthe-ivatan-house-is-made-
Copiaco, Hazel P., and Emilio S. Jacinto Jr. 2016. Halina Umawit at Gumuhit 5. Vibal Group, Inc.
Sanggunian:
Simulan
1. A
2. D
3. C
4. C
5. D
Galugarin
1. Sa sariling katawan
- Sa mga nagdadalaga
a. pagsakit ng ulo o pagkahilo
b. pagsakit ng puson at dibdib bago dumarating ang buwanang daloy
- Sa mga nagbibinata
a. lumalaki ang mga bisig, kalamnan sa braso at binti
2. Sa pag-uugali
- Sa mga nagdadalaga
a. nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging nagsasalamin
b. Nagiging palaayos din siya sa katawan at pananamit
- Sa mga nagbibinata
a. nagpapapansin sa mga hinahangaan
b. Nagiging mapaghanap din siya ng pagkilala at pagtanggap
c. nagiging palaban at mapusok
3. Sa pakikitungo sa kapwa
a. Ang nagdadalaga at nagbibinata ay mapag-isip tungkol sa iba’t ibang galaw o kilos at pananaw sa
buhay
b. Nakikisalamuha o nakikihalubilo sa kapwa kabataan at nagsisikap na makilala ang sarili
Palalimin
Maaaring magkakaiba ang sagot ng bata
Sukatin
1. Tama 6. Tama
2. Tama 7. Tama
3. Tama 8. Mali
4. Mali 9. Tama
5. Mali 10. tama
Health
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SDO La Union
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy