0% found this document useful (0 votes)
252 views15 pages

Fil 2 - Reviewer Part 1

The Notre Dame of Marbel University (NDMU) in Koronadal City, South Cotabato promotes cultural education. It is the first Marist university in the Philippines, established by the Marist Brothers. NDMU aims to develop excellence, culture, and heritage through quality Christian education. President Bro. Wilfredo E. Lubrico led NDMU for around two decades, promoting cultural sensitivity and inclusion of different ethnic groups in the university. NDMU has over 2,500 students from diverse religious backgrounds, including Catholics, Muslims, Lumads, and others. It supports Lumad students through scholarships and advocates for their education.

Uploaded by

Skye Diaz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
252 views15 pages

Fil 2 - Reviewer Part 1

The Notre Dame of Marbel University (NDMU) in Koronadal City, South Cotabato promotes cultural education. It is the first Marist university in the Philippines, established by the Marist Brothers. NDMU aims to develop excellence, culture, and heritage through quality Christian education. President Bro. Wilfredo E. Lubrico led NDMU for around two decades, promoting cultural sensitivity and inclusion of different ethnic groups in the university. NDMU has over 2,500 students from diverse religious backgrounds, including Catholics, Muslims, Lumads, and others. It supports Lumad students through scholarships and advocates for their education.

Uploaded by

Skye Diaz
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 15

ARALIN 1: NDMU BILANG TAGAPAGSULONG NG EDUKASYONG PANGKULTURA

Ang Pamantasang Notre Dame ng Marbel (NDMU) na pinamamahalaan ng Marist


Brothers o Fratres Maristae a Scholis ay kauna-unahang Marist University sa Pilipinas. Ito ay
matatagpuan sa Lungsod Koronadal, Lalawigan ng South Cotabato. Naging isa sa tatlong
center college ng Notre Dame Educational Association kasama ang Notre Dame College ng
Cotabato at Jolo upang tulungan ang asosasyon at iba pang kasaping institusyon sa kanilang
sariling pag-unlad matapos gawaran ng Ford Foundation noong 1966. Ang bisyonmisyon nito
ay nakapaloob sa tatlong salita: Kaugalian, Kahusayan, at Kalinangan. Isa sa may
pinakamahalagang gampanin sa pagtamo ng bisyon-misyon ng NDMU ay si Bro. Wilfredo E.
Lubrico, FMS bilang pangulo sa humigit-kumulang dalawang dekada ng pamumuno.
Ang Pamantasang Notre Dame ng Marbel (NDMU) ay isang pribado at Katolikong
institusyong matatagpuan sa Lungsod ng Koronadal, Lalawigan ng South Cotabato. Ito ay
pinamamahalaan ng Marist Brothers o Fratres Maristae a Scholis at ang pinakaunang
paaraalan na binuksan sa Lalawigan. Ito ay may programang College of Law, doktorado,
masterado, andergrad at integrated basic education department (kinder-senior high school).
Ayon sa website nito, kinilala ang Pamantasan ng National Commission for Culture and
the Arts (NCCA) bilang mataas na Pamantasang katuwang sa paghahatid ng Graduate Diploma
in Cultural Education (GDCE) Programa tungo sa Master of Arts in Education Major in Cultural
Education.
Sa kabilang banda, ilan sa mga natanggap na pagkilala ng NDMU ay ang sumusunod:
Aurora Aragon Quezon Peace National Award na iginawad noong 1999 bilang pagkilala sa mga
inobatibong programa na nagsusulong ng kultura ng kapayapaan; 2004 National Awardee for
Volunteerism na iginawad ng National Volunteer Program, NEDA, at House of Representatives
noong Enero 2005 bilang pagkilala sa natatanging ambag nito sa pagpapaunlad ng kondisyon
ng mga Lumad sa rehiyon; 2005 Rafael M. Salas Population and Development Award na
iginawad noong Disyembre 2005 ng Rafael M. Salas Foundation at ng Commission of
Population and Development dahil sa mga inisyatiba nito sa pagpapalakas ng boses
kababaihan at ng iba’t ibang pamilya sa mga katutubong komunidad sa South Cotabato; CHED
National Award for Best Student Extension Services Program for SY 2005-2006 na iginawad
noong Mayo 2006.
Ang NDMU ay kasaping institusyon sa Notre Dame Educational Association (NDEA)
kasama ng mga pribadong paaralan mula sa iba’t ibang kongregasyon.
Makikita sa talahanayan sa ibaba ang bilang ng mga miyembrong paaralang Notre
Dame sa bawat antas sa iba’t ibang erya sa Mindanao.
Talahanayan 1. Tala ng Bilang ng mga Miyembrong Paaralang Notre Dame sa bawat antas sa
iba’t ibang erya sa Mindanao

Kasapi ng asosasyon ang sumusunod: Marist Brothers (FMS), Oblates of Mary


Immaculate (OMI), Augustinian Recollect Sisters (AR), Dominican Sisters of St. Catherine of
Siena (OP), Religious of the Virgin Mary (RVM), Sisters of St. Paul de Chartres (SPC), Sisters
of the Presentation of Mary (PM), Archdiocese of Cotabato, Diocese of Kidapawan, Diocese of
Marbel, Vicariate of Jolo, Disciples of Saint Therese of the Child Jesus (DST), Passionist Sisters
of Saint Paul of the Cross (CP), Oblates of Notre Dame (OND), at Congregation of the Passion
of Christ (CP).
Kasalukuyang may 152 na kabuuang miyembrong paaralan ang Notre Dame
Educational Association (NDEA). Ang 26 dito ay mula sa Archdiocese of Cotabato, 9 sa
Diocese of Kidapawan, 21 sa Diocese of Marbel, at 8 sa Vicariate of Jolo. Makikita sa
talahanayan na pinakamarami rito ang antas sekondarya na may 67, kasunod ang elementarya
na may 32, pangatlo ang kindergarten na may 28, pang-apat ang kolehiyo na may 13, at
panlima ang paaralang gradwado na may kabuuang 12. Samantala, ang Lungsod ng Heneral
Santos ang may pinakamaraming kasaping paaralan na binubuo ng 24 at parehas na sinundan
ng Lungsod ng Cotabato at Lungsod ng Kidapawan na may 23. Ang NDEA ay may tatlong
affiliate school o mga paaralang labas na sa hangganang heyograpikal ng eryang ecclesiastical
ngunit naaprubahan ang aplikasyon nito para maging kasapi ng asosasyon. Ito ay
kinabibilangan ng Saint Lorenzo School of Polomolok Inc. (dating San Lorenzo Ruiz Academy
of Polomolok), Our Lady of Peace High School-Malabang at San Isidro High School-Balabagan.
Ang bisyon-misyon ng Pamantasang Notre Dame ng Marbel ay nakapaloob sa tatlong
salita: Kahusayan, Kalinangan at Kultura. Gampanin nitong hulmahin ang karakter sa
pamamagitan ng de-kalidad na Kristiyanong edukasyon sa kabataan, paigtingin ang kalinangan
sa pamamagitan ng pagtaguyod sa mga simulain ng de-kalidad na edukasyon at paglikha ng
bagong kaalaman tungo sa pag-unlad ng sangkatauhan at pag-asenso ng lipunan at paggalang
ng kultura sa pamamagitan ng pagkintal ng mga simulaing pagkakaisa ng mga kultura,
pagtuturo ng pagpapahalaga at pagpapanatili ng mga Pilipinong pamanang pangkultura, at
pagsulong ng tradisyong Marist kung saan ang mga mag-aaral ay progresibong ipinapamulat sa
habambuhay na hamon tungo sa pagkakaisa ng pananampalataya, kultura at buhay (Badie,
2020).
Bilang isa sa mga lunduyan ng multikulturalismo at bilang tugon sa isa sa mga halagahin
nito na culture sensitivity o pagpapahalaga sa kultura, ang NDMU ay patuloy na nagtataguyod
ng pagkakaisa at respeto sa pagkakaiba ng kultura, relihiyon at paniniwala ng bawat kasapi ng
Maristang komunidad. Ang kultura ay kailangang tanggapin bilang biyaya sa bawat isa,
ekspresyon ng kaniyang dignidad, kalayaan at pagkamalikhain, at patotoo ng kaniyang
natatanging bahagi/lunan sa kasaysayan ng sangkatauhan o ng kaniyang pagkatao (Notre
Dame of Marbel University). Dagdag pa, ang culture sensitivity ay nangangahulugang pagiging
bukas at magalang sa iba’t ibang kultura ng mga tao. Isinusulong nito ang diyalogo ng
pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Sa indibidwal na antas, ito ay pakikipagtalastasan ng
dalawang indibidwal na may iba-ibang pananaw, halagahin at tradisyon upang matuto sa isa’t
isa, lumago at magbago. Makikita naman sa ibaba ang talahanayan ng bilang ng mga mag-
aaral sa kolehiyo, at kanilang relihiyon at bilang ng mga empleyado (guro at staff) sa NDMU
(Badie, 2020).
Inilalahad sa talahanayan ang bilang ng mga mag-aaral sa antas kolehiyo, bilang ng
mga guro at non-teaching personnel, at ang kinabibilang relihiyon ng mga magaaral. Karamihan
sa mga mag-aaral ay Katoliko na may 1812 o 72% ng populasyon, 549 ang hindi Katoliko (INC,
Baptist atbp) o 22%, 160 o 6% ang Islam, at 56 o 2% ang mga Lumad. Sa 160 na kabilang sa
Islam, 125 dito ay Maguindanaon, 30 ang Maranao, 4 ang Iranon, at 1 Tausug. Samantala, ang
Lumad naman ay kinabibilangan ng 31 Tboli, 20 Blaan, 2 Tiruray, 2 Mandaya, at 1 Bagobo.
Ang ilang mag-aaral na Lumad ay iskolar ng Abante Lumad Scholarship ng unibersidad.
Ito ay adbokasiya ng NDMU sa panahon ni Pangulong Lubrico para matulungan ang mga mag-
aaral na Lumad. Sila ay 100% na libre sa matrikula sa napiling kurso basta kinakailangang
walang bagsak na marka at aktibong nakikilahok sa mga gawain na isinasagawa na
nangangailangan ng kanilang presensya at suporta. Sila ay nasa superbisyon ng Tanggapan ng
Guidance and Scholarship Center Services.
Makikita sa datos na ang NDMU ay kinapalolooban ng iba’t ibang kultura at relihiyon
mula sa mga mag-aaral at empleyado nito na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng
SOCCSKSARGEN.
Batid sa tagal at sa patuloy na paglaki ng populasyon ng NDMU ay ang suporta at
adbokasiya ng administrasyon nito partikular na ang pangulo nito na si Bro. Wilfredo E. Lubrico,
FMS.
<< PANGULONG LUBRICO: SAGISAG KULTURA NG LIPUNANG MARISTA AT
SOCCSKSARGEN >>
Ayon kay Dr. Joseph Lathan ng University of San Diego sa kaniyang 10 Traits of Successful
School Leaders,
“Educational leaders play a pivotal role in affecting the climate, attitude and reputation of
their schools. They are the cornerstone on which learning communities function and
grow. With successful school leadership, schools become effective incubators of
learning, places where students are not only Pangulong Bro. Lubrico May konseptong
pangkapwa May pagpapahalaga sa kalikasan May pagpapahalaga at paggalang sa
mga sagisag kultura sa mga sagisag kultura Nakikisangkot sa mga aktibidad ng
pamantasan Isinusulong ang culture sensitivity educated but challenged, nurtured and
encouraged. On the other hand, poor or absent school leadership can undermine the
goals of an educational system. When schools lack a strong foundation and direction,
learning is compromised, and students suffer. According to a Wallace Foundation study,
“Leadership is second only to classroom instruction as an influence on student learning.”
Hindi maikakailang isang progresibong lider si Pangulong Lubrico. Sa humigitdalawang
dekadang pamumuno ay marami itong tagumpay na nakamit para sa sarili at para sa
pamantasan. Kadikit ng pangalan niya ang mga salitang: bisyon-misyon, multikultural na
edukasyon, sagisag kultura, adbokasiya, konseptong pangkapwa (pangungumusta,
pakikisangkot, pakikisalamuha), paninindigan, pagsuporta, paghihikayat, pagkilala,
pagpapahalaga, pagsulong, ingklusibo, at pagiging bukas.
The Marist Brothers of the Schools (Fratres Maristae a Scholis – FMS), originally known
as Little Brothers of Mary, is a religious congregation of consecrated men who commit to
follow Jesus in the way of Mary. They live in community and dedicate themselves in a
special way to the education of children and young people, with a preference for those
who are most neglected (University Manual 2013).
Si Pangulong Lubrico ay maituturing na sagisag kultura sapagkat may pagkikilala,
pagpapahalaga at paggalang sa makabayan at makamasang edukasyon, isinusulong ang
bisyon-misyon ng Pamantasan, may sariling adbokasiya, at positibong halagahin na mahalaga
sa paglambo ng kaisipan, pag-uswag ng kultura at pagpadayon ng lipunan. Ang tulad niyang
Marist Brother at lider ng institusyon ay tunay na inspirasyon at motibasyon sa lahat ng kasapi
ng akademikong komunidad, ng NDEA, at ng lipunang SOCCSKSARGEN.
Kongklusyon
Isang progresibong lider ng Pamantasang Notre Dame si Pangulong Brother Wilfredo
E. Lubrico, FMS na maituturing na sagisag kultura ng lipunang Marista at ng
SOCCSKSARGEN. Malaki ang ambag niya sa paglambo ng kaisipan, pag-uswag ng kultura at
pagpadayon ng lipunan.
MULUSIYANO: HINABING IDENTIDAD NG BAWAT MARISTA SA PAMANTASANG NOTRE
DAME
Jun Yang Badie, MAEd, LPT

Kawaksing Propesor

Notre Dame of Marbel University

Identity is the distinctive characteristic that defines an individual or is shared by those


belonging to a particular group. People may have multiple identities depending on the groups to
which they belong…In school, a person may be a member of the student council, a club, or an
ogranization…Identity can also be influenced by other factors such as sexual orientation and
gender (male, female, transgenders, transexuals, intersex, gender queers) and nationality
(Filipino, Japanese, French, etc) (Atienza et. al 5).
Sa aklat na Identity, Culture, and Society nina Atienza et. al, binigyang-kahulugan ang
identidad bilang natatanging katangian ng isang indibidwal o ng kaniyang kinabibilangang
pangkat at ito ay naiimpluwensiyahan ng napakaraming salik gaya ng kasarian, etnisidad, at
lahi.
Samantala, ayon kina Amtalao at Lartec (86), ang proseso ng pag-aaral ng identidad ay
nangangahulugang pagdalumat sa malalim na relasyon ng kaniyang o kani-kanilang wika at
kultura. Magkabuhol ang wika at kultura. Parehas na mahalaga ang mga ito sa identidad ng
isang indibidwal o pangkat. Samantala papel ni Tabernero, dinalumat niya kung paano nililikha
ang statesponsored identity ng mga Pilipino-Canadyano sa Winnipeg, Manitoba, Canada ayon
sa dalumat ng ibayong pananaw, karanasan, at kamalayan sa disiplina ng Araling Filipino.
Dagdag niya, ang pagdalumat sa mga namamayaning ibayong pananaw ng mga Pilipino sa
loob at labas ng Pilipinas ay maaaring ituring na mga ideolohiyag umiiral na mga karanasan at
bahagi ng pagkakabuo ng identidad habang integrasyong umaangkop sa mga polisyang
nililikha ng Canada na may makasaysayang alyansa o kooptasyon sa Pilipinas.
Mulusiyano: Isang Pagdalumat
Tinalakay ni Dr. Dennis Erasga sa kaniyang “Pakiramdaman”: Isang TatakFilipinong
Lapit sa Pagdadalumat sa Sosyolohiya ang salitang dalumat.
Ang dalumat ay nakatuon sa pakinabang na dulot ng sama-sama at lalim ng
pagkakaunawa ng konseptong tinatalastas; naglalaman ng karanasan at relasyon ng mga
karanasan; malalim at kongkreto; may layuning magbuo ng ugnayan ng mga karanasang
tinatalakay at inuungkat; at isinasangkot ng nagdadalumat ang kaniyang karanasan sa pag-
unawa at pagbuo ng karunu-ngan.
Sa kasalukuyan, ito ay tumutukoy sa isang malalim na pag-iisip (deep thought) at
muling pagbubuo ng isang alaala (to reconstruct one’s own memory). Ibig sabihin, ang
pagdadalumat ay ang pagdudugtong-dugtong ng mga marubdob na karanasan gamit ang
alaala upang humabi ng hinahanap na kahulugan ng buhay.
Ang Mulusiyano ay unang ginamit ng mananaliksik sa 2015 Panrehiyong Seminar-
Worksyap sa Filipino na isinagawa sa NDMU kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Katunayan, ginamit ito sa binuong organisasyon, ang Mulusiyanong Tagapagtaguyod ng Wika
at Kulturang Filipino sa SOCCSKSARGEN. Naging kalahok ang mga guro at mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa Filipino mula sa iba’t ibang pang-estado at pribadong unibersidad at
kolehiyo sa Rehiyon 12. Ang salita ay nagpapakita ng kalakasan at kaisahan ng mga guro at
mag-aaral na sa kabila ng pagkakaiba sa estado ng paaralan, nagkakaisa sila bilang
tagapagtanggol at tagapagtaguyod ng wika at kulturang Filipino. Ang Mulusiyano ay
pagkakakilanlan ng mga nagpapahalaga at nagsusulong ng Filipino sa rehiyon.

Ginamit din ang Mulusiyano sa papel ng mananaliksik na binasa sa pambansang


kumperensiya ng Philippine National Philosophical Research Society o Philosophia Conference
sa Lungsod Baguio noong 2018. Naging pamagat ng pananaliksik ang Pagbabansag-
Mulusiyano: Multikultural na Kamalayan sa imahen ng Muslim, Lumad, at Kristiyano. May
stereotype o paglalahat o pagbabansag man, kapuwa pang-etniko at pansariling stereotype o
pagbabansag, iisa pa rin sila bilang kasapi ng isang komunidad. Nagkakaisa sila sa pagtamo ng
mga tunguhin ng barangay. Ang mga Blaan, Cebuano, Ilocano, Ilonggo, Maguindanaon, at
Tagakaolo ay magkakapantaypantay sa Barangay Rubber, Polomolok, South Cotabato. Ang
Mulusiyano ay naguugnay sa lahat na walang superyor at imperyor. Lahat sila ay sentro ng
lipunan. Lahat sila ay mahalaga tungo sa pagpadayon ng lipunan.
Ang ikatlong pagkakataong ginamit ang salitang Mulusiyano ay sa bi-nuong bagong
kurso sa Filipino sa NDMU. May dalawang bagong kurso sa Filipino ang Unibersidad: ang
Introduksiyon sa Filipinolohiya (Wika, Kultura, at Lipunan) at PananalikSOX: Pananaliksik sa
Kulturang Mulusiyano (Muslim, Lumad, at Kristiyano) ng/sa SOCCSKSARGEN.
DANAS SA PAGHAHANDA AT PRESENTASYON NG MGA MUNGKAHING KURSO
SA FILIPINO SA NDMU
Isang posisyong papel (makikita sa dahong-dagdag) ang inihanda ng mga guro sa
Filipino upang manindigan sa pagkakaroon pa rin ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ito
ay matapos inabisuhan ang mga guro sa Filipino ng mismong koordineytor ng programa ng
Departamento ng mga Wika na si Dr. Ma. Magdalena F. Cobrador. Ang posisyong papel ay
kaniya ring binasa sa pulong ng Academic Council. Ang posisyong papel ay naglalaman ng 21
punto (pananaw ng Departamento at ng Tanggol Wika). Naglalaman din ito ng tatlong
mungkahing asignatura sa Filipino. Ito ang: Introduksiyon sa Filipinolohiya, Pilosopiya ng
Kultura, at Kontemporanyong Panitikan ng Pilipinas.
Naging positibo ang tugon ng iba pang tagapangulo matapos ang presentasyon ni
Doktor Cobrador noong semestre Taong Panuruan 2019-2020. Ikalawang semestre ng Taong
Panuruan 2019-2020 nang mag-leave si Doktor Cobrador para sa kaniyang pinal na
disertasyon kung kaya umupo bilang Acting Program Coordinator si Gng. Aneyl Lozaga-
Romero. Nagkaroon muli ng pulong para dito. Kung kaya, muling nagtipon-tipon ang mga guro
sa Filipino.
Nagkaroon ng pagbabago sa tatlong asignatura. Ang bagong mungkahing asignatura
ay: Fil 1 o Introduksiyon sa Filipinolohiya (Wika, Kultura, at Lipunan), Fil 2 o Panitikan ng
Mindanao, at Fil 3 o PananalikSOX: Pananaliksik sa Kulturang Mulusiyano (Muslim, Lumad, at
Kristiyano) ng/sa SOCCSKSARGEN. Ang SOCCSKSARGEN ang bumubuo sa Rehiyon Dose.
Ito ay binubuo ng apat na lalawigan at isang lungsod. Ito ang Lalawigan ng South Cotabato,
Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at Lungsod General Santos.
Muli, tulad ng presentasyon ni Doktor Cobrador, naging positibo rin ang tugon ng iba
pang tagapangulo, komite sa disenyong pangkurikulum, at konseho ng mga dekano/a sa
presentasyon ni Ginang Romero noong ikalawang semestre ng Taong Panuruan 2019-2020.
Mayo 2020 nang muling nagpulong ang mga tagapangulo sa Alumni Center ng
Unibersidad. Ang pulong ay pinangunahan ng Pangalawang Pangulong Akademiko na si Dr.
Joan P. Palma. Kasama sa katitikan ng pulong ang pagpili ng apat mula sa dating anim na
asignatura ng Religious Education, pagpili ng dalawa mula sa mungkahing tatlong bagong
asignatura sa Filipino, at iba pang plano para sa pagbubukas ng bagong taong panuruan.
Nagpresenta sina Gng. Gina Lynn Galas, program coordinator ng Religious Education
Department at Gng. Aneyl L. Romero, guro sa Filipino at dating acting program coordinator ng
Language Department.
Pagkatapos ng kanilang presentasyon, nagkaroon ng tanong-sagot at paglilinaw sa
mga naipresentang kurso. Sa kaso ng Filipino, bago pa man tuluyang nakapagpili ang mga
dekano/a at program coordinator, mapagkumbabang nagpahayag si Ginang Romero na pipiliin
ng mga guro sa Filipino ang Introduksiyon sa Filipinolohiya (Wika, Kultura, at Lipunan) at
PananalikSOX: Pananaliksik sa Kulturang Mulusiyano (Muslim, Lumad, at Kristiyano) ng/sa
SOCCSKSARGEN. Samantalang ang Panitikan ng Mindanao ay magiging isa sa mga paksa ng
dating Fil 3. Sinang-ayunan naman ito ng Pangalawang Pangulong Akademiko, mga dekano/ a
at tagapangulo ng mga programa.
Ang pang-apat na pagkakataong ginamit ang salitang Mulusiyano ay sa kauna-unahang
Virtual Local Studies Conference ng Center for Batangas Studies ng De La Salle Lipa noong
Oktubre 23-24, 2020. Diniskurso ng mananaliksik na ang Mulusiyano ay presensiya at suporta
sa mga mag-aaral na Muslim, Lumad, at Kristiyano. Ang Mulusiyano ay bagong identidad ng
sinomang kasapi ng Pamantasang Notre Dame. Ito ay pagkakakilanlan ng bawat Marista o
Damean o ng bawat kasapi ng akademikong komunidad.
Ang Mulusiyano ay nabuo dahil sa tatlong etnolingguwistikong pangkat na naninirahan
sa Rehiyon 12 o SOCCSKSARGEN. Ang rehiyon ay binubuo ng mga Muslim, Lumad, at
Kristiyano. Ang Mulusiyano ay matatagpuan din sa NDMU. Ang NDMU ay may 2521 na mag-
aaral noong taong panuruan 2019-2020. Sa kabuoang populasyon, 1812 dito ay Katoliko, 549
ang diKatoliko, 160 ay Islam, at 56 ay Lumad. May 125 na Maguindanaon, 30 Maranao, 4
Iranon, at 1 Tausug. Samantala, ang Lumad naman ay binubuo ng 31 Tboli, 20 Blaan, 2
Tiruray, 2 Mandaya, at 1 Bagobo. May mga administrador at gurong Muslim, Lumad, at
Kristiyano rin sa NDMU.
Ang Mulusiyano ang nagtatahi sa kultura at kultural na pagkakaiba-iba ng mga mag-
aaral na Muslim, Lumad, at Kristiyano. Sumasalamin ito ng katatagan dahil sa nagkakaisang
kaisipan at hangarin, umaalab na damdamin na mapag-isa ang mga Muslim, Lumad, at
Kristiyano. Ang Mulusiyano ay isang identidad. Ito ay kaakuhan at kalinangan ng mga mag-
aaral, guro, administrador at ng bawat kasapi ng akademikong komunidad ng NDMU.
Bilang Marista o Damean, ang bawat kasapi ng akademikong komunidad ay bumubuo
ng panibagong pagkakakilanlan. Nagiging isa ang mga kasapi ng institusyon. Bilang Marista o
Damean, niyayakap nila ang turo ng pamantasan batay sa pagpapahalagang tatak-Marista at
turo ni San Marcellin Champagnat bilang tagapagtatag ng edukasyong Marista. Ang Mulusiyano
ay sagisag ng pagkakaisa at pagkakapantay-pantay. Tinatanggap ang bawat kultura at kultural
na pagkakaiba-iba. Bahagi ang bawat kulturang Muslim, Lumad, at Kristiyano o ng kulturang
Mulusiyano sa pag-uswag ng kaisipan, paglambo ng kultura, at pagpadayon ng lipunang
Marista o Damean.
Sinabi pa nga ng Pangalawang Pangulong Tagapagpaganap na dating direktor ng
tanggapan ng kapakanan at kaunlarang pangmag-aaral at gui- dance counselor,
…the moment that the student will have to enter the University, we have a one unique
voice and we call that one student development sessions. The first part there is a discussion of
the Vision and Mission of the institution. In the discussion on the importance of living together of
the tripeople had been emphasized already, so that’s always part of the discussion so, the
moment that they are going to be at Notre Dame of Marbel University, they are expected that
they have to be as they are and each one should respect that identity and the culture of other
people so, if you are Muslim, if you are going to practice being a Muslim in the University then
you can easily be understood, that is being accepted, if you are be a Blaan, then you are a
Blaan, you are accepted as a Blaan, if you are a a let say Tboli, you you will be accepted as it
is, if you are a Christian, even our faith you are accepted as well, even in our Religious
Education, we have RE for Catholics, we have RE for the Protestants and there are teachers we
have a we have religious education for the Muslims and this is Islam so that has been
emphasized at the beginning during orientation that has been emphasized that there should be
no discrimination of your culture, you are going to respect each other because we are all
created as sons and daughters of God, and that is the Marist (ah) outlook in terms of education
so it would be very easy for us to say that we are going to live in, we call that one the dialogue
of life, the dialogue of life refers to that I can be with other culture I can live with other culture, I
can discuss with other culture, I can be in one classroom as the other culture so, that’s it, the
most important is we are sons and daughters of God…
Sa aklat ni Mercado na Working with Indigenous Peoples, nabanggit ang halaga ng
diyalogo. Ito ay pagtatagpo ng mga kaisipan at damdamin. Na-ngangailangan ito ng parehong
paggalang. Sinipi niya mula sa Dialogue and Proclamation no. 42 ang mga anyo ng diyalogo
(inter-religious dialogue) ng Pontifical Council for InterReligious Dialogue (cf. DM, 28-35).
Ang mga anyo ay ang sumusunod: 1) dialogue of life kung saan nagsusumikap ang
mga indibidwal para sa bukas at magiliw na kalooban, nagbabahagi ng saya at lungkot, at ng
kanilang problema at pagkaabala/ligalig; 2) dialogue of action, kung saan ang mga Kristiyano at
kapuwa ay nagtutulungan para sa mahalagang pagunlad at pagpapalaya ng mga indibidwal; 3)
dialogue of theological exchange, kung saan ang mga dalubhasa ay naghahangad na palalimin
ang pag-unawa sa kanilang kani-kaniyang panrelihiyong pamana at nagpapahalaga sa mga
halagahing espirituwal; 4) dialogue of religious experience kung saan ang mga indibidwal na
nakaugat sa kani-kanilang panrelihiyong tradisyon ay nagbabahagi ng kanilang yamang
espirituwal, halimbawa nito ang panalangin at pagninilay-nilay, pananampalataya at paraan sa
pagyakap sa Diyos (100-101).
Sinipi rin ng kabanata 4 ng aklat na pinamagatang Mission as Interfaith Dialogue ang
sinabi ng missionary Protestant na si Bishop Kenneth Cragg ang kaugalian sa pakikitungo sa
mga relihiyon ng mga katutubo.
Our first task in approach another people another culture another religion is to
take off our shoes for the place we are approaching is holy. Else we may find ourselves
treading on another’s dream. More serious still, we may forget… that God was there
before our arrival (94).
Samantala, sa parehong kabanata rin tinalakay ang nagtatalong pananaw ng primal
religion at Westernized Christianity/Religion hinggil sa tao. Batay sa primal religion, hindi
maihihiwalay sa kalikasan at nilikha ang tao, magkakaugnay ang mga tao na salungat sa
banyagang paniniwala na nagsasarili at hiwa-hiwalay ang mga tao (96).
Sa kabilang banda, banggit sa aklat ni Eilers (160-161) na pinamagatang
Communicating Between Cultures, ang diyalogo sa di-Kristiyanong relihiyon na inisyatiba ng
Second Vatican Council ay natatanging halimbawa ng intercultural communication ng
Simbahan. Aniya, esensyal at integral na bahagi ng kultura ang mga relihiyon. Kung kaya ang
interreligious dialogue ay dapat napahahalagahang anyo ng intercultural communication. Sinipi
niya rin ang sinulat ni Pope John Paul II hinggil sa dahilan ng diyalogo sa kaniyang
“Redemptoris Missio” (56),
“Dialogue does not originate from tactical concerns or self-interest, but is an
activity with its own guiding principles, requirements and dignity. It is demanded by deep
respect for everything that has been brought about in human beings by the Spirit who
blows where he wills. Through dialogue, the church seeks to uncover the ‘seeds of the
Word’, a ‘ray of that truth which enlightens all men’; these are found in individuals and in
the religious traditions of mankind. Dialogue is based on hope and love, and will bear
fruit in Spirit. Other religions constitute a positive challenge for the Church: They
stimulate her both to discover and acknowledge the signs of Christ’s presence and of
the working of the Spirit as well as to examine more deeply her own identity and to bear
witness to the fulness of Revelation which she has received for the good of all.”
Kinikilala ng Pamantasang Notre Dame ang 2020 bilang Taon ng Ecumenism, Inter-
Religious Dialogue & Indigenous Peoples. Katunayan nakapaskil talaga sa unang
palapag ng Br. Renato Cruz ang napakalaking tarpaulin ng tema, layunin, panalangin, at
ang simbolo at paliwanag ng selebrasyon. Layunin nito ang pagsulong ng kultura ng
diyalogo, pagkakaisa at paggalang sa dibersidad, at pagkilala sa mga katutubo. Ang
tema ng selebrasyon ay Dialoge towards Harmony.
Sa NDMU, magkakaugnay-ugnay ang lahat ng kasapi ng akademikong komunidad.
Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga administrador, guro, mag-aaral, at iba pang kasapi ng
lipunang Marista na magkaroon ng danas at dalumat sa sariling paniniwalang espirituwal.
Sinusuportahan ito ng edukas-yong panrelihiyon para sa Muslim, Katoliko, at Protestante, at ng
iba’t ibang gawaing nagpapatatag ng pananampalataya gaya ng regular na misa para sa mga
Katoliko, samba ng mga Protestante at iba pang relihiyong hindi Islam at Katoliko, at
sambayang ng mga Muslim sa Musalla (silid-pansambahan).
Ibig sabihin, sa instruksiyon at sa mga kurikular na gawain ay naisusulong ang
pananampalatayang Muslim, Lumad, at Kristiyano.
Dagdag pa ng pangalawang pangulong tagapagpaganap,
…the institution also offers diverse program that is why for religious education,
Muslims they have their, they have their Islam, for the Catholics they have their their RE,
for the Protestant, they have their protestant RE so they are going to enrol to their
specific RE. In terms of the activities, we may have different ah different celebrations in
terms of faith but we also have a communal prayer together and we call that one the
Ecumenical Prayer but we already have included the Muslims and the the Lumads and
their prayer so, during activities the tri-people prayer are also recited most of the big
events but not all the time. In the classes, prayers are usually Catholics but some of the
professors would say at the beginning of the class the Catholic will have, the Christian
will have to pray but if there are Muslims around ah the Muslim should be the one to
pray ah after but only the male one Muslim who can pray so that’s it, there are several
activities I could no longer enume-rate all no but the thing is we are I believe we are
successful in terms of it’s not only enhancement but living out.
Dalumat sa mga Danas ng mga Kalahok ng Pag-aaral: Isang Tematikong Pagsusuri
Inilalahad sa talahanayan ang tematikong pagsusuri sa danas ng mga mag-aaral na
Mulusiyano bilang kasapi ng Pamantasang Notre Dame. Tinukoy ang mga makabuluhang
pahayag ng mga kinapanayam. Pagkatapos, binuo ang pagpapakahulugan ng mga pahayag.
Ang kaisipan/tema ay nabuo mula sa mga pagpapakahulugan. Bahagi rin ng pagdalumat ang
nabuong diyagram sa kabuoang laragway ng Mulusiyano. Inipresenta ito sa pamamagitan ng
diyagram at larawan o poster.
Ang Mulusiyano ay kapuwa kaakuhan at katangian. Bilang identidad, ito ay adbokasiya
na nagsusulong ng kapakanan, karapatan at kaunlaran ng mga kasapi ng pamantasan, ito ay
dibersidad at yumayakap sa kultura at kultural na pagkakaibaiba, ito rin ay kaugalian na dapat
isabuhay at ibahagi sa kapuwa lalo na sa kinabibilangang pamayanan na sa kaso ng NDMU ay
maaaring ipakilala sa Pamayanan ng Notre Dame o Notre Dame Educational Association,
oportunidad din ito upang lalong mapagtibay ang ugnayan at talastasan ng mga mag-aaral na
may sari-saring kultura maging sa kapuwa sa labas ng pamantasan, maaaring ito rin ay isang
organsisasyon na kumikilala, sumusuporta at nagdidiriwang sa presensiya ng bawat isa, ito ay
pagpapahalaga o halagahin na nagpapamalas ng pagkakaisa at paggalang ng bawat isa at
nararapat lamang na isapraktika, at ito rin ay kapuwa talino at talento na dapat ipinagbubunyi,
ipinagmamalaki, at nililinang.
Ang Mulusiyano ay bukas para sa lahat na may natatanging kaakuhan at kalinangan, ito
ay gumagalang sa bawat isa, ingklusibo at walang pinipili, nagkakaisa ang bawat isa sa
pagtamo ng magagandang tunguhin at layunin, nagpapahalaga sa kultura at kultural na
pagkakaiba-iba, nagsusulong sa kapakanan, karapatan at kaunlaran, pantaypantay o walang
superyor at imperyor sapagkat naniniwalang sila ay anak ng Maylikha, sila ay mahalaga at may
esensiyal na ginagampanang tungkulin, at sumusuporta sa presensiya ng bawat isa.
Makikita sa kasunod na larawan ang Mulusiyano. Ang larawan ay binubuo ng mga mag-
aaral, guro, kawani, administrador, at Marist Brother na patuloy na binibigyang-inspirasyon at
lakas ni San Marcellin Champagnat, ang tagapagtaguyod ng Maristang edukasyon. Makikita sa
larawan ang pusong nagkokonekta sa bawat isa at humahabi ng kaakuhan at katangiang
Mulusiyano. Malaki ang ginagampanang papel ng bawat kasapi ng Pamantasang Notre Dame
upang maipakilala, maisabuhay at mapagtibay ang kaakuhan at katangiang Mulusiyano. Ang
sigla, sigasig, at suporta ng bawat isa ay mahalaga sa pag-uwag ng kaisipan, kultura, at
lipunang Damean/Marista.

Sa panayam sa pangalawang pangulong akademiko nabanggit niya na NDMU is a


melting pot of cultures. Dagdag pa niya, We are Catholic in orientation but we are ecumenical in
practice so we are inclusive of all cultures. Samantala, upang malinaw na mailahad ang iba
pang bahagi ng talatanungan, ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng
pagpapakahulugan sa dalas ng paggawa at antas ng dangal batay sa mean score. Ang ikalawa
at ikatlong bahagi ng talatanungan ay hinggil sa dalas ng paggawa at antas ng dangal. Para sa
dalas ng paggawa, ang 1 ay para sa Hinding-hindi ko ginagawa, 2 Hindi ko ginagawa, 3 Bihira
kong ginagawa, 4 Madalas kong ginagawa, 5 Lagi kong ginagawa at 6 Lagi ko pang gagawin.
Para sa antas ng dangal, 1 Hinding-hindi ko ikinararangal, 2 Hindi ko ikinararangal, 3 Hindi ko
gaanong ikinararangal, 4 Ikinararangal ko, 5 Labis kong ikinararangal, at 6 Labis-labis kong
ikinararangal.
KAHULUGAN NG KULTURA
- tinatawag din itong kalinangan, ang kalinangan ay may kabuoang kaisipan, kaugalian, o
tradisyon ng isang bayan o bansa.
- binubuo ng mga katutubo at katangi-tanging kaugalian, paniniwala, at mga batas ng isang
bansa - hinuhubog ang pagkakakilanlan, kaisahan, at kamalayan ng isang bayan o bansa
- dito nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga mamamayan - mabisang kasangkapan sa
pagkakaisa ng isang bansa dahil naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa
- mabubuting gawi, kaugalian na kinagawian ng isang bansa - isang kumplikadong sistema ng
ugnayan sa paraan ng pamumuhay ng isang lipunan
- Laging magkabuhol ang wika at kultura, ayon nga sa libro nina Santos et al. ( 2012) “… ano
man ang umiiral sa kultura ng isang lipunan, ay masasalamin sa wikang ginagamit ng nasabing
lipunan. Ang pagkamatay o pagkawala ng isang wika ay nangangahulugan ding pagkamatay o
pagkawala ng isang kultura. Ang wika ang pagkakikilanlan sa isang kultura.”
- Sa pag-aaral ni Badie (2020), binanggit ang sumusunod na kahulugan ng kultura. Ayon kay
Mercado, ang salitang culture sa Tagalog ay kalinangan (linang as verb is to cultivate; as noun
linang is paddy field). Sa Bisaya, ito ay tinatawag na kinaiya at sa Ilocano naman, ito ay
kadawyan (60).
- Samantala, pinaniniwalaang klasiko, masaklaw, at holistiko ang kahulugang ibinigay ni
Edward B. Tylor (1871) sa salitang kultura. Ayon sa kaniya, ang kultura ay “complex whole
which includes knowledge, belief, art, morals, law, custom, and any other capabilities and habits
acquired by man as a member of society” (banggit sa Vega et al 33, Scupin 40, at Panopio at
Rolda 15).
- Sa kabilang banda, sa pag-aaral ni Du, (2014) na may pamagat na “Pagdalumat Sa Mga
Sinaunang Di- Materyal Na Kultura Ng Mga Blaan Sa Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato Mula Sa
Kanilang Kwentong Bayan” natuklasan niyang may mga kwentong bayan ang mga Blaan na
mauuri sa alamat na etiolohikal, mito, salaysayin at pabula na kasasalaminan ng materyal at
dimateryal na kultura ng kanilang pangkat.
MGA ELEMENTO NG KULTURA
a. Paniniwala - pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo ng isang grupo o lipunan
b. Pagpapahalaga - batayan ng pagkilos na kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang
hindi, kung ano ang tama at mali, at kung ano ang nararapat at hindi nararapat
c. Norms - asal, ugali, aksyon, kilos, pakikitungo, o gawi na ginawang pamantayan sa isang
lipunan o ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan
d. Simbolo - pagbibigay ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito
URI NG KULTURA
a. Materyal - mga halimbawa ay gusali, likhang-sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita
at nahahawakan na ginawa o nilikha. Mga konkretong bagay na nilikha o ginamit ng bawat
etnikong grupo.
b. Di-Materyal - mga halimbawa ay batas, gawi, ideya, paniniwala, at kaugalian ng isang grupo
ng tao o kaya mga bagay na naipapasa o nasasalin na hindi nahahawan ngunit nakikita at
naoobserbahan sa isang lipunan
 Ang kauna-unahang Gawad sa Manlilikha ng Bayan (GAMABA) mula rito ay si Lang Dulay na
isang Tboli. Kasunod si Fu Yabing Masalon Dulo na isang Blaan mula sa Bayan ng Polomolok.
Kapital ng lalawigan ang Koronadal City kung saan matatagpuan ang Notre Dame of Marbel
University (NDMU). Ito rin ang kauna-unahang unibersidad sa lungsod. Mayroon itong
pagdiriwang ng Provincial IP Day na nagsimula noong 2015.
Lang Dulay
 Using abaca fibers as fine as hair, Lang Dulay speaks more eloquently than words can.
Images from the distant past of her people, the Tbolis, are recreated by her nimble hands – the
crocodiles, butterflies, and flowers, along with mountains and streams, of Lake Sebu, South
Cotabato, where she and her ancestors were born – fill the fabric with their longing to be
remembered. Through her weaving, Lang Dulay does what she can to keep her people’s
traditions alive.
Yabing Masalon Dulo
 Yabing Masalon Dulo, Blaan master weaver, lived beyond a century and left a legacy that
inscribed her far-flung tribal community in the country’s culture and arts landscape.
 Fondly called Fu Yabing, she was a revered bai or princess in their tribal community that
thrived for centuries in an enclave at the foot of Mt. Matutum. That is where she honed her craft.
(Fu is an endearment used by a nonfamily member to address an old Blaan woman, like lola for
Tagalogs.)
PAMANTASANG NOTRE DAME SA MINDANAO: PADAYON SA PAGHAHABI NG
KULTURA AT KASAYSAYAN
Sa Mindanao, may Pamayanang Notre Dame o ang Notre Dame Educational Association
(NDEA) na binubuo ng mga paaralan mula sa iba’t ibang kongregasyon. Ito ay itinatag noong
1963. Narito ang talahanayan ng bilang ng mga miyembrong paaralang Notre Dame sa bawat
antas sa iba’t ibang erya sa Mindanao.

 SOCCSKSARGEN: Ang Ika-12 Paraiso ng mga Nagkakaisang Mulusiyano sa


mga Pamantasang Notre Dame

 Puwedeng pag-aralan ang kasaysayan ng mga lugar sa SOCCSKSARGEN

MGA WIKA SA PILIPINAS TUNGO SA PAGPAPAYAMAN NG KULTURA


AT KULTURAL NA PAGKAKAIBA-IBA
Ang mga wika sa Pilipinas ay tumutukoy sa iba’t ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong
kapuluan.
Ang itinuturing na “wikang katutubo” ay alinman sa mga wika na sinúso ng isang tao na ang
mga magulang ay may angkang katutubo sa Filipinas. Kabílang sa wikang katutubo ang
pangunahing gaya ng Tagalog o Waray o ang maliit na gaya ng Higaonon o Ivatan. Kahit
maraming nagsasalita ngayong mamamayan ng Filipinas ay hindi maituturing na wikang
katutubo ang Tsino o kahit ang Ingles (Almario 6).
May natatanging wika ang bawat etnolingguwistikong pangkat. Kapansin-pansin ding may
sangang wika ang ibang pangkat. Tinatawag itong diyalekto o wikang nabuo dahil sa
dimensyong heyograpikal. Ang mga wikang ito ay katutubo sa bawat pangkat at ito ang
bumubuo sa wikang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Madaling matutuhan ng mga
Pilipino ang iba pang wika ng ibang etnolingguwistikong pangkat sapagkat magkakamag-anak
ito.
Ang mga wika sa Filipinas ay bahagi ng malaking pamilya ng mga wikang Awstronesyo.
Sinasaklaw ng pamilyang ito ang mga wika mulang Formosa sa hilaga hanggang New Zealand
sa timog, mulang isla ng Madagascar sa may baybáyin ng Aprika hanggang Easter Islands sa
gitnang Pasipiko.
Tinatantiyang umaabot sa 500 wika ang miyembro ng pamilyang Awstronesyo at sangwalo (1/8)
ito ng mga wika ng mundo (Almario 8).
Napakahalagang salik sa pag-uswag ng kultura ang wika. Mahalagang sangkap ito sa
pakikipagtalastasan sa kapuwa na may kaparehang kultura at sa ibang tao na may natatangi
ring kultura. Nagkakaroon ng mayamang pagbabahaginan at pagpapalitan ng ideya,
pagdidiskurso, at pagdadalumat dahil sa mabisa at masaklaw na gamit ng wika.
“Language is an integral part of culture and human culture cannot exist without it. All human
societies where people cannot read or write, they have a spoken language. Through the use of
language, wide vistas of reality have been opened. What we have observed and experienced,
as well as our norms, values, and ideas exist because we have learned to identify or experience
these things through language. These things are shared and transmitted from one generation to
another through the process of socialization (Panopio et al, 1992 banggit sa Vega et. al 31)

Narito ang pangkat ng mga wika sa Pilipinas. Ito ay batay sa Philippine Encyclopedia of
the Social Sciences Volume II na inilimbag ng Philippine Social Science Council,
Quezon City noong 1993.
I. Ivatan languages
a) Itbayaten (Itbayat, Batanes)
b) Ivatan (Batanes)
c) Babuyan ( Babuyan Island, Calayan, Cagayan)
II. Northern Philippine languages
A. Cordillera languages
1. Dumagat languages
a) Northern Dumagat languages
i. Negrito (East Cagayan) [eastern Cagayan]
ii. Paranan (Palanan, Isabela)
iii. Dumagat (Casiguran) [ northern Quezon]
iv. Kasiguranin [Casiguran, Quezon]
b) Dumagat (Umirey) [central Quezon]
2. Northern Cordilleran langauages
a) Isnag [northern Kalinga-Apayao]
b) Adasen [northern Abra, central Kalinga-Apayao]
c) Malaweg [Rizal, Cagayan; Conner, Kalinga-Apayao]
d) Itawis [southern Cagayan]
e) Ibanag [ northern Cagayan; southern Cagayan; northern Isabela]
f) Atta [northwestern Cagayan]
g) Agta [central Cagayan]
h) Ga-dang [eastern Mountain Province]
i) Gaddang [northern Nueva Vizcaya
j) Yogad [Echague, Isabela]
3. Ilokano [Ilocos Norte; Ilocos Sur; La Union; Pangasinan; throughout northern
Luzon as lingua franca]
4. Central Cordilleran languages
a) Kalinga (L-Complex)
i. Kalinga (North) [southeastern Kalinga-Apayao]
ii. Kalinga (South) [ southwestern Kalinga-Apayao]
iii. Kalinga (Guinaang) [ southwestern Kalinga-Apayao]
iv. Kalinga (Itneg) [southwestern Abra]
b) Itneg [northern Abra]
c) Balangaw [Natonin, Mountain Province]
d) Bontok (L-Complex)
i. Bontok (Central) [central Mountain Province]
ii. Bontok (South) [south central Mountain Province]
e) Kankanaey (L-Complex)
i. Kankanaey (North) [western Mountain Province]
ii. Kankanaey (South) [northern Benguet]
iii. Kankanaey (Itneg) [Southern Abra]
f) Ifugao (L-Complex)
i. Ifugao (Banaue) [ central Ifugao]
ii. Ifugao (Klangan) [ western Ifugao]
iii. Ifugao (Eastern) [eastern Ifugao]
g) Isnai (central Nueva Ecija)
5. Southern Cordilleran languages
a. Keley-i [Klangan, Ifugao]
b. Kallahan [western Nueva Vizcaya]
c. Karaw [Bokod, Benguet]
d. Inibalo [central and southern Benguet]
e. Pangasinan [central Pangasinan]
B. Ilongot (Quirino, eastern Nueva Vizcaya]
C. Sambalic languages
1. Sambal
a. Bolinao [northwestern Pangasinan]
b. Sambal (Tina) [nortehrn Zambales]
c. Botolan [Botolan, Zambales]
2. Kapampangan [Pampanga; southern Tarlac]
3. Sinauna [Tanay, Rizal]
III. Meso-Philippine languages
A. Northern Mangyan languages
1. Iraya [northwestern Mindoro]
2. Alangan [central Mindoro]
3. Tadyawan [central Oriental Mindoro]
B. South Mangyan languages
1. Batangan [central Mindoro]
2. Buhid [southern Mindoro]
3. Hanunoo [southern Mindoro]
C. Palawan languages
1. North Palawan languages
a. Kalamianon [Calamian Islands, Palawan]
b. Agutaynon [Agutaya Islands, Palawan]
2. South Palawan languages
a. Batak [northern Palawan]
b. Tagbanwa [central Palawan]
c. Palaweno [southern Palawan]
d. Molbog [southern Palawan]
D. Central Philippine languages
1. Tagalog [central Luzon; throughout Philippines as basis of Filipino]
2. Bikol languages
a. Bikol (Standard) [eastern Camarines Norte; Camarines Sur, eastern
Albay; southern Catanduanes; northern Sorsogon]
b. Bikol (Rinconada) [southern Camarines Sur]
c. Bikol (Albay) [western Albay]
d. Bikol (Catanduanes) [northern Catanduanes]
3. North Bisayan languages
a. West Bisayan languages
i. Kuyunon [Cuyo Islands, Palawan]
ii. Binisaya (West) [ southern Mindoro; southern Romblon;
Semirara Islands, Antique]
iii. Aklanon [Aklan]
iv. Kinaray-a [Antique; western Capiz; western Iloilo]
b. Central Bisayan languages
i. Banton [western Romblon]
ii. Romblon [eastern Romblon]
iii. Hiligaynon [Iloilo; Capiz; Negros Occidental]
iv. Masbateno [Masbate]
v. Sorsogon (Masbate) [central Sorsogon]
vi. Sorsogon (Waray) [southern Sorsogon]
vii. Samar-Leyte [Samar; eastern Leyte]
4. South Bisayan languages
a. Sebuano [Cebu; Negros Oriental; Bohol; Siquijor; western Leyte;
northern Mindanao; throughout central and southern Philippines as
lingua franca]
b. Surigaonon [Surigao del Norte; Surigao del Sur]
c. Butuanon [Agusan del Norte]
d. Tausug [Sulu; Tawi-tawi]
5. East Mindanao languages
a. Mamanwa [Lakie Mainit, Agusan del Norte]
b. Kamayo [southern Surigao del Sur]
c. Davaweno [northern Davao Oriental]
d. Mandaya [eastern Davao; Davao Oriental]
e. Kalagan [southern Davao; eastern Davao Oriental]
f. Tagakaulu [central Davao del Sur]
IV. Southern Philippine languages
A. Subanon languages
1. Subanun (L-Complex)
a. Subanun (Sindangan) [east central Zamboanga del Norte]
b. Subanun (Salug) [eastern Zamboanga del Sur]
c. Subanun (Lapuyan) [northeastern Zamboanga del Sur]
2. Subanun [southwestern and central Zamboanga del Norte]
3. Kalibugan [Siraway, Zamboanga del Norte]
B. Danao languages
1. Maranao [Lanao del Sur; southern Lanao del Norte]
2. Ilanum [northern Maguindanao]
3. Maguindanao [Maguindanao]
C. Manobo languages
1. North Manobo languages
a. Kagayanen[Cagayancillo Island, Palawan]
b. Kinamigin [Camiguin]
c. Binukid [northern Bukidnon]
2. Central Manobo languages
a. Manobo (Agusan) [Agusan del Sur; eastern Agusan del Norte]
b. Manobo (Rajah Kabungsuan) [southern Surigao del Sur]
c. Manobo (Ata) [northwestern Davao]
d. Manobo (Tigwa) [southeastern Bukidnon]
e. Manobo (West Bukidnon) [southwestern Bukidnon]
f. Manobo (Ilianen) [northern North Cotabato; southern Bukidnon]
g. Manobo (Obo) [Davao del Sur-North Cotabato boundary]
h. Dibabawon [northeastern Davao; southern Agusan del Sur]
3. South Manobo languages
a. Tagabanwa [Davao del Sur-North Cotabato boundary]
b. Manobo (Sarangani) [southern Davao del Sur; southern Davao
Oriental]
c. Manobo (Cotabato) [western Sultan Kudarat]
V. Sama languages
A. Sama (Sibuguey) [ Olutanga Island, Zamboanga del Sur]
B. Sama (North) [Jolo and Tungkil, Sulu; Basilan; southern Zamboanga del
Sur]
C. Sama (West) [Pangutaran and North Ubian, Sulu]
D. Sama (Central) [Tawi-tawi]
E. Sama (South) [Simunul and Sibutu, Tawi-tawi]
F. Yakan [eastern Basilan; southeastern Zamboanga del Sur]
G. Jama Mapun [Kagayan de Sulu and Tutlr Islands; Tawi-tawi, southern
Palawan]
H. Abaknon [Capul Island, Northern Samar]
VI. South Mindanao languages
A. Bagobo [nortehrn Davao del Sur]
B. Blaan [southeastern South Cotabato; southern Davao del Sur]
C. Tboli [western South Cotabato]
D. Tiruray [southwestern Maguindanao]
E. Sangil [Balut and Sarangani Islands, Davao del Sur]

Batay sa ika-23 edisyon ng Ethnologue na inilabas noong ika-21 ng Pebrero, 2020, may 186 na
natatanging wika ang Pilipinas taliwas sa 187 na naitala noong 2018. Ang Ayta Tayabas na
sinasabing isa sa apat na extinct languages (kasama ng Dicamay Agta, Vila Viciosa Agta, at
Katabagan) ay tinanggal sa listahan sapagkat kulang sa lingguwistikong patunay sa pagkakaiba
nito sa mga wikang Negrito (Dita).
Ayon din sa kay Dita (2020), ang bilang ng mga wika sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon ay:
Reid (1971): higit sa 80; McFarland (1980): 118; McFarland (1984): 110; Constantino
(1988):maybe about 110; Reid (2000):around 150; Ethnologue (2002): 163; Headland (2003):
between 100-150; Ethnologue (2005):168; Ethnologue (2018):187 (183 living); Ethnologue
(2020): 186 (Ayta Tayabas removed).
Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1001 ng 1997 na nilagdaan ni Dating Pangulong Fidel V.
Ramos, ipinagdidiriwang ng ating bansa tuwing buwan ng Agosto taon-taon ang Buwan ng
Wikang Pambansa. Noong 2019, naging tema nito ang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang
Bansang Filipino.

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy