0% found this document useful (0 votes)
275 views20 pages

EPP 4 SIPacks Q2 Wk1 Wk7 QA

The document provides instructions for making organic compost. It discusses establishing a compost pit by digging a hole and layering dry leaves, vegetable scraps, and animal waste. Properly maintaining the compost pit by watering and covering it allows the materials to decompose into nutrient-rich organic fertilizer within two months. The summary also notes that composting can be done in baskets and old tires to produce organic fertilizer that improves soil quality and plant growth without costs.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
275 views20 pages

EPP 4 SIPacks Q2 Wk1 Wk7 QA

The document provides instructions for making organic compost. It discusses establishing a compost pit by digging a hole and layering dry leaves, vegetable scraps, and animal waste. Properly maintaining the compost pit by watering and covering it allows the materials to decompose into nutrient-rich organic fertilizer within two months. The summary also notes that composting can be done in baskets and old tires to produce organic fertilizer that improves soil quality and plant growth without costs.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 20

Department of Education

Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO (P)
City of San Fernando, Pampanga

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5


IKALAWANG MARKAHAN: UNA AT IKALAWANG LINGGO

I. OBJECTIVES

A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman):


Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap):


Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan

C. Most Essential Learning Competencies (Pamantayan sa Pagkatuto):


Nakagagawa ng abonong organiko
Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paglalagay ng abonong
organiko
Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong
organiko
II. CONTENT:

Aralin: Paggawa ng Organikong Pataba

LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages:
2. Learner’s Material Pages: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, nina
Gloria A. Peralta, EdD, et al. pages 67-72

B. Additional Materials from Learning Resources (LR) Portal: MELC EPP

C. Other Learning Resources: pictures and other visual materials


Picture references:
▪ https://www.google.com/search?q=larawan+ngmga+batang+nagtatanim&sxsrf=ALeKk03er4z7
AKAJBgxSiYibI-
YGQ6PXjQ:1599383186837&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiP2tfVltTrAhU7wosBHaSt
BbkQ_AUoAXoECAYQAw&biw=1242&bih=553#imgrc=hBmzlBfy8vjThM&imgdii=kwoz2IOeIBwCUM
▪ https://www.google.com/search?q=compost+pit&tbm=isch&ved=2ahUKEwiM-
JPXltTrAhUOfZQKHfwOCFYQ2-
cCegQIABAA&oq=compost&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAnMgQIIxAnMgIIADICCAAyAggA
MgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BQgAELEDOgQIABBDUJGPCVjhlwlgoaIJaABwAHgAgAHPAY
gBxQeSAQUwLjYuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=laZUX8zZN4760QT8
naCwBQ&bih=553&biw=1242#imgrc=T1D0XDTgqhok9M

III. PROCEDURE

A. Reviewing previous lesson or presenting the new lesson (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o
pagsisimulang bagong aralin)

Kamusta ka na? Handa ka na ba sa ating ikalawang markahan ng ating aralin?


Talakayin muna natin ang iyong mga natutunan sa Home Economics. Magbigay ng mga
1|Page
aralin na tumatak sa iyong isipan. Isulat ito sa patlang.

1.

2.

3.

4.

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)

Mahilig ka ba sa pagtatanim ng mga halaman? Ano ang naibibigay sa iyo ng


pagtatanim ng iba’t ibang halaman? Ang Ikalawang Yunit ay ang Agrikultura at ito ay
mayroong dalawang larang—paghahalaman at paghahayupan.

Itinuturing na agham, sining, at hanapbuhay ang Agrikultura. Ito ay Agham dahil


nakabatay ito sa magandang simulain na ginagamitan ng sistematikong pagmamasid at
pananaliksik. Sining din ito dahil ginagamitan ng kasanayan at malikhaing paraan. Itinuturing
din itong hanapbuhay dahil may kinalaman ito sa gawaing maglinang at mag- bungkal ng
lupa, magtanim, mag-alaga, magparami ng hayop.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong


aralin)

Tingnan mo ang larawan na nasa


kaliwa. Ano sa iyong palagay ang
ginagawa ng mga bata? Marunong
ka rin bang magtanim ng mga
halaman? Ano kaya ang naibibigay
sa atin ng mga halaman na ating
itinatanim? Ano-ano nga ba ang
mga kailangan ng mga ito para
mabuhay at lumaking malusog?

Sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at malago ang


ating mga pananim. Ito ay maaaring magmula sa likas na yaman. Sa pamamagitan ng
composting ang mga sariwa o mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng gulay at
prutas, mga dahon ng halaman at mga dumi ng mga hayop ay pwedeng gawing abono
tinatawag itong organikong abono. Ito ay nakakatulong upang mapaganda ang kalidad o
uri ng lupang pagtataniman.

D. Discussing new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bago kasanayan #1)

Ngunit paano ba makakagawa ng isang organikong pataba? Maaaring gumawa


nito sa likod ng iyong tahanan. Ito ay tinatawag na Compost pit

2|Page
Compost - ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong
damo o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay at
mga dumi ng hayop na binubulok sa isang hukay sa
isang malawak na lugar.
.

Ano ano ba ang iba’t ibang Pamamaraan ng pag gawa ng Compost pit?

1. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, malayo-layo sa bahay. Humukay ng may

isang metro ang lalim.


2. Pagsama-samahin ang mga natuyong dahon, nabubok na gulay, prutas, pagkain, at iba
pang nabubulok na bagay.
3. Ilatag ang mga nabubulok na bagay sa hukay hanggang umabot ng 30sm ang taas.
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
5. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
6. Paulit-ulit na gawin aug pagtatambakhanggang sa mapuno ang hukay.
7. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero. 8. Palipasin ang
dalawang buwan o mahigit pa bago gamitin.

Kahalagahan ng Paggawa ng Organikong Abono

Ang basket composting ay isa rin paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang
lalagyan na tulad din ng compost pit. Ang abonong organiko ay napabubuti añg hilatsa ng
lupa at malusog na paglaki ng mga pananim. Ito ay napaka epektibong pataba na hindi
magastos. Maaari nang gamiting pataba ang mga nabubulok na basura pagkaraan ng
dalawang buwan o higit pa. Madali ang paggawa ng compost, lalo na sa may malawak na
bakuran.
Maaaring gumawa ng compost sa pinagpatong-patong na lumang gulong ng
sasakyan. Para sa mga walang sapat na lugar, maaaring gawin ang sumusunod:
3|Page
1. Maghanda ng mga lalagyang maaaring iresaykel.
2. Ilagay rito ang mga nabubulok na bagay tulad ng dahon, prutas, gulay, at mga tirang
pagkain.
3. Lagyan muli ng lupa at diligin.
4. Takpan ng dahon ng saging o yero upang hindi Iangawin.
5. Gawin ang proseso hanggang mapuno ang lalagyan.
6. Palipasin ang dalawang buwan bago gamitin.
E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2

Ano-ano ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng halaman?

Sa paghahalaman, hindi lamang ang mga halaman ang dapat alagaan. Kailangang
malusog at ligtas ang mangangasiwa ng halamanan. Upang maiwasan ang aksidente o
pagkakasakit, dapat sundin ang mga sumusunod:

1. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon.


2. Tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan.
3. Gumamit ng guwantes, mask, bota, plastik na pampatong sa damit at kasuotang may
mahabang manggas habang nagtatanim o naglilinis sa lugar.
4. Gumamit ng sombrero o anu mang pantakip sa ulo lalo na kung matindi ang sikat ng
araw.
5. Iwasan ang pagkakamot ng mga mata habang nagbubungkal ng lupa o naglalagay ng
abonong inorganiko.
6. Maging maingat sa pagtapak sa lupang basa upang di-madulas.
7. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking balanse ang hinahawakan.
8. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim na kasangkapan.
9. Itago ang mga kasangkapan sa permanenteng lugar upang hindi ito madaan- daanan.
10. Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasnan)

Natutunan mo na ngayon ang kahalagahan ng pagkakaroon at paggamit ng organikong


pataba. Sagutin mo ang mga sumusunod sa iyong kwaderno.

1. Bakit mas mainam ang paggamit ng abonong organiko?

2. Paano makatutulong ang mga nabubulok na bagay sa mga gulay?

4|Page
3. Bakit kailangang alagaang mabuti ang lupang taniman ng mga gulay?

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng


aralin sa pang araw-araw na buhay)

PANUTO: Humanap ng isang magandang lokasyon sa inyong bahay na maaaring gawan


ng isang basket compost pit. Sundin lamang ang mga paraan na nakatala sa itaas.
Isulat sa sagutang papel ang iyong ginawa at lakipang ng drawing.

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat sa aralin)

❖ Ang Compost o organikong abono ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo
o dahon, mga balat ng mga prutas at gulay at mga dumi ng hayop na binubulok sa
isang hukay sa isang malawak na lugar. Ito ay lubos na makatutulong sa atin upang
mas lumusog at mapaganda ang lupang taniman.

❖ Ang Basket Composting ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo o dahon,
mga balat ng mga prutas at gulay at mga dumi ng hayop na binubulok sa isang
lalagyan na maaaring yari sa yero o kahoy.

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)

PANUTO: Lagyan ng wastong bilang ayon sa sunod sunod na hakbang sa pag-


gawa ng compost pit.(1- 5)

Lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw- araw


upang maging mabilis ang pagkabulok .
Takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong
uri ng pantakip upang hindi langawin at pamahayan ng anumang uri ng
peste.
Haluin ding mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas
ng dalawang buwan o higit pa ay maari nang gamiting pataba.
Maghanda ng isang sisidlan na may sapat na laki at
haba.Ito at maaaring yari sa kahoy o yero na may isang metro ang
lalim
Mag ipon ng mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng
gulay, prutas, dahon, dumi ng hayop at iba pa.

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain


para sa takdang-aralin/ o remediation)

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang basket composting?

2. Paano ang wastong paraan ng basket composting?

5|Page
3. Magbigay ng mga kabutihang dulot ng basket composting?

6|Page
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
IKALAWANG MARKAHAN: IKATLO AT IKA-APAT NA LINGGO

I. OBJECTIVES

A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman):


Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay

B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap):


Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan

C. Most Essential Learning Competencies (Pamantayan sa Pagkatuto):


Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay
o pagdidilig
o pagbubungkal
o paglalagay ng abonong organiko
Naisasagawa ang masistemang pagsugpo ng peste at kulisap ng mga
halaman

II. CONTENT:
Aralin: Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay

LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages:
2. Learner’s Materials Pages: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, nina
Gloria A. Peralta, EdD, et al. page 73
3. Textbook Pages: N/A
4. Additional Materials from Learning Resources (LR) Portal: MELC EPP

B. Other Learning Resources: pictures and other visual materials


Picture references:
III. PROCEDURE

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Kamusta ka na? Bago ka dumako sa


bagong aralin, ikaw ay magbalik-aral mu
na sa nakaraang aralin. Ibigay ang
pagkakapareho at pagkakaiba ng
paggamit ng compost pit at basket
composting.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Sa araling ito malilinang ng mga mag-aaral ang mga pangangalaga sa mga

7|Page
halamang kanilang itinanim. Matututuhan ang wasto at tamang pangangalaga nito, mga
kagamitan na maaari nilang magamit upang maging matagumpay ang pangangalagang
kanilang gagawin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Obserbahan ang larawan. Ano sa tingin


ninyo ang ginagawa ng nasa larawan?
Ipaliwanag.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Bagaman ang bawat uri ng halamang gulay ay may kani-kanilang pangangailangan


at pamamaraan upang lumaki ang mga ito ng malusog at kapaki- pakinabang, may mga
pangunahing hakbang na dapat gawin at tandaan kapag nag-aalaga ng anumang uri ng
gulay. Ang mga gulay ay nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan nang maayos
ang mga ito. Ang wastong pagdidilig at pagbubungkal sa lupa ay mahalaga. Bungkalin
ang lupang nakapaligid sa halaman tipang makahinga ang mga ugat. Gawing mababaw
lamang ang pagbubungkal lalo na sa mga halamang pino ang ugat at malalambot ang
tangkay. Mg mahahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman laban sa malakas na
hampas ng hangin.

Gawing regular ang pagtanggal ng mga damong ligaw sa paligid ng halaman


upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na ibinibigay para sa halaman. Maaaring
gamitin ang kamay 0 wastong kagamitan sa pagaalis ng damo. Maging maingat sa
paggawa nito upang hindi masira ang halaman.

Subaybayan ang paglaki ng halaman. Suriin ang kalagayan ng halaman. Ugaliing


kausapin ang halaman. Makaagham na paraan ito ng pagpapabulaklak o
pagpapabunga ng tanim. Ang sapat na abonong organiko ay nagdudulot ng
kaginhawahan sa mga pananim. Ang pagdidilig sa mga pananim ay ginagawa sa umaga
at sa hapon kapag hindi na kasikatan ng araw. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman
lab na kung may mgâ alagang hayop sa paligid.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2

Puksain ang mga peste o salot ng mga halaman. Gawin ito sa pamamagitan ng:

8|Page
1. Paghahalo ng dinurog na sili o katas ng dahon ng Neem Tree sa tubig na pandilig.
2. Pagpapausok sa mga puno at halaman gamit ang mga tuyong dahon o damo. Tiyaking
usok lamang ang lalabas at hindi apoy.
3. Ang mga kulisap na sumisira o kumakain sa mga dahon ng mga halaman ay alisin
kaagad.

Narito ang ilang kulisap na naninira sa mga halaman at paraan ng pagpuksa:

1. Armored Scale (Family Diaspididae) — Panatilihing


malinis ang kapaligiran at linisin lagi ang mga dahon at
puno ng mga halaman. Maaaring gumamit ng
pamatay-kulisap tulad ng Parathion. Ang ganitong uri
ngpestè ay mapaminsala sa mga punongkahoy.

2. Ring Borer — Kailangang gumamit ng panghuling


may ilaw upang mahuli at mapuksa ang mga
gamugamo. Linisin lagi ang paligid ng mga halaman.
Alisin ang mga dahong tuyo na at bahaging may sakit
at sunugin ito. Maaaring gumamit ng pamatay-kulisap
tulad ng Methyl Parathion. Kailangang mataba ang
lupang taniman upang. ang halaman ay mabuhay,
lumago, at maging malusog.

3. Melon Aphid— Naninirahan ang kulisap na ito sa


ilalim ng mga dahon na nagiging sanhi ng pagkulot ng
mga ito. Sa ilalim nito ay nababalot ang kutong may
malalambot ang katawan na sumisira sa mga dahon
ng halaman. Ang mga kuto ay mapupuksa sa
pamamagitan ng pagwiwisik ng Endrin, Malathion, at
Serin.

4. Plant Hoppers — Gumagapang ang mga ito sa mga


damuhan at nangingitlog sa malagong tanim.
Pinupuksa ito tuwing tag-araw sa pamamagitan ng
paggamit ng sprayer na may lamang pestesides.

5. Leaf Rollers — Binubutas ng mga ito ang mga dahon.


Para mapuksa ang mga ito, kayasin ang lahat ng
dahon o foliage hanggang maiwan ang buong
panloob na sanga.

9|Page
6. Webworm — Dapat puksain sa pamamagitan ng
pagputol at pagsunog ng sapot na kasama ang uod.

7. Ladybug — Ang mga dahon na may ganitong


insekto ay nagkukulay-balat at nalalagas. Mapupuksa
ang mga ganitong uri ng insekto sa pamamagitan ng
pagsisiga o pagpapausok.

F. Paglinang sa Kabihasnan

SAGUTIN: Ano-ano ang mga dapat isa-isip kapag mag-aalaga ng mga


halaman? Ipaliwanag.

1. 2. 3.

Paliwanag: Paliwanag: Paliwanag:

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Gawain: Sa patnubay ng inyong magulang. Isagawa ang wastong


pangangalaga ng mga itinanim na halamang gulay. Ang magulang/tagapag-
alaga ang magbibigay sa inyo ng puntos.
H. Paglalahat ng Aralin

Ang masistemang pangangalaga ng halamang gulay na itinanim ay


makakatulong upang makapagbigay ito ng mas maraming ani. Ang maling
pangangalaga ng halaman ay maaaring makapinsala o masira sa inyong
mga pananim.

I. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Gamit ang internet, maghanap ng ibang paraan ng pagpuksa sa mga peste na
nagdudulot ng pagkasira ng mga halaman. Isulat mo ito sa iyong sagutang papel .

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

PANUTO: Gumupit ka o gumuhit ng mga


larawan na nagpapakita ng wastong
pangangalaga ng mga pananim na
gulay.
10 | P a g e
Picture references:

▪ https://www.google.com/search?q=armored+scale&tbm=isch&ved=2ahUKEwjkscagl9TrAhUHg5QKH
Yk-DXkQ2-
cCegQIABAA&oq=armored+scale&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIE
CAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQsQM6Agg
AOggIABCxAxCDAToECAAQHjoGCAAQCBAeUKHgG1jdgBxgkoMcaARwAHgAgAHzAYgB6RKSAQYxLj
E0LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=L6dUX6TeMoeG0gSJ_bTIBw&bih=553&
biw=1242#imgrc=U7XSxBytEmyOsM
▪ https://www.google.com/search?q=ring+borer&tbm=isch&ved=2ahUKEwiar9z8mNTrAhVH3pQKHVEU
DNgQ2-
cCegQIABAA&oq=ring+borer&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQEzIECAAQEzoECCMQJzoFCAAQsQM6B
AgAEEM6AggAOgQIABAeOggIABAIEB4QE1DFxQhYrNIIYJfUCGgBcAB4AIAB1QGIAawNkgEFMS43LjOY
AQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=_ahUX9q8Ise80wTRqLDADQ&bih=553&biw=
1242#imgrc=5GifMo2nZAKT_M
▪ https://www.google.com/search?q=melon+aphid+pest&tbm=isch&hl=fil&sa=X&ved=2ahUKEwjn04Hk
mdTrAhURAqYKHSeTB78QBXoECAEQFA&biw=1226&bih=553#imgrc=0KwjqBLPI3rDsM
▪ https://www.google.com/search?q=plant+hopper&tbm=isch&ved=2ahUKEwi7jNjsmdTrAhUHA6YKHe
uqDhQQ2-
cCegQIABAA&oq=plant+hopper&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIEC
AAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIICAAQBRAeEBM6BAgjECc6BAgAEEM6AggAOgUIAB
CxAzoICAAQsQMQgwE6BAgAEB5Q4JcDWOqnA2CFqgNoAXAAeACAAZ8BiAHmDJIBBDEuMTKYAQC
gAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=6KlUX7v4FoeGmAXr1bqgAQ&bih=553&biw=1226
&hl=fil#imgrc=UQad1I-sa5Ap7M&imgdii=ifc0NAVQXZ7kDM
▪ https://www.google.com/search?q=leaf+rollers&tbm=isch&ved=2ahUKEwjg0LeHmtTrAhVHGKYKHQ9
5AqwQ2-
cCegQIABAA&oq=leaf+roll&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMg
QIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATOgQIIxAnOgQIABBDOgUIABCxAzoCCA
A6CAgAELEDEIMBOgQIABAeUMndBljv9gZgnoEHaABwAHgAgAGdAYgB_AiSAQMwLjmYAQCgAQGq
AQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=IKpUX-
DAHMewmAWP8ongCg&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=QPz0LTOsMKK23M
▪ https://www.google.com/search?q=web+worm&tbm=isch&ved=2ahUKEwiq0vi-
mtTrAhURAqYKHSeTB78Q2-
cCegQIABAA&oq=web+worm&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECA
AQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzoECCMQJzoFCAAQsQM6BAgAEEM6AggAO
gQIABAeUPjPBFj92ARg8toEaABwAHgAgAG0AYgB9QeSAQMwLjiYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8A
BAQ&sclient=img&ei=lKpUX6q4NZGEmAWnpp74Cw&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=pXC0Q8Keep
KoPM
▪ https://www.google.com/search?q=lady+bug&tbm=isch&ved=2ahUKEwiHqc7kmtTrAhUHHKYKHVZN
BQYQ2-
cCegQIABAA&oq=lady+bug&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCA
AyAggAMgIIADICCAA6BAgjECc6BAgAEEM6BQgAELEDOggIABCxAxCDAVDnggRYoYsEYNmMBGgAc
AB4AIABsQGIAaUIkgEDMC44mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=46pUX8erNYe4
mAXWmpUw&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=DVAK9_ON5YEQqM

11 | P a g e
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
IKALAWANG MARKAHAN: IKA-LIMA AT IKA-ANIM NA LINGGO

I. OBJECTIVES

A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman):


Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at
kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay

B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap):


Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan

C. Most Essential Learning Competencies (Pamantayan sa Pagkatuto):


Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop
na may dalawang paa at pakpak o isda.
Natutukoy ang mga hayop na maaring alagaan gaya ng manok, pato, itik,
pugo/ tilapia
Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na
dapat ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop
o isda

II. CONTENT

Aralin: KABUTIHANG DULOT NG PAG-AALAGA NG MGA HAYOP

LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages:
2. Learner’s Materials Pages: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, nina
Gloria A. Peralta, EdD, et al. pages 83-92
3. Textbook Pages: N/A

B. Additional Materials from Learning Resources (LR) Portal: MELC EPP

C. Other Learning Resources: pictures and other visual materials

III. PROCEDURE

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Bago tayo dumako sa bagong aralin,


magbalik aral tayo sa iyong natutunan.
Ano-ano ang mga masistemang paraan
ng pagsugpo ng mga peste sa halaman?
Paano ang tamang pangangalaga ng
mga tanim na gulay?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Maraming pamilyang Pilipino ang nag-aalaga ng mga hayop sa kanilang bakuran.


Karaniwang inaalagaan ay mga hayop na may dalawang paa at pakpak o isda. Ang pag-
aalaga ng hayop ay hindi lamang isang uri ng libangan. Ito ay isang gawaing maaaring
gawing hanapbuhay bukod sa panustos sa pangangailangan sa pagkain ng mga mag-
anak.
12 | P a g e
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

1. May mga alagang hayop k aba ba sa iyong tahanan? Ano-ano ang mga ito?

2. Paano ang paraan ng pag-aalaga mo sa mga ito?

3. Nalilibang ka ba sa pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng mga hayop?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Kahalagahang Dulot ng Pag-aalaga ng Manok at Iba Pang Kauri

Ang pag-aalaga ng manok at iba pang kauri ay kapaki-pakinabang na gawain.


Narito ang mga kabutihang dulot ng pag-aa1aga ng manok at iba pang kauri:
1. Napagkukunan ito ng pagkain tulad ng karne at itlog.
2. Nakapagbibigay ng dagdag kita sa mag-anak.
3. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa pamilya at nagsisilbing libangan ng mag-anak.
4. Natutugunan ang problema ng bansa sa kasalatan ng pagkain at kawalan ng
hanapbuhay ng tao.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at nagiging responsable at maalalahanin.
6. Nakatitipid sa gastusin ng pamilya. Napakalaking tulong ng pagsasaliksik sa internet sa
pangangalap ng impormasyon na makatutulong sa pagpili ng hayop na aalagaan. Sa
pamamagitan ng internet, makahahanap ng impormasyon tungkol sa:
— matatagumpay na taong pumasok sa paghahayupan
— mga naging karanasan ng ibang taong pumasok sa paghahayupan
— mga subok at matatagumpay na pamamaraan ng paghahayupan
— kalakasan at kahinaan ng pag-aalaga ng bawat un ng hayop.
Mga Hayop na Maaaring Alagaan
1. Manok

Madaling mag-alaga ng manok kahit sa maliit na lugar. Maaaring mais at palay


lamang ang pagkain ng mga ito. Kung maluwag ang bakuran, naghahanap din ito ng mga
uod sa lupa o sa damuhan. Ganito ang káraniwang pag-aalaga sa katutubong manok o
native chicken. Karaniwang makikita ang ganitong eksena sa bakuran ng ilang residente sa
probinsiya. May piling mga manok na kailangan ang wastong paraan ng pag-aalaga
upang maparami at makapagbigay ng karne at sariwang mga itlog. Mahalaga rinl ito
upang maiwasan ang pagdapo ng sakit ng hayop sa mga alagang manok. Kailangan ang
maluwag na kulungan at-may sapat na bentilasyon, may painuman, patukaan, salalayan
ng dumi, at dapuan.

13 | P a g e
Uri ng Manok na Aalagaan

Matatagpuan sa poultry farms ang dalawang uri ng manok.


1. Layer — Inaa1agaan ang manok na ito para sa mga itlog nito. Upang regular na
mangitlog ang layer, kailangan malayo ang mga ito sa ingay. Ang malakas na ingay
ay nakaaapekto sa pangingitlog ng layer. Kailangan ng asin para sa magandang
pangingitlog ng layer.

2. Broiler— Inaalagaan ang manok na ito para sa taglay nitong karne. Ito ang uri ng
manok na niluluto sa mga fast food restaurant, palaman sa sandwich, o ginagawang
nuggets o chicken balls. Inaalagaan sa ating bansa ang lahing banyaga tulad ng
Lancaster, New Hampshire, Bantres, White Leghorn, at Plymouth. Tinatawag din itong
flyer o manok na piniprito.

2. Kalapati
Nabubuhay ang kalapati kahit saang lugar at sa kahit anong klima. Gustong-gusto
nito ang tumira sa maraming puno. Kailangang mataas ang bahay ng kalapati upang ligtas
sa daga, pusa, at ahas. Karaniwang inaalagaan ang mga lahi ng kalapati gaya ng White
Kings, Red Corneans, at GiantHomer. Ang pag-aalaga ng kalapati ay nagsisimula sa apat
hanggang walong pares.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2

Talaan ng mga Kagamitan at Kasangkapan

Sa Pag-aalaga narito ang mga kagamitang kailangan sa kulungan ng mga alagang


manok:

1. Para sa mga bagong pisang sisiw kailangang lagyan ng ilaw o bombilyang may 50 watts
upang mainitan ang mga sisiw sa araw at gabi hanggang labinglimang (15) araw.
2. Kailangang maglagay ng lalagyan ng inumin. Ang painuman ay laging panatilihing
malinis.
3. Kung ang kulungan ay nasa hangman, kailangang takpan ng mga tuyong dahon ang
bahay ng mga sisiw.
4. Kailangan ng lalagyan ng patuka. Ang patukaan ay dapat nasa bob o harapan ng
kulungan. Ito ay dapat gawa sa yero, kahoy, o biyak na kawayan, pahaba may lalim na
apat na pulgada para hindi matapon ang laman.
5. Kailangan matibay ang kulungan upang hindi mapasukan ng ibang mga hayop at kainin
añg mga ito.

F. Paglinang sa Kabihasnan

PANUTO: Kung kayo ay may alagang hayop katulad ng manok/isda o anumang uri ng
hayop na mayroon sa bahay, gawin ang mga sumusunod at isulat sa sagutang papel.

1. Itala kung ilan ang alagang manok/isda


2. Gumawa ng slogan ukol sa uri ng mga alagang manok/isda.
3. Sumulat ng isang tugma ukol sa manok/isda.

14 | P a g e
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

PANUTO: Magtala ng mga hayop na maaaring alagaan. Pangkatin at isulat sa kahon


ang uri ng hayop ayon sa kanilang pangkat.

May dalawaang paa May pakpak Isda

H. Paglalahat ng Aralin

❖ Ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop ay makakapagbigay ng mga


nagiging panustos na pagkain ng mag-anak, hatid ay karagdagang kita, nagsisilbing
mabuting libangan, nakapagpapaganda ng kapaligiran at nagdudulot ng higit na
sariwang isda sa pamilya at sa kapwa.

I. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kung nagsasaad ng kabutihang dulot


sa pag-aalaga ng isda, idrowing ang happy face☺ at kung hindi ay sad face .

1.Nagiging panustos na pagkain ng mag-anak.


2.Hatid ay karagdagang kita.
3.Nagsisilbing mabuting libangan.
4.Nakapagpapaganda ng kapaligiran.
5.Nagdudulot ng higit na sariwang isda sa pamilya at kapwa.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

PANUTO: Gumuhit ng mga halimbawa ng


hayop na may apat na paa at maaaring
mapagkakitaan ng pamilya o ng mag-anak.

15 | P a g e
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
IKALAWANG MARKAHAN: IKA-PITONG LINGGO

I. OBJECTIVES

A. Content Standard (Pamantayang Pangnilalaman):


Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at
kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng
pamumuhay

B. Performance Standard (Pamantayan sa Pagganap):


Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at
pagsasapamilihan ng gulay sa masistemang pamamaraan

C. Most Essential Learning Competencies (Pamantayan sa Pagkatuto):


Naisasapamilihan ang inalagaang hayop/isda

II. CONTENT

Aralin: Pagsasapamilihan ng Alagang Isda

LEARNING RESOURCES
A. References
1. Teacher’s Guide Pages:
1. Learner’s Materials Pages: Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, nina
Gloria A. Peralta, EdD, et al. pages 97-98
2. Textbook Pages: N/A
3. Additional Materials from Learning Resources (LR) Portal: MELC EPP
B. Other Learning Resources: pictures and other visual materials
Picture references:
▪ https://www.google.com/search?q=eggs+in+tray&tbm=isch&ved=2ahUKEwjdksHInNTrAhXKAKYKHdt
ECpYQ2-
cCegQIABAA&oq=eggs+in+tray&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgA
EB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB46BAgAEEM6BggAEAgQHlCyG1jPM
mCPNWgDcAB4AIAB4AGIAYINkgEGMC4xMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img
&ei=waxUX52uMcqBmAXbiamwCQ&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=h_qAd1kcaqA1MM
▪ https://www.google.com/search?q=eggs+in+tray&tbm=isch&ved=2ahUKEwjdksHInNTrAhXKAKYKHdt
ECpYQ2-
cCegQIABAA&oq=eggs+in+tray&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyBAgAEB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBAgA
EB4yBAgAEB4yBAgAEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBRAeMgYIABAFEB46BAgAEEM6BggAEAgQHlCyG1jPM
mCPNWgDcAB4AIAB4AGIAYINkgEGMC4xMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img
&ei=waxUX52uMcqBmAXbiamwCQ&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=h_qAd1kcaqA1MM
▪ https://www.google.com/search?q=girl+selling+seafood&tbm=isch&ved=2ahUKEwifsvDanNTrAhVUA
JQKHZElCfQQ2-
cCegQIABAA&oq=girl+selling+seafood&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoGCAAQCBAeOgQIABAT
OggIABAIEB4QE1Ca4AJYvPMCYNf1AmgAcAB4AIABvgGIAd4KkgEDMi45mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1
pbWfAAQE&sclient=img&ei=6KxUX5-
eFNSA0ASRy6SgDw&bih=553&biw=1226&hl=fil#imgrc=l57GwDwYnYDxxM

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Bago tayo dumako sa bagong aralin, magbalik


aral tayo sa iyong natutunan. Ano-ano ang mga
kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
pag-aalaga ng mga hayop sa iyong tahanan?

16 | P a g e
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ang pag-aalaga ng isda ay iniaangkop sa laki ng lugar o palaisdaan at sa kakayahan at


capital ng mag-anak na nais mag-alaga nito. Mahalaga ang pagiging masikap, matiyaga,
at mapagmatiis sa pag-aalaga. Sa araling ito, tatalakayin ang istratehiya sa pamimilihan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pag-aralan ang mga larawan. Kung sakaling


ikaw ay magbebenta ng produkto. Anong
pamamaraan ang iyong gagawin upang tangkilikin
ito ng mga mamimili?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Nasubukan mo na bang magbenta


ng mga produkto? Ano-ano ang mga
paraan na iyong naisip para mabilis itong
maubos? Sa pagbebenta o
pagsasapamilihan ng mga produkto, may
mga paraan na maaaring sundin. Ano-ano
ang mga ito?

Kapag handa na ang iyong produkto


kailangan pag-aralan mo kung paano ang
distribution nito gaya ng kung saan mo
ibebenta ang mga itlog.

17 | P a g e
Ang mga hayop na inaalagaan ay inaani rin tulad ng gulay. Kung kailangan,
dinadala sa pamilihan at ipagbibili nang buhay. Maging maingat lamang sa paghawak o
paglilipát ng mga ito upang hindi mamatay agad at mabilasa. Upang maging
matagumpay ang paghahayupan maaaring gumawa ng simpleng anunsiyo o kaya ang
flyers na ibibigay sa mga kakilala, kapitbahay upang maipaalam lamang ang
pagsasapamilihan ng iyong produkto. Maaari ka ring nigbenta online para sa mas malawak
na sakop. Ang mga paraan kung paano isagawa ang onlifle selling ay pag-aaralan sa
ikatlong yunit — ang Edukasyong Pantahanan,

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng kasanayan #2

Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng Produkto

1. Pakyawan – ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin ang produkto.


Nag- uusap at nagkakaroon ng kasunduan sa presyo ang may-ari at
mamamakyaw. Ang lahat ng produkto ay makukuha ng mamamakyaw na
siyang magbebenta nito ng direkta sa pamilihan.

2. Lansakan o maramihan – ito ang isang paraan ng pagbebenta na ginagawa


nang maramihan. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o trey ng mga itlog.
Humahango ng maramihan ang mamimili upang ipagbili ng tingian sa
palengke.

3. Tingian – ang paraan ng pagbibili ng tingian ay sa kakaunting bilang


batay sa pangangailangan ng mamimili tulad ng:
a. Kilo – ginagamit ang kiluhan sa
pagbebenta ng produkto. Ang
timbang ang basehan ng presyo o
halaga ng produkto tulad ng karne.

b. Bilang – binibilang ang produkto


na may nakatakdang presyo. Maaari
rin ipagbili ng dosena.

c. Piraso – ang produkto ay


maaaring bilhin kada piraso ayon sa
laki

Wastong Pagkukuwenta ng Pinagbilhan

Narito naman ang isang halimbawa kung paano ginagawa ang pagtutuos ng halaga ng
pinagbilhan ng isda.

HALIMBAWA:

18 | P a g e
Talaan ng Gastos at Kinita sa Pagsasapamilihan ng Produkto

F. Paglinang sa Kabihasnan

PANUTO: Ibigay ang mga paraan ng pagsasamilihan ng produkto at ipaliwanang ang


bawat isa.

1.

2.

3.

19 | P a g e
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

SAGUTIN: Ano sa tingin mo ang mabisang paraan ng pagbebenta ng


produkto? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin

❖ Maraming paraan kung paano maibebenta ang isang produkto o mga


hayop na inaalagaan. Umisip lamang ng istratehiya na angkop at
makakaakit ng mga mamimili.

I. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Isulat kung ano ang tinutukoy ng bawat bilang.

1. Paraan ng pagbibili kung saan kakaunting bilang


batay sa pangangailangan ng mamimili.
2. Ang timbang ang basehan ng presyo o halaga ng
produkto tulad ng karne.
3. Ang paraang ito ay nagaganap bago pa anihin
ang produkto.
4. Ang produkto ay maaaring bilhin ng tig isa ayon sa laki.
5. Ang bilihan ay maaaring bawat basket o trey ng mga itlog.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin

PANUTO: Gumawa ng isang simpleng brochure o leaflet upang maibenta ang mga
produkto/isda/hayop. Maaaring gumamit ng computer o internet sa paggawa kung
mayroon sa bahay. Kung wala, iguhit na lamang ito sa sagutang papel. Maging malikhain
sa paggawa.

20 | P a g e

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy