0% found this document useful (0 votes)
150 views28 pages

Q2 AralPan 8 - Module 5

ARALING PANLIPUNAN 8 MODULE 5 QUARTER 2

Uploaded by

rhealinne16
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
150 views28 pages

Q2 AralPan 8 - Module 5

ARALING PANLIPUNAN 8 MODULE 5 QUARTER 2

Uploaded by

rhealinne16
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 28

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga
Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-Usbong ng
Europe sa Panahong Medieval
Araling Panlipunan– Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 5: Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga
Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahon Medieval.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na nag handa ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano manggamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa ano mang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
PangalawangKalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Royden N. Alampayan


Tagasuri: Cleofa R. Suganob at Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit: Jean Clarisse R. Suganob
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Chief Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/ 228 3670

E-mail Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph


8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:

Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon:


Mga Pangyayaring Nagbigay-daan
sa Pag-Usbong ng Europe
sa Panahong Medieval
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod napagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Ang Daigdig sa Panahon ng
Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa
Panahon Medieval”.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnayang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalamanang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa “Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring
Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahon Medieval”.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o saiyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka saloob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa na unang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
Karin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isip ang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kumusta ka na mag-aaral? Handa ka na ba sa panibagong aralin na iyong


sasanayin sa bahaging ito?
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang malilinang ang iyong kaalaman
hinggil sa kalagayan ng mundo sa Panahon ng Transisyon. Tatalakayin sa araling
ito ang mga pagbabagong naganap sa Europa na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval kung paano nga ba nagbago ang pamumuhay ng
mga taga Europa sa panahong medieval. Mauunawaan mo dito ang mga
kaganapan sa sistemang politika, ekonomiya at sosyo-kultural na naging dahilan
sa malaking pagbabago sa Europa noong gitnang panahon.
Naglalaman din ang modyul na ito ng mga Gawain na inaasahang
makakatulong sa iyo upang maintindihan mo at lalong mapalalim ang iyong
kaalaman tungkol sa aralin. Ang Araling ito ay nakabatay sa Most Essential
Learning Competencey para sa Baitang 8 na: Nasusuri ang mga pagbabagong
naganap sa Europa sa Gitnang Panahon. (AP 8 DKT-IIf-9/AP 8 DKT-IIi-13)
Mula sa nabanggit na kasanayan pag-aaralan mo ang sumusunod na mga
paksa:
 Politika (Pyudalismo, Holy Roman Empire)
 Ekonomiya (Manoryalismo)
 Sosyo-Kultural (Paglakas ng Simbahang Katoliko, Krusada)
Pagkatapos mong pag-aaralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang;

 nabibigyan ng kahulugan ang mga salitang piyudalismo, manoryalismo,


simbahang katoliko at krusada.
 natutukoy ang mga mahahalagang kaganapan na nagbibigay-diin sa
pagbabagong naganap sa Europa noong gitnang panahon.
 nakapagbibigay ng sariling pananaw o desisyon hinggil sa pagbabagong
naganap sa Europa sa gitnang panahon na maaaring makakatulong sa
kasalukuyang pagsasabuhay.
Bago tayo tuluyang dumako sa paksa ay subukan mo muna sagutin ang mga
katanungan sa bahaging SUBUKIN na nasa unahan upang magabayan ka sa iyong
pag-aaral tungkol sa paksa. Maaari kanang mag umpisa!

1
Subukin

Kumusta ka na mag-aaral? Handa ka na ba? Susubukin naman sa


bahaging ito ng modyul ang iyong kakayahan sa pagsagot sa mga katanungan sa
panimulang gawain sa pamamagitan ng maramihang pagpipili. Ang gawaing ito ay
susubok sa iyong mga nalalaman upang maihanda ka sa panibagong aralin o
kaalaman.

Tandaan na sa bahaging ito, ikaw ay hindi inaasahang makakuha ng


perpektong sagot at mataas na puntos. Ito ay isa lamang paunang pagsasanay
upang masubok ang iyong kakayahan.

I. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na


nakabatay sa pagmamay-ari ng lupa.
A. Katoliko B. Krusada C. Manoryalismo D.Piyudalismo

2. Ito ay isang sistema ng Piyudalismo noong gitnang panahon sa Europa na kung


saan ipinagkaloob ng Lord ang lupa sa isang vassal?
A. Barter B. Fief C. Guild D. Manor

3. Ito ay tumutukoy sa uri ng mga tao sa panahon ng medieval na nagpaunlad ng


kalakalan at industriya sa Europa?
A. Burgis B. Fief C. Guild D. Manor

4. Bakit tinaguriang “Charles the Great” si Charlemagne bilang isang emperador ng


Roma noong Gitnang Panahon?
A. gusto lang niya ng iba pang pangalan at maging tanyag.
B. isa siya sa mga pinakamahusay at matapang na mandirigma.
C. sa kanyang husay sa pamumuno noong gitnang panahon sa Roma.
D. siya ang pinakamatapang na emperador sa Roma noong gitnang panahon.

5. Sino ang pinakamataas na pinuno sa Roma na siyang kilalang nagbuklod ng


nagkawatak-watak na imperyo sa Roma noong Panahon ng Kadiliman?
A. Emperador B. Hari C. Papa D. Sundalo

6. Ano ang kahulugan ng salitang Katoliko bilang nangungunang kumunidad


noong panahon ng kadiliman sa Europa?
A. Unibersal B. Pandaigdigan C. Pinipili D. Gitnang-uri

7. Ano ang itinuturing na tanging ilaw sa Panahon ng Kadiliman noong gitnang


panahon sa Europa na kung saan naging pag-asa ito ng sangkatauhan?
A. Burgis C. Monghe
B. Hari D. Simbahang Katoliko

2
8. Alin sa sumusunod ang HINDI namamana na posisyon at hindi maaaring
magkaroon ng sariling pamilya noong gitnang panahon sa Europa?
A. Hari B. Kabalyero C. Pari D. Serf

9. Ito ay tumutukoy sa panahon ng panunungkulan at kapangyarihang


panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko?
A. Kaharian B.Kapapahan C. Merkantilismo D.Piyudalismo

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang Latin na “Papa” ng Simbahang Katoliko noong
gitnang panahon?
A. Ama B.Emperador C. Hari D. Pinuno

11. Ito ay tumutukoy sa isang sagradong ekspedisyon na inilunsad ng Simbahang


Romano Katoliko at ng mga Kristiyanong hari na naglalayong mabawi ang
banal na lugar na tinatawag na Jerusalem?
A. Krusada B. Paglalayag C. Pangangalakal D.Piyudalismo

12. Alin sa sumusunod na pahayag ang may wastong paglalarawan ng sistemang


Piyudalismo sa Europa?
A. Itinaguyod ng mga hari ang magarbong pamumuhay.
B. Maraming mamamayang mahirap ang nagkakaroon ng lupain.
C. Pinagbigyan nila ang malayang pamimigay ng lupain sa mga magsasaka.
D. Tradisyon ng mga hari at mga maharlika na bigyang pabuya ang kanilang
mga matatapat na tagasunod.

13.Bakit itinuturing na ang paglingkod ni Charlemagne bilang hari ng Franks ang


siyang naging simula sa pagkabuo ng Holy Roman Empire?
A. isa siyang lider ng mga matatapang barbaro mula sa silangan.
B. isa siyang mabait na haring tumanggap ng Simbahang Katoliko.
C. sa paghahari ni Charlemagne sa Simbahang Katoliko noong medieval.
D. sa pagsunod niya sa kagustuhan at paniniwala ng Simbahang Katoliko.

14.Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na bigo ang mga inilunsad


na Krusada ng Simbahang Katoliko na naglalayong mabawi ang banal na
lugar nito sa Israel?
A. Hindi tuluyang nabawi ang Banal na Lupain.
B. Maraming buhay ang nabuwis sa pakikidigma.
C. Nagkaroon ng pag-unlad sa kaalaman at pagbabago.
D. Naipamalas ang kabuktutan at magkakaibang layunin.

15. Sa papaanong paraan nakatulong ang Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng


Europe noong Panahong Medieval?
A. Ipinapakita ng Papa sa mga Kristiyano na siya ay ama ng Europe.
B. Sa pamamagitan ng pagturo ng Simbahang Katoliko upang nagdulot ng
kapayaan.
C. Pagpapairal sa kapangyarihan ng Simbahang Katoliko na nagbibigay
inspirasyon at direksyon sa mga Europeo.
D. Pagturo ng mga monghe ng kapangyarihan ng dasal at pakikipaglaban
upang isulong ang pansariling kapakanan.

3
Aralin Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon:
Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-
3 Usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Mahusay ka mag-aaral dahil iyong natapos nang maayos ang gawaing


Subukin. Sa puntong ito, lalo mong mauunawaan ang aralin sa pamamagitan ng
masinsinang pagbasa at pag-intindi tungkol sa mga mahalagang konsepto ng mga
pangyayari bago naganap ang transisyon sa daigdig.

Ang pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil, ang


pagkakataon para bumangon ay pagkakataon din para muling umunlad. Ang
pagbangon ay isang mahalagang pangyayaring maaring ituring na isang transisyon.
Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong isang transisyon?

Pinagtutuunan sa modyul na ito ang mga pangyayari sa transisyonal na


panahon. Sa pagitan ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang
naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng
mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan? Paano
nakaapekto ang mga pangyayari sa transisyonal na panahon sa paghubog ng
pagkakakilanlan ng bansa at relihiyon sa daigdig?

Halina’t iyo itong tuklasin.

Balikan

Isang mapagpalang araw sa inyo aking mag-aaral. Ngayon ating balikan ang
nakaraang aralin, natutunan mo ang maraming mga kontribusyon at
impluwensiya ng Kabihasnang Klasikal sa America at Africa at ang kultura ng mga
mamamayan sa mga pulo sa Pasipiko. Sa Africa, isa sa mga makapangyarihang
imperyo dulot ng kalakalan ay ang Ghana, Mali at Songhai. Umunlad ang
kanilang pamayanan at ang naging pangunahing dahilan ay ang kanilang
pakikipagkalakalan. Umusbong ang mga nasabing kabihasnan dulot ng
pakikipaghalubilo sa iba’t ibang lahi sa labas ng kontinente.
Dagdag pa dito, nakikilala din ang mga bagong pulo sa Pacific o Pacific
Islands. Ang taltong malalaking pangkat na ito ay ang Micronesia na galing sa
dalawang salitang Micro- na ang ibig sabihin ay maliit at nesia naman na
nangangahulugang isla. Ang pangalawa ay ang Polynesia mula sa salitang Poly
na ang ibig sabihin ay marami at nesia namann na nangangahulugang isla,at
ang panghuli ay ang Melanesia na galing sa salitang Mela –maitim at nesia na
ang ibig sabihin ay isla.

4
Ngayon sagutin mo ang gawain sa ibaba para balikan ang iyong napag-
aralan sa nakaraang aralin, at upang maihanda ka sa bagong aralin na iyong pag-
aaralan sa modyol na ito. Kaya simulan mo na.
Gawain 1. Kilalanin Natin
Panuto: Kilalanin ang salita o grupo ng mga salita sa bandang kaliwa at tukuyin
kung saang kabihasnan umusbong ang mga lugar o ang pangyayaring nabanggit.
Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa sagutang papel.

Africa Mesoamerica Pulo ng Pacific

1. Ghana _________________________________

2. Melanesia _________________________________

3. Maya _________________________________

4. Polynesia _________________________________

5. Songhai _________________________________

6. Kalakalan bilang dahilan sa pag-unlad ng kabihasnan ___________________

7. Kabihasnang binubuo ng kapuluan _________________________________

8. Kabihasnang gumawa ng Floating Garden _______________________________

9. Ivory bilang isa sa mga kalakal _________________________________

10. Mga maliliit at maiitim na mga tao _________________________________

Mga Tala para sa Guro


Upang mas lalo mong maintindihan ang paksang araling na pag-
aaralan sa modyul na ito, makakatulong sayo ang pagsagot sa bahagi ng
gawain at ang pagbasa ng Modyul tungkol sa Kasaysayan ng Daigdig.
Maari ka ring gumamit ng karagdagang materyal mula sa internet at iba
pang babasahin tulad ng Learning Module sa Araling Panlipunan 8 at iba
pa.

5
Tuklasin

Magaling ka mag-aaral! Ngayon ay bibigyan ka ng isang gawain upang


tulungan kang unawain ang aralin sa modyul na ito.
Sa bahaging ito ay tutuklasin mo ang aralin sa pamamagitan ng pagsuri sa
larawan na nasa ibaba bilang Gawain 2. Ito ay makakatulong sa pag-alam ng iyong
kakayahan sa araling “Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa
Panahong Medieval”.
Handa ka na ba?
Gawain 2: Pik-tuklas
Suriin mabuti ang larawan sa ibaba at sagutin ang kasunod na
pamprosesong tanong. Isulat sa isang buong papel ang iyong mga kasagutan.

Pamprosesong tanong:
1. Para sa iyo, ano ang nais ipabatid ng larawan?

2. Sa iyong pananaw, nakakabuti ba sa mga tao ang ganitong sistema ng


pamayanan? Oo o Hindi. Patunayan.

RUBRIK
Puntos 10 7 4 1
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
Pamantayan naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ideyang
sa malalim, sapat sapat at simpleng ideya inilahad.
pagwawasto at makabuluhang na
makabuluhang ideya na ginagabayan
ideya na ginagabayan ng matalinong
ginagabayan ng ng matalinong pananaw.
matalinong pananaw.
pananaw.

6
Suriin

Binabati kita dahil nasagutan mo na ang panimulang gawain sa subukin at


tuklasin. Ngayon ay handa ka na upang pag-aralan ang panibagong aralin hinggil
sa panahon ng transisyon.
Matutunan mo ang kaugnayan nito sa ating pamumuhay sa kasalukuyan
at maging sa hinaharap. Kaya magbasa tayo at matuto!
Ang Pagtatag ng Piyudalismo
Ang Piyudalismo ay isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar
na nakabase sa pagmamay-ari ng lupa. Sa panahong medieval, ang sistemang
piyudalismo (Feudalismo) ang larawan ng sosyo-ekonomiko at ito ay nakabatay sa
sistema ng pagmamay-ari ng lupain. Tradisyon noon ng mga hari at mga
maharlika na bigyang pabuya ang kanilang mga matatapat na tagasunod. Ang
ibinigay na lupain (kasama ang mga naninirahan) ay tinatawag na “fief” mula sa
salitang Latin na Feudum.
Binabahagi ng hari ang kanyang kaharian at namimigay ng mga lupa (fiefs)
sa mga maharlika. Bawat feudal Lord (siya man ay isang hari, maharlika o isang
kabalyero) ay makapangyarihan sa lahat ng kanyang nasasakupan at kinikilalang
hari sa kanyang sariling fief o domain. Kapag ang lord ay nagbibigay ng lupa (fief)
sa kanyang vassal, kapalit nito ay nanunumpa ang vassal na maging matapat sa
kanyang lord sa pamamagitan ng isang seremonya na “homage”.
Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo
Ang lipunan sa panahon ng Piyudalismo ay nahahati sa tatlong pangkat.
Ito ay ang mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin o (serf).
1. Pari- sila ay hindi itinuturing na natatanging sektor sa lipunan sapagkat hindi
namamana ang kanilang posisyon. Hindi rin sila pwedeng magkaroon ng sariling
pamilya. Maari lamang manggaling ang mga pari sa uri ng mga Maharlika,
manggagawa at alipin.
2. Kabalyero- sila ay mga maharlikang sundalo. Naglilingkod sila sa mga hari at
sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop. Sila ay
binibigyan ng mg lupain bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Sila ang pinaka
unang uri ng maharlika at maaaring magpamana ng kanilang mga lupain.
3. Serf- sila ang pinakamababang antas ng tao sa lipunan. Nanatili silang nakatali
sa lupang kanilang sinasaka at nakatira lamang sila sa maliit na silid. Wala silang
pagkakataon na umangat ang kanilang estado sa buhay. Sila ay maaaring
makapag-asawa sa pahintulot ng kanilang panginoon (lord). Lahat ng kanilang
gamit pati na ang kanilang mga anak ay pag-aari rin ng panginoon.
Sa makatuwid, nagiging basehan ng kapangyarihan sa panahon ng
medieval ang sistemang piyudalismo. Ang sino mang may pag-aari ng malalaking
lupain ang nagiging basehan nang kanilang pagkikilala na sinusunod naman ng

7
lipunan. Sa ilalim ng feudal system, walang pag-asang magmay-ari ng lupa o
bahay ang mga mahihirap.
Ang Holy Roman Empire
Ang Holy Roman Empire ay isang monarkiyang piyudal na ipinangalan sa
Imperyong Romano na itinatag ni Charlemagne, na kinurunahan bilang emperador
ng Roma. Ang imperyong ito ay tumagal sa loob ng sampung siglo (800–1806).

Ang pagkakatatag ng Holy Roman Empire ay hindi naging madali dahil sa


maraming mga tao sa gitnang panahon ang gusto itong maangkin. Naging
masalimuot ang mga pangyayari na siyang nagdulot sa maraming mga tunggalian
ng bawat isa. Ito din ang naging daan sa paglitaw ng mga kilalang lider sa panahon
ng medieval.
Si Charles Martel ay isa sa mga Mayor ng palasyo na tumalo sa mga
mananalakay na Muslim. “Pepin the Short” ang unang hinirang na hari ng bansang
France. Siya ang ama ni Charlemagne o “Charles the Great”. Alcuin ang
pinakamahusay na iskolar sa panahon at nagturo ng iba ibang wika. Hinimok niya
ang ibat ibang iskolar sa Europa upang turuan at sanayin ang mga pari at opisyal
ng gobyerno. Sinakop niya ang lugar ng Lombard, Muslim, Bavarian, at Saxon at
ginawang mga sakop ng Kristiyano.Kinoronahan si Charlemagne bilang Emperador
na banal na tinawag na Holy Roman Empire.
Ito ang bumuhay sa Imperyong Roman na pinagsama- sama ang elementong
Kristiyano, German, at Roman na umusbong sa Kabihasnang Medieval. Si Pope
Leo III ang humirang kay Charlemagne bilang “Emperador of the Holy Roman
Empire” na nangangahulugang ito ay ideya ng mga Roman ng isang sentralisadong
pamahalaan. Humalili si Louis the Religious nang pumanaw si Charlemagne noong
814 CE. Hindi naging madali ang pamumuno ni “Louis the Religious” na mapanatili
ang imperyo.
Nang siya ay mamatay, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyong
Roman sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. 1. France- “Charles
the Bald”, 2. Germany- “Louis the German”: 3. Italy- “Lothair”. Dahil sa
pagkawatak-watak ng imperyo, nawalan ng kapangyarihan ang haring Carolingian
sa mga Maharlika at nagkaroon naman ng paglusob ang mga Viking, Magyar at
Muslim. Nagsimula ang isang sistematikong sosyo-ekonomiko. politiko at militari
na tinatawag na PIYUDALISMO.
Ang Manoryalismo
Sa Gitnang panahon, ang sistemang manor ay ang sentro ng lipunan at
ekonomiya ng mga tao. Ito ay sentrong pang-ekonomiko na pinamumuan ng
panginoong nakatira sa kastilyo. Ang feudalismo ang nagpakilala sa manorial
system. Sistemang manoryal (manorial), nakilala ang sistemang agrikultural na
nakasentro sa nagsasariling estadong kung tawagin ay manor.
Ang salitang “Manor” ay tumutukoy sa kastilyo ng lord at sa palibot na
lupain nito. Ang mga serf ay mga mahihirap na uri ng tao na siyang nagbubungkal
ng mga lupain. Sila ay nagsasaka sa lupain sa maraming henerasyon. Ang bawat
serf ay binibigyan ng maliit sa tahanan at kapirasong lupa upang tamnan. Bilang
kapalit nito ay nagbibigay siya ng libreng serbisyo para sa kanyang lord.

8
Nalinang sa panahong ito ang paliit nang paliit na bilang ng mga bayan sa
Europa. Ang pagbagsak ng Banal na Imperyong Roman ay nagdulot ng kawalan ng
serbisyo mula sa gobyerno at bilang resulta, marami ang nanirahan sa mga manor
ngunit bilang mga alipin.

Alamin Mo!

Bourgeoisie- sila ang mga mangangalakal at banker na bagamat may


salapi ay hindi nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian.
Guild- samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkakatulad na
hanapbuhay.
Merchant Guild- sila ang mga mangangalakal sa pamahalaang bayan na
nagsisikap magkaroon ng iisang batayan ng timbang at panukat na
maaring gamitin ng lahat. Sila din ay may gampanin bilang mga pulis na
nagbibigay ng proteksyon.
Craft Guild- sila ang mga artisan na may trabahong tulad ng karpintero,
barbero, panadero, sastre at iba pang hanapbuhay. Ito ay isang
eksklusibo at para lamang sa kanila at hindi maaaring gumawa ng
produkto ang mga hindi kasali na naturang guild o pangkat.
Ang sistemang manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito. Ang manor ay isang malaking lupang sinasaka. Ang
malaking bahagi ng lupain na umaabot ng 1/3 hanggang ½ ng kabuuang
lupang sakahan ng manor ay pag-aari ng lord at ilan lamang sa mga
magsasaka ang nagmamay-ari ng lupa.

Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko

Dahil sa tuluyang pagbagsak ng Roman Empire ay unti unting umasa ang


mga taga Europa sa Simbahang Kristiyano. Isa ito sa mga dahilan sa paglakas ng
kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Ang Simbahang
Kristiyano na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbarong
sumalakay at nagpabagsak sa Roma. Ito din ang tanging nangangalaga sa mga
pangangailangan ng mga tao.
Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at kasaganaang
material ng imperyo, bumaling ang mga mamamayan sa Simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa
ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa
pamamagitan ni Kristo. Ang Simbahang Katoliko ang tanging institusyong
nagsisilbing ilaw sa mahabang panahon ng kadiliman sa Europa.

9
Ang Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno nito na siyang
nagbubuklod ng nagkawatak-watak na imperyo noong Dark Ages. Tinawag na
“Roman Catholic Church” ang Simbahang Katoliko dahil ito ay itinuring sa
kanluran na “catholic” (unibersal) at ang papa ang pinaka-ulo nito (ama ng lahat).
Higit na nakilala sa kapanahunang ito ang “Kapapahan”. Ang kapapahan (Papa) ay
tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan, at kapangyarihan ng Papa
bilang pinunong Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang pampolitika
bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay nangangahulugang
“AMA” na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon, itinuturing
ng mga Kristiyano ang “Papa” bilang ama ng mga kristiyano na siyang tawag sa
kanya sa kasalukuyan.
Ang simbahan ang pinakamayamang institusyon noong Gitnang Panahon
dahil sa mataas na pagtingin ng mga tao sa aspetong espirituwal. Ang mga tao ay
nagbibigay ng “tithes” (ika-sampung bahagi ng kailang kita o produkto) at ang
bawat pamilya nagbibigay din ng isang “penny” bawat taon, para sa pag-aayos ng
simbahan (Peter’s Pence). Ang papa sa Rome ay lumakas dahil sa tatlong dahilan:
(1) Ang Rome pa rin ang pangunahing lunsod ng Europa, (2) Ayon na tradisyon ang
papa ang tagapagmana ng awtoridad ni San Pedro-ang unang bishop ng Rome, (3)
Ang pamahalaang politikal sa Europa ay mahina at di maayos.
Lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa dahil sa pagkontrol at
pangangasiwa nito sa mga Monghe. Ang mga monghe ay pangkat ng mga paring
tumalikod sa makamundong pamumuhay at naninirahan sa mga monasteryo
upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Dahil sa kanilang
paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” higit silang naka-impluwensiya sa
pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahon ng Medieval. Sila din
ang nagpalaganap ng Kristiyanismo sa iba-ibang dako ng Kanluran Europe sa
ilalim ng pag-uutos na Papa sa Rome.
Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang Simbahang Katoliko.
Ngunit bumagsak ang Holy Roman Empire dahil sa kawalan ng malakas na pinuno
nito. Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem. Dahil din, nanawagan ang Papa ng
paglunsad ng iba-ibang serye ng mga Krusada.

Ang Krusada
Ang krusada ay isang ekpedisyong militar ng mga Kristiyanong hari at
kabalyero ng Europe upang iligtas ang Holy Land mula sa Turkong Muslim.
Inilunsad ang banal na labanang ito laban sa Turkong Muslim na sumakop sa
banal na pook na Jerusalem dahil sa panawagan ni Pope Urban II noong 1095.
Hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging Krusador at pinangakuan
niya ang mga ito ng kapatawaran sa mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang;
at kalayaang pumili ng fief mula sa lupa na kanilang nasakop.
Ang Krusada ay galing sa salitang Latin na “crux” (krus). Ang mga
kabalyerong mandirigna ay nagsusuot ng telang pula na may dalang panangga na
may simbolo na krus.

10
ANG SERYE NG KRUSADA

Naganap na Krusada Mahalagang Pangyayari


 Matagumpay na makuha ang Jerusalem noong 1099.
 Naitatag ang Estadong Krusador (malapit sa
Mediterranean).
 Maraming mga Muslim ang napatay kabilang na rin
Unang Krusada ang Kristiyano at Hudyo.
 Ang mga Krusador ay nanatili ng 10 taon sa
Jerusalem subalit sinalakay din sila ng mga kalabang
Muslim.

 Nagkaroon sila ng mga balakid papuntang silangan at


matagumpay na nasakop ang lugar ng Damascus.
Ikalawang Krusada  Nagkasundo din ang mga nagsagupaan at itinigil ang
laban.
 Malayang nakapaglakbay ang mga Kristiyano
patungong Jerusalem sa loob ng tatlong taon.
 Isang labindalawang-taong batang French na si
Stephany ay nainiwala na si Kristo ang namuno ng
Krusada.
Krusada ng mga Bata  Libo-libong mga bata ang sumanib sa krusada ngunit
maraming namatay at marami din ang ipinagbili
bilang alipin sa Alexandria.

 Ang mga Krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal


ng Venice (Italy) na Kristiyanong bayan ng Zara.
 Idineklara ang mga Krusador na excomunicado ng
Papa.
 Nagpatuloy ang pandarambong ng mga Krusador
Ikaapat na Krusada hanggang sa Constantinople at nagtayo sila ng sarili
nilang pamahalaan.
 Napatalsik ang mga Krusador sa Constantinople
noong 1261 at naibalik ang Imperyong Byzantine.
 Napasakamay ng mga Muslim ang Arce na huling
kuta ng mga Kristiyano at ito ang naging dahilan ng
tuluyang paghina ng Krusada.
Iba pang Krusada  Naganap ang serye ng krusada sa mga taong
1219,1224,1228 ngunit bigo sa pagkuha ng HOLY
LAND.
 Ngunit, sa kabuuan ng mga Krusada ay nahawakan
nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at
nanumbalik ang lupaing ito sa mga Turkong Muslim.

Resulta ng Krusada
Nagdulot ng maraming serye ang Krusada sa malawak at maayos na
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng
mga lungsod at malalaking daungan. Ang kulturang KRISTIYANO ay napayaman
din.

11
Pagyamanin

Kumusta ka mag-aaral, Sa bahaging ito ay pagyamanin mo ang iyong


kaalaman tungkol sa araling napag-aralan mo. Ang susunod na gawain ay
pagpapayaman ng iyong kaalaman tungkol sa paksang napag-aralan mo. Subukin
mo ang iyong sarili. Simulan mo na!
Gawain 3: History Frame
Punuin mo ng kaukulang impormasyon sa history frame sa ibaba at ikwento
mo ang mga natutunan mo sa modyul na ito. Pumili ng isa sa mga paksang
Piyudalismo, Markantilismo, Simbahang Katoliko o Krusada.
Gawin ang History Frame sa ibaba gamit ang coupon bond bilang sagutang
papel.

Mga Tauhan:

Paksa:

Suliranin/Layunin:

Mahahalagang Kahinatnan/Resulta:
Pangyayari:

Natutunan:

12
Isaisip

Mahal kong mag-aaral, ipagpatuloy mo lang ang iyong masigasig na pag-


aaral tungkol sa araling ito. Ang susunod na gawain ay magpapalalim ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang napag-aralan mo. Subukin mo ang iyong sarili sa
pamamagitan ng pagsagot sa gawin 4 na nasa ibaba. Simulan mo na!
Gawain 4: Venn Diagram
Gamit ang Venn Diagram isulat ang mga katangian ng Merchant Guild at
Craft Guild kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba.

Merchant Guild
Craft Guild

Aking natutunan:

13
Pagnilayan Mo!
Sa madaling salita, ang mga pagbabago sa lipunan na
nararanasan ng mga taga Europa sa pahanon ng medieval
ay maihahalintulad natin sa mga pangyayari sa ating
lipunan sa kasalukuyan. Bagamat, may iilang grupo na
nagtatanggol sa karapatan ng bawat tao katulad ng
Commission on Human Rights (CHR), marami pa ring mga
pang-aabuso ang nangyayari. Ang pagtatanggol ng
komisyong ito ay nagbibigay ng lakas sa iilang mga mama
na nagtatanggol sa pangunahing karapatan ng bawat isa.
Kung ating mapapansin sa panahon ng transisyon ay
mayroong tinatawag na hirarkiya ng kapangyarihan
partikular na sa pag mamay-ari ng mga lupain. Ito ay
nangangahulugan na ang lipunan ay hindi patas para sa
lahat. Sa ating lipunan sa kasalukuyan, ang bawat isa ay
binibigyan ng karapatan na makapamuhay na naayon sa
gusto niya maliban nalang kung ito ay hindi legal o hindi
naayon sa batas.
Ang pagiging isang miyembro ng lipunan ay may kaakibat
na responsibilidad at makikita natin ito sa pamumuhay ng
mga taga Europa sa panahon ng Medieval. Bilang Pilipino
tayo ay nasa iisang bansa at nararapat lamang na sumunod
tayo sa mga alituntunin at batas. Kaya nga ang sino mang
nagkasala dito ay dapat na parusahan kahit ikaw pa ang
pinaka- makapangyarihan sa bansa. Ang bansang tulad ng
Pilipinas ay katulad din ng lipunan sa panahon ng Medieval
may mga lider o pinuno na dapat magpatupad ng batas
kaya nga lang sa kasalukuyang panahon ay dapat pantay-
pantay ang pagpapatupad nito at walang dapat na pinipili.
Sa usapin naman ng Krusada ito’y isang magandang
hangarin upang mabawi ang banal na lungsod na
Jesuralem. Ito ay nagpapakita ng magandang kaugalian ng
mga tao sa pagmamahal sa kanilang Diyos. Kung ating
ihahalintulad sa kasalukuyang panahon maging sa ating
bansa. Ang mga Pilipino ay likas na madasalin at may takot
sa Diyos. Kaya nga maraming mga bahay dasalan at mga
relihiyon ang nandito sa Pilipinas. Ito ay isang kaugalian na
kilala ang Pilipino sa buong mundo.

14
Isagawa

Kumusta ka mag-aaral! Sa bahaging ito ay mas lalong palalawakin ang


iyong natutunan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawin 5. Suriing mabuti ang
sitwasyon sa ibaba at gamitin ang iyong mga natutunan hinggil sa pagbabagong
naganap sa Europa sa gitnang panahon
GAWAIN 5: Kaalaman mo! Isulat o Ipinta Mo!
Sitwasyon: Ikaw ay napiling lider ng iyong barangay. Napapansin mo na
namamayani ang malayong pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na ka-baryo
mo. Ang malawakang pagmamay-ari ng lupain ng mga mayayaman at ang pang-
aalipin sa mga nasasakupan nitong manggagawa at magsasaka ay talamak.
Maraming naapi na kabaryo mo ang patuloy humihingi ng saklolo sa mga naka-
posiyon sa gobyerno, ngunit hindi ito pinakinggan. Ano ang maari mong maitulong o
gagawin upang magkaroon ng magandang pag-asa sa buhay ang mga tao lalo na
ang mga kabataan? Kung mayroon kang mga programa, paano mo maisasagawa ito
na maari ding mabigyang-halaga at ipagpatuloy sa susunod na henerasyon?
Gumawa ka ng isang kuwento, tula o maaari mong iguhit ang iyong
kaalamang ninais na iparating sa iyong ka-baryo batay sa sitawasyon. Ihayag mo
din ang iyong mga natutunan sa gawaing ito. Gumamit na malinis na long-sized
coupon bond sa pagsasagawa nito. Ang kasunod na rubriks sa ibaba ay
magsisilbing gabay mo sa gawaing ito.

Ang aking mga


mahahalagang
natutunan:
________________

________________

________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA

Puntos 10 7 4 1
Pamantayan Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
sa paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
Pagwawasto naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ideyang
malalim, sapat at sapat at simpleng ideya inilahad.
makabuluhang makabuluhang na ginagabayan
ideya na ideya na ng matalinong
ginagabayan ng ginagabayan ng pananaw.
matalinong matalinong
pananaw pananaw

15
Tayahin

Madayaw! Maligayang pagbati sa iyo, tapos mo nang pag-aralan ang mga


mahahalagang konsepto, ideya at aral na iyong natutunan. Gamit ang mga aral na
ito, mas mapapalawak nito ang iyong perspektibo sa buhay.

Sa Tayahin, susubukin ngayon ang iyong natutunan sa aralin na ito.


Pakatandaan na ito ay isang Summative Assessment ikaw ay inaasahang
makakakuha ng mataas na puntos.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin ang
titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay isang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko, at militar na nakabatay sa


pagmamay-ari ng lupain noong panahon ng medieval?
A. Awtoritaryan B. Demokrasya C. Merkantilismo D. Piyudalismo

2. Sa Sistemang Piyudalismo noong panahon ng Medieval sa Europa. Sino ang


itinutring na feudal lord?
A. Mga alipin na walang ari-arian.
B. Sila ay mga magsasaka at mandirigma.
C. Sila ay mga mangangalakal at mangagawa.
D. Siya ay isang hari, maharlika o isang kabalyero

3. Ito ay tumutukoy sa ibinigay na lupain sa mga matatapat na tagasunod ng hari


at mga Maharlika.
A. Barter B. Fief C. Lord D. Manor

4. Sa panahong medieval, ang sistemang piyudalismo ay umiiral sa pamamagitan


ng pamimigay ng lupain sa mga mabuting tagasunod ng hari o Maharlika. Ano
sa palagay mo ang tanging dahilan nito?
A. Ito ay pagpapakita ng kabaitan ng hari at Maharlika.
B. Resulta sa katapatan ng paglilingkod sa kanilang hari.
C. Kabayaran ang lupain sa serbisyong ibigay ng mga alipin.
D. Gustong ibahagi ang malalawak na lupain sa mga mahihirap.

5. Alin sa sumusunod ang pangkat ng mga tao sa ilalim ng sistemang Piyudalismo?


A. Grupo nga mga iskolar, serf, kabalyero, at kaparian.
B. Mga pari, kabalyero o maharlikang sundalo at mga alipin.
C. Pangkat ng mga mangangalakal, mandirigma, at mga krusador.
D. Sila ang mga mambabatas, feudal lord, kabalyero, serf, at mga alipin.

6. Sa pag-unlad ng kalakalan at paglawak ng mga bayan sa panahong medieval ay


may isang grupo ng mga tao na tinatawag na mangangalakal, ngunit hindi
nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian. Ano ang tawag sa grupong ito?

16
A. Burgis B. Fief C. Guild D. Manor

7. Ito ay isang monarkiyang piyudal na ipinangalan sa Imperyong Romano na


itinatag ni Charlemagne.
A. Imperyo ng Byzantine C. Imperyong Persia
B. Imperyong Ottoman D. Imperyong Roma

8. Ang emperador na ito ay kinurunahan ni Pope Leo III, bilang emperador ng


Roma na nagpatupad ng isang sentralisadong pamahalaan na sinundan ni Louis
the Religious?
A. Augustus C. Constantine
B. Charlemagne D. Louis the Religious

9. Bumagsak ang Imperyong Romano mula sa maayos na pamumuno ng mga


magigiting at matatalinong mga pinuno nito. Sa iyong sariling pananaw, ano ang
tanging dahilan sa pagbagsak ng isang imperyo?
A. Lumakas ang kapangyarihan ng maharlika at mangangalakal.
B. Paglusob ng mga Persyano, Viking, Magyar, Nordic, at mga Muslim.
C. Nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan sa pamumuno ng pangulo.
D. Pagkawatak-watak ng imperyo at nawalan ng kapangyarihan ang hari.

10. Ito ay isang sistema na tumutukoy sa sentrong pang-ekonomiko na


pinamumuan ng panginoong nakatira sa kastilyo, noong gitnang panahon sa
Europe.
A. Sistemang Agrikultural C. Sistemang Militarismo
B. Sistemang Manor D. Sistemang Piyudal

11. Alin sa sumusunod ang naging dahilan sa paglakas ng kapangyarihan ng


Simbahang Katoliko at ng kapapahan pagkatapos bumagsak ang ginituang
panahon ng imperyomg Romano?
A. Ang Simbahang Katoliko ang tanging lumalaban sa mga barbaro.
B. Ang simbahang Katoliko ang nagbigay ng pangako ng kaligtasan.
C. Ito ang tanging inaasahan na muling manumbalik ang lakas-militar.
D. Ito lang ang tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro.

12. Bakit lubusan ang pagtitiwala ng mga taga Europa sa Simbahang Katoliko?
A. Dahil ito lang ang tanging institusyon lumalaban sa mga barbaro.
B. Dito natititpon ang mga taong madasalin at malalapit sa Panginoon.
C. Ito ang institusyong may malakas na kapangyarihan laban sa mga
mananakop na barbaro.
D. Simbahang Katoliko ang tanging institusyong nagsisilbing ilaw sa mahabang
panahon ng kadiliman sa Europa.

13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na bigo ang Krusada?


A. Hindi tuluyang nabawi ang Banal na Lupain.
B. Maraming buhay ang nabuwis sa pakikidigma.
C. Nagkaroon ng pag-unlad sa kaalaman at pagbabago.
D. Naipamalas ang kabuktutan at magkakaibang layunin.

17
14. Paano nakatulong ang mga monghe sa paglakas ng Simbahan at
pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
A. Naging guro sila sa mga unibersidad noon.
B. Itinaguyod nila ang magarbong pamumuhay.
C. Pinag-isa nila ang Simbahang Katoliko at Orthodox.
D. Pinalawak nila ang katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan.

15.Sa anong paraan nakatulong ang Simbahang Katoliko sa pag-usbong ng


Europe sa Panahong Medieval?
A. Ang pagturo ng paniniwala ng Simbahang Katoliko sa mga paganong barbaro.
B. Ipinakita na ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano ay siya ring ama ng
Europe.
C. Pinairal ang malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong
panahong Medieval.
D. Tumutukoy sa panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon
ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.

Binabati kita sa pagsagot mo sa gawaing ito ngunit


ramdam kong marami ka pang gustong matutunan at
gustong madiskubre. Tama? Huwag mag- alala dahil
nandito ako upang gabayan ka sa mga araling inihanda
para sayo. Naniniwala akong dahil sa interes at sipag mo
matatapos mo ang araling ito ng buong husay. Naway
pagpalain ka palagi ng Poong Maykapal.

18
Karagdagang Gawain

Kumusta ka mag-aaral. Masaya akong babati sa iyo dahil nagawa mo ng


maayos ang iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Gawain 6: Kaalaman Mo! Isalaysay Mo!

Sa bahaging ito, dadagdagan ang iyong kaalaman sa napag-aralan mong


aralin at upang mas lalong lumawak ang iyong kaalaman. Gumawa ka ng isang
sanaysay na binubuo ng dalawang saknong at hindi bababa ng limangpu na salita
(50 words) tungkol sa iyong natutunan mula modyul na ito, gamiting gabay ang
tanong sa ibaba sa paggawa ng iyong sanaysay. Isulat ang iyong sanaysay sa isang
malinis na papel o coupon bond. Simulan mo na!

Gabay na tanong:

1. Batay sa pagbabagong naganap sa Europa sa gitnang panahon. Anong


mahahalagang aral ang iyong natutunan?
2. Ilahad sa iyong sanaysay, kung anong pagbabago batay sa naganap sa Europa
sa gitnang panahon ang iyong mahahalintulad sa kasalukuyang panahon?

Pamantayan sa Pagwawasto
Tema/Paksa Mensahe Orihinal Kalinisan at Anyo ng Kabuuan
Gawa
Angkop ang May
gawain sa tema o masidhing Malikhaing Kalinisan at kalidad sa
paksaa damdamin paggawa paggawa

15% 15% 10% 10% 50%

19
Susi sa Pagwawasto

Tayahin
Subukin 1. D
1. D Balikan 2. D
2. B 3. B
3. A 1. Africa 4. C
4. C 2. Pulo ng Pacific 5. B
5. C 3. Mesoamerica 6. A
6. A 4. Pulo ng Pacific 7. D
7. D 5. Africa 8. B
8. C 6. Africa 9. D
9. B 7. Pulo ng Pacific 10. B
10. A 8. Mesoamerica 11. D
11. A 9. Africa 12. D
12. D 10.Mesoamerica 13. A
13. D 14. D
14. A 15. C
15. C

20
Sanggunian

Blando et,al (2016). Kasaysayan ng Daigdig. Pasig City (DepEd-BLR) p.224-270

Blando et,al (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Pasig City.


1Eduresources Publishing, Inc. p. 197-199

Samson, MC. B., et al (2010). Kayamanan: Kasaysayan ng Asya, 856 Nicanor


Reyes, Sr. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue,


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph


Lrmds.davaocity@deped.gov.ph

22

You might also like

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy