Pumunta sa nilalaman

Carlos P. Romulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Carlos P. Romulo
Si Carlos P. Romulo noong 1979.
Kapanganakan
Carlos Peña Romulo

14 Enero 1899
Kamatayan15 Disyembre 1985
NasyonalidadPilipino
LaranganPanitikan
Pinag-aralan/KasanayanPamantasan ng Pilipinas, Pamantasang Columbia, Pamantasang Notre Dame, Indiana, Kolehiyong Rolins, Florida, Pamantasan ng Atenas
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan
1982

Si Carlos Peña Romulo (14 Enero 1899, Camiling, Tarlac, Pilipinas - 15 Disyembre 1985, Maynila, Pilipinas) ay isang Pilipinong diplomatiko, politiko, sundalo, mamamahayag at manunulat. Sa gulang na labing-anim, naging isang tagapagbalita siya at naging isang patnugot naman ng isang pahayagan sa gulang na dalawampu. Nagkaroon siya ng palimbagan sa gulang na talumpu’t dalawa. Isa rin siya sa nagtatag ng Boy Scouts of the Philippines.

Nagtapos si Carlos Romulo sa Unibersidad ng Pilipinas (Batsilyer sa Sining) noong 1918 at maging sa Columbia University (Pantas sa Sining) sa New York noong 1921; Notre Dame University, Indiana (Paham sa mga Batas) noong 1935; Rolins College sa Florida (Paham sa Panitikan) noong 1946; maging sa Pamantasan ng Athína, Gresya (Paham sa Pilosopiya) noong 1948; muli, sa Pamantasan ng Pilipinas (Honoraryong Paham ng mga Batas) noong 1949 at sa Harvard University (Paham ng mga Batas Honoris Causa) noong 1950.

Karerang pampolitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Romulo ang naglingkod sa ika siyam na Pangulo ng Pilipinas magmula kay Pangulong Manuel Quezon hanggang kay Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang miyembro ng gabinete o bilang kinatawan ng Pilipinas sa Estados Unidos at sa United Nations.

Naglingkod rin si Romulo bilang Pangulo sa Ika-apat na Pangkalahatang Pagpupulong ng Mga Nagkakaisang Bansa noong 1949 hanggang 1950 at naging pinuno rin ng Sangguniang Pangkaligtasan ng U.N.. Naglingkod rin siya, kasama ni Heneral Douglas MacArthur sa Pasipiko ay naging kinatawan ng Pilipinas sa Amerika at naging kauna-unahang Asyano na nagwagi ng bantog na Pulitzer Prize sa Panulat noong 1942. Ayon sa Pulitzer Prize, nagwagi si Romulo ng Philippine Herald "dahil sa kanyang galing sa pagmamasid at paghula sa pagsulong ng mga bansa sa Malayong Silangang Asya noong sya ay bumiyahe sa mga nagulong lugar noon mula Hong Kong hanggang Batavia."

Naglingkod rin siya bilang Pamahayang Kinatawan ng Pilipinas sa Kapulungang Mambabatas ng Estados Unidos mula 1944 hanggang 1946. Siya ang pumirma noong umanib ang Pilipinas sa kasulatan ng pagtatatag ng United Nations noong 1946. Siya ang kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas 1950 hanggang 1952 sa ilalim ni Pangulong Elpidio Quirino, 1963 hanggang 1964 kay Pangulong Diosdado Macapagal at 1968 hanggang 1984 kay Pangulong Marcos.

Sa kanyang karera sa United Nations, isa siyang malakas na tagapasalita patungkol sa karapatang pantao, kalayaan at pananakop. Noong binalangkas at inayos ang tatak ng United Nations, tiningnan niya ang tatak at nagtanong, "Nasaan ang Pilipinas diyan?" Si Senador Warren Austin ng Amerika, pinuno ng kumite sa pagpili ng tatak ang sumagot, "Masyadong maliit ang Pilipinas upang ilagay diyan. Kung ilalagay pa natin ang Pilipinas, magmumukha lamang iyong tuldok.” At muling sumagot si Romulo, "Puwes, ilagay ang tuldok na iyon d’yan. Ngayon, ang nakikita nating tuldok sa tatak ng United Nations sa Pagitan ng Dagat Timog Tsina at Karagatang Pasipiko ay ang tuldok na ipinalagay niya na kumakatawan sa Pilipinas.

Noong 1948 sa Paris, Pransiya, sa ikatlong pangkalahatang pagpupulong ng United Nations, mariin n’yang tinutulan ang isang proposisyong ginawa ni Andrei Vishinsky, delegado ng noo'y Unyong Sobyet. Minaliit at ininsulto nito ang kakayahan ni Romulo at sa kanya ay sinabi, "Isa ka lamang maliit na tao mula sa isang maliit na bansa". Sinagot ito ni Romulo ng "Tungkulin naming mga David sa mundong ito na ipukol ang bato ng katotohanan sa mga mata ng mayayabang na Goliath at pilitin silang magpakatao". Walang nagawa si Vishinsky kundi ang maupo matapos marinig iyon.

Naging kandidato rin sa Romulo para sa Pangkalahatang Kalihim ng United Nations noong 1953 ngunit hindi nagwagi. Bumalik na lamang siya sa Pilipinas at kumandidato sa pagkapangulo ng bansa sa ilalim ng Partido Liberal ngunit natalo rin ni Pangulong Quirino sa pagpipilian ng partido kung sino ang kanilang kandidato opisyal. Natalo rin si Quirino ni Pangulong Ramon Magsaysay noong halalan na iyon.

Noong Abril 1955, pinangunahan ni Romulo ang dalegasyon ng Pilipinas sa Asian-African Conference sa Bandung, Indonesia.

Si Romulo, sa pangkalahatan, ay sumulat at naglimbag ng labingwalong aklat. Kasama na rito ang The United, I Walked with Heroes, I Saw the Fall of the Philippines, Mother America at I See the Philippines Rise.

Namatay si Romulo sa Maynila noong 15 Disyembre 1985 sa gulang na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani. Pinarangalan bilang pinakadakilang Pilipinong diplomatiko ng ika-20 siglo at maaaring maging sa kasaysayan. Noong 1980, pinuri siya ni Kurt Waldheim, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations at tinawag siyang "Mr. United Nations" dahil sa kanyang mahalagang ginampanan sa United Nations at ang kanyang dedikasyon sa kalayaan at pandaigdigang kapayapaan.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy