Pumunta sa nilalaman

Emperador Hirohito

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emperador Shōwa
昭和天皇
Ang Emperador noong 1935
Emperador ng Hapon
Panahon 25 December 1926 – 7 January 1989
Hapon 10 November 1928
Sinundan Taishō
Sumunod Akihito
Mga Punong Ministro ng Hapon
Prince Regent of Japan
Tenure 25 November 1921 –
25 December 1926
Monarch Taishō
Mga Punong Ministro ng Hapon
Asawa Princess Nagako Kuni (k. 1924)
Anak
Pangalan at Hangganan ng kapanahunan
Shōwa: 25 December 1926 – 7 January 1989
Lalad Imperial House of Japan
Ama Emperor Taishō
Ina Empress Teimei
Kapanganakan 29 Abril 1901(1901-04-29)
Tōgū Palace, Aoyama, Minato, Tokyo, Imperyo ng Hapon
Kamatayan 7 Enero 1989(1989-01-07) (edad 87)
Fukiage Palace, Tokyo, Hapon
Libingan 24 February 1989
Musashi Imperial Graveyard, Hachiōji, Tokyo, Hapon
Lagda

Si Emperador Hirohito 裕仁 o mas kilala sa bansag na Emperador Showa ang ika-124 na emperador ng bansang Hapon, at ang kahuli-hulihang kinilalang Diyos-Emperador ng mga Hapones. Sa loob ng 63 taon sa trono, siya ang itinuturing na pinakamatagal na pinuno na nakaluklok sa makabagong kasaysayan ng mundo. Namuno siya sa panahong maligalig kung saan may kaguluhang panloob sa kanyang mga nasasakupan; nananalakay ng mga lupain ang gubyerno ng kanyang bansa; nakapasok sila sa isang digmaang pandaigdig at tumanggap siya ng pagkatalo.

Ipinanganak si Hirohito noong 29 Abril 1901 sa Tokyo. Siya ang panganay na anak ni Tagapagmanang Prinsipe na si Yoshihito, na naging si Emperador Taisho. Apo siya ni Mutsuhito, o kilala bilang Emperador Meiji. Ayon sa nakaugalian, pagkapanganak pa lamang ni Hirohito, ihiniwalay na kaagad siya sa kanyang mga magulang at ipinalaki siya ng bise-admiral ng hukbong pandagat ng Emperyo sa loob ng tatlong taon. Noong Nobyembre ng taong 1904, bumalik siya sa Palasyo ng Akasaka, ang opisyal na tahanan ng kanyang mga magulang. Subalit kahit na nandodoon na siya sa Palasyo, pinahihintulutan lamang si Hirohito na makita ang kanyang ina isang beses isang linggo, hindi niya gaanong nakasama ang kanyang ama.

Lumaki si Hirohito na mahiyain at seryosong bata. Noong Abril ng 1908 ipinasok siya sa Gakushuin na kung saang isang dosena lamang sila. Ang principal ng paaralan ay si Heneral Maresuke Nogi, isang kilalang sundalo sa giyera sa pagitan ng Rusya at Hapon noong 1904-05. Naging interesado si Nogi sa pagpapaaral sa batang prinsipe at sa panahong ito ipinakilala niya ang kahalagahan ng pagbabanat ng buto, pagtatangi sa bayan, at ang pagsasapuso ng istoysismo o ang kakayahan na ipasubali ang mga emosyon gaya ng sarap at kirot

Noong 1912 namatay si Emperador Meiji na nagbigay daan para maging Emperador ang kanyang amang si Yoshihito na kinalala bilang Emperador Showa. Sa panahong ito, naging masigasig ang pag-aaral ni Hirohito sa mga kasaysayang-likas. Sa ilalim ng kanyang maestro, nabuhay and kanyang pagkahumaling sa biyolohiyang pangkaragatan, isang sangay ng agham na kung saan kilala siyang isang dalubhasa.

Noong 4 Pebrero 1918 naitakdang maikasal si Prinsipe Hirohito kay Prinsesa Nagako, mas kilala bilang Emperatris Kojun anak ni Prinsipe Kuniyoshi Kuninomiya. Ikinasal sila noong 26 Enero 1924. Nagkaroon sila ng limang anak na babae, at ang dalawa ang anak na lalake. Ang panganay sa anak na lalake ay si Akihito na ipinanganak noong 23 Disyembre 1933.

Noong Marso 1921 habang Prinsipe pa lamang si Hirohiro, naglakbay siya Europa. Siya ang kauna-unahang prinsipeng tagapagmana sa Hapon na nangibang-bayan. Nagpunta siya sa Pransiya, sa Netherlands, Italya at Britanya. Ang malaking tumimo sa kanyang isipan ay noong siya ay nagpunta sa Britanya na kung saan nakita niya ang kalayaan at di maseremonyang pamumuhay ng mga pamilyang maharlika ng britanya.

Pag-uwi niya ng Hapon, ibinigay kaagad sa kanya ang titulong regent (pansamantalang pinuno) noong 25 Nobyembre 1921 dahil sa lumalang problema sa pag-iisip ng kanyang amang si Emperador Taisho. Dalawang taon makalipas na tanggapin niya ang titulong regent ay muntikan na siyang mapatay ng isang batang radikal.

Naluklok sa trono si Hirohito noong 25 Disyembre 1926. Inangkin niya ang pangalang Showa ("Mapagpangaral na Kapayapaan") sa ilalim ng kanyang pamumuno dahil dito pormal siyang kinilala bilang Showa Tenno. Subalit kabaliktaran itong pangalan sa panahon ng panunungkulan ni Hirohito. Hindi pa nga nag-iinit ang kanyang kinauupan sa Tronong Krisantemo, nasira na kaagad ang ugnayang panlabas ng Hapon. Noong 1927, kahit walang basbas ni Emperador Hirohito, nagpasiklab ng kaguluha ang mga opisyal ng Hukbong Katihan ng Hapon sa Manchuria at di kalaunan pa ay sinakop ang ilang mga bahagi nito. Di nagtagal pa nalaman na lang ni Hirohito na napasabak pa lalo ang mga hukbong Hapon sa Tsina.

Ang insidente sa Manchuria ay nagdala ng panahon ng ligalig sa Hapon. Naglunsad ng mga palpak na plano ang mga batang opisyal ng military para kubkubin ang gubyerno, pero naging matagumpay ang ilan sa kanila sa pagpatay ng mga taong may matataas na katungkulan sa bansa. Gusto nilang agawin ang gubyerno, pero naroon pa rin si Hirohito, siya ang ulo ng gubyerno pero ang kapangyarihan ay nasa poder ng mga military. Pero iba ang sa pananaw ni Hirohito dahil ang tingin niya sa sarili niya ay kabahagi ng estado at hindi isang pinuno ng isang gubyerno. Ang pinuno dapat ay nasa gubyerno at dapat ang mga taong ito ay hindi mapagmalabis at di mga utak-pulbura.

Sa pag-aalsa ng mga military noong 26 Pebrero 1936, sinakop ng mga elemnto ng Unang Dibisyon ang malaking bahagi ng downtown Tokyo, at maraming mga opisyal ng gubyerno ang pinatay. Ipinag-utos kaagad ni Emperador Hirohito ang mabilis na pagtapos ng pag-aalsa at pagpaparasa sa mga kasabwat dito. Naapula ang pag-aalsa at ilang mga mataas na heneral na sangkot sa pag-uudyok sa mga rebelde ay agarang pinuwersang pinagretiro.

Ganunpaman, mabilis na nahatak ang bansa sa digmaan. Noong Hulyo ng taong 1937, nagsimula ang kaguluhan sa pagitan ng Hapon at Tsina. Sa huling bahagi ng dekada 30 inabisuhan si Hirohito ng kanyang mga tagapayo na umiwas ng tuluyan sa politika dahil kung hindi isasakripisyo niya ang pusisyon ng buong maharlikang pamilya. Sinunod niya ang payong ito at tumango na lamang siya sa anumang pinagkasunduan ng gubyerno.

Maraming mga ebidensiyang nakalap na hindi kumbinsido si Emperador Hirohito sa mga napagkakasunduan ng mga nasa gubyerno lalo na noong unang bahagi ng dekada 40. Malaki ang pagtutol niya sa ginawang alyansa ng kanyang gubyerno sa Alemanya at Italya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pero hindi naman siya gumawa ng paraan para pigilan ito. Nagdududa din siya sa mga ipinakitang mga kaisipan ng kanyang mga pipunong militar na paulit-ulit na nangangakong bibilisan ang pagtapos ng gera sa Tsina. Subalit noong napagkasunduan na ng husto ang Digmaan na sangkot ang Estados Unidos noong 6 Setyembre 1941 hindi niya tinutulan ito.

Hanggang sa kahulihulihang bahagi ng digmaan, at kahit binobomba na ng mga Amerikano ang Tokyo, hindi umalis si Hirohito sa Palasyong pang-imperyo. Ipinalikas lamang niya ang kanyang mga anak sa Nikko. Gusto niyang ipakita sa kanyang nasasakupan na karamay siya sa kanilang mga pasakit at paghihirap.

Noong tag-init ng 1945, klarado na talo na sa digmaan ang Hapon. Subalit ang desisyon ng pagsuko ay hindi kaagad naganap. Nangyari lamang ito ng hulugan ng bomba atomika ang mga bayan ng Hiroshima at Nagasaki. Sa isang makasaysayang pagpupulong noong 9 Agosto 1945, ipinahayag ni Hirohito ang kanyang pagsuko sa nagkakaisang kapangyarihan sa pangunguna ng Estados Unidos.

Pagkatapos ng pagsuko ng Hapon noong Setyember 1945, maraming haka-haka kung si Emperador Hirohito ba ay hahatulan bilang isang kriminal ng digmaaan. Ganunpaman, parating ipinapahayag ni Emperador Hirohito ang kanyang kagustuhang bumaba sa trono bilang pagtanggap sa responsibilidad sa katatapos na digmaan. Pero maraming mga pinuno ng US kabilang na si Heneral Douglas MacArthur ay nagdesisyong mas mainam na panatilihin bilang pinuno ng Hapon dahil masisilbi itong layunin sa pagpapanatili ng kapayaan sa ilalim ng pamumuno ng mga taga-Estados Unidos. Subalit noong Bagong Taon ng 1946, naglabas ng isang batas si Emperador Hirohito na itinatanggi na niya ang kanyang pagkatao bilang isang sagradong pinuno, at itinatakwil na niya ang mala-diyos niyang katayuan bilang supling ni Amaterasu, ang diyosa ng araw na nangangalaga sa bansang Hapon.

Pagkatapos ng pagpapahayag na iyon, maraming gawain na isinalang na mga aktibidad para maging ‘normal’ na tao si Emperador Hirohito at lalo pa siyang mapalapit sa masa. Dahil isang dalubhasa si Emperador Hirohito sa mga biyolohiyang pandagat, kapag wala siyang gaanong pinagkakabalahang opisyal, nagsasaliksik at nagsusulat siya ng mga aklat tungkol dito. Namatay si Hirohito noong 7 Enero 1989, sa edad na 87. Bilang tanda ng kanyang pagkahumaling sa agham at pagmomodernisa ng kanyang bayan, iniulat na ihinimlay si Hirohito na may kasamang microscope at relo na may disenyong Mickey Mouse watch.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy