Pumunta sa nilalaman

Mesusa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mesusa.

Ang mesusa o mesusot (Ingles: mezuzah o מזוזה‎ [isahan] o mezuzot o מזוזות [maramihan], nangangahulugan sa Hebreo ng "haligi ng pinto") ay ang pergamino o pinatuyong katad mula sa tupang may nakasulat na sitas mula sa Tanakh. Tinatatakan ito ng Shaddai o pangalan ng Diyos kapag ibinalumbon o ibinilot na. Ikinakabit ito sa may pintuan ng bahay upang mangahulugang may nakatirang Hudyong mag-anak sa tahanang pinaglagyan niyon.[1] Naglalaman o nasusulat ang pergaminong balumbong ito ng mga talata o talataan mula sa Aklat ng Deuteronomiyo, partikular na ang Deuteronomiyo 6:4-9 at ang Deuteronomiyo 11:13-21, at nakabilot o nakabalumbong inilalagay sa loob ng isang pinalamutiang sisidlan. Ipinapako ang lalagyang may mesusa sa haligi o poste ng pinto. Isa itong tanda ng pananalig at paalala ng walang humpay o walang maliw at mapagtalimang presensiya o pagdalo ng Diyos.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. The Christophers (2004). "Mezuzah, Bless This House - And Here's How". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 4.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy