Pumunta sa nilalaman

Mikroekonomiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mikroekonomiks o mikroekonomiya (Ingles: microeconomics, Kastila: microeconomía; nagmula sa Griyegong μικρό-ς: "maliit" o "munti"; at οικονομία /ikono΄mia/: "ekonomiya") ay isang sangay ng ekonomiyang nagsasagawa ng pag-aaral kung paano nagpapasya ang mga tahanan at mga kompanya upang magamit at itatalaga ang limitado o kakaunting mga kagamitan o yaman,[1] sa paraang tipikal at karaniwan sa loob ng mga merkado o pamilihan kung saan mabibili at maipagbibili ang mabubuting mga dala-dalahin o mga serbisyo. Sinusuri ng mikroekonomiya ang kung paano naaapektuhan ng ganitong mga desisyon at asal, ugali, o gawi, ang pampuno at pangangailangan (supply and demand sa Ingles) para sa mga mabubuting dala-dalahin at mga serbisyo, na nagiging batayan ng mga presyo o halaga; at kung paanong ang presyo naman ay nagiging batayan ng pampuno at pangangailangan ng mabubuting mga dala-dalahin at mga serbisyo.[2][3]

Kaiba ito o kabaligtaran ng makroekonomiks o makroekonomiya, na kinasasangkutan ng kabuoang bilang ng gawaing pangkabuhayan o pang-ekonomiya, na nangangasiwa ng mga paksa ng paglaki, inplasyon, at kawalan ng hanapbuhay, at may pambansang mga patakarang pangkabuhayang kaugnay ng mga paksang ito.[2] Pinangangasiwaan din ng makroekonomiya ang mga epekto ng mga gawain ng pamahalaan (katulad ng pagbabago ng mga antas ng pagbubuwis) para sa mga ito.[4] Partikular na sa pagkakaroon ng Lucas critique, karamihan sa modernong teoriya ng makroekonomiya ang naitatag dahil sa mga mikropundasyon na batay sa mga basiko o payak na mga palagay o sapantaha hinggil sa kaasalang pangkaantasang mikro o maliit.

Isa sa mga layunin ng mikroekonomiya ang suriin ang mga mekanismo ng merkado o pamilihan na naglulunsad o nagtatalaga ng mga kaugnay na presyo o halaga ng mga mabubuting mga dala-dalahin at mga serbisyo at paglalagak o pagtatalaga ng mga kaunti o limitadong mga kagamitan o yaman para sa maraming iba pang mga paggamit. Sinusuri ng mikroekonomiya ang pagkabigo ng merkado o ng pamilihan, kung saan hindi nagtatagumpay ang mga pamilihan na makagawa o makalikha ng mga maiinam na mga kinalabasan o mga resulta, pati na ang paglalarawan ng mga kalagayan teoretikal na kailangan para sa perpektong paligsahan o kompetisyon. Kabilang sa mahahalagang mga larangan sa pag-aaral ng mikroekonomiya ang ekilibriyong heneral, mga merkadong nasa ilalim ng asimetrikong impormasyon, pagpili sa ilalim ng kawalan ng katiyakan, at mga kagamitan o aplikasyong pang-ekonomiya ng Teoriya ng Laro (o Game Theory). Isinasama rin ang elastisidad na pang-ekonomiya ng mga produktong nasa loob ng sistemang pangpamilihan o pangmerkado.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Marchant, Mary A.; Snell, William M. "Macroeconomic and International Policy Terms". University of Kentucky. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-08. Nakuha noong 2007-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Economics Glossary". Monroe County Women's Disability Network. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-02. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Social Studies Standards Glossary". New Mexico Public Education Department. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-08. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Glossary". ECON100. Nakuha noong 2008-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy