Pumunta sa nilalaman

Miss Universe 2012

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Miss Universe 2012
Olivia Culpo
Petsa19 Disyembre 2012
Presenters
  • Andy Cohen
  • Giuliana Rancic
  • Jeannie Mai
  • Shamcey Supsup
Entertainment
  • Train
  • Timomatic
PinagdausanPlanet Hollywood Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, Estados Unidos
Brodkaster
Lumahok89
Placements16
Bagong sali
  • Gabon
  • Litwanya
Hindi sumali
  • Ehipto
  • Eslobenya
  • Kapuluan Birhen ng Estados Unidos
  • Kapuluang Turks at Caicos
  • Kasakistan
  • Portugal
Bumalik
  • Bulgarya
  • Etiyopiya
  • Namibya
  • Noruwega
NanaloOlivia Culpo
 Estados Unidos
CongenialityLaura Godoy
Guatemala Guwatemala
Pinakamahusay na Pambansang KasuotanXu Jidan
Republikang Bayan ng Tsina Tsina
PhotogenicDiana Avdiu
Kosovo Kosobo
← 2011
2013 →

Ang Miss Universe 2012 ay ang ika-61 edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos noong 19 Disyembre 2012.[1][2]

Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Leila Lopes ng Anggola si Olivia Culpo ng Estados bilang Miss Universe 2012. Ito ang ikawalong tagumpay ng bansa—ang pinakamarami sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Janine Tugonon ng Pilipinas, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Irene Esser ng Beneswela.

Mga kandidata mula sa walumpu'y-siyam na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Miss Universe matapos lagpasan ang dating rekord na walumpu't-anim na kandidata noong 2006.[4] Pinangunahan nina Andy Cohen at Giuliana Rancic ang kompetisyon, samantalang si Jeannie Mai ang nagsilbing backstage correspondent. Nagtanghal ang bandang Train at musikerong Australyanong si Tim Omaji sa edisyong ito.[5][6]

Planet Hollywood Resort and Casino, ang lokasyon ng Miss Universe 2012

Lokasyon at petsa ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 2012, inanunsyo ng Miss Universe Organization na ililban ang kompetisyon sa kalagitnaan ng Disyembre 2012. Ito ay dahil sa hindi maisasahimpapawid ng NBC ang kompetisyon kasabay ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 2012, at ng halalang pampanguluhan sa Estados Unidos. Noong Abril 2012, inanunsyo na magaganap sa Bangglades ang kompetisyon, ngunit ito ay pinabulaanan ng pangulo ng Bangglades dahil sa problemang pinansyal.[7]

Nabalitaan diumano na may posibilidad na isa sa mga lungsod ng Guadalajara, Isla Margarita, Sun City, at Jakarta ang pangyayarihan ng kompetisyon. Gayunpaman, noong Agosto 2012, nakatanggap ng alok ang pamahalaan ng Republikang Dominikano upang idaos ang kompetisyon sa Hard Rock Resort and Casino, Punta Cana, sa 11 Disyembre 2012. Una nang idinaos ang kompetisyon sa bansa noong 1977.[8] Itinanggi ng pamahalaan ng Republikang Dominikano ang alok ng organisasyon dahil hindi nila kayang tustusan ang gastos sa pagdaos ng kompetisyon kung kaya't hindi ibinigay ng organisasyon sa bansa ang karapatan upang pangyarihan ang kompetisyon dahil hindi nila natupad ang mga pangangailangan ng Miss Universe Organization.[9]

Dahil sa pagbitiw ng Republikang Dominikano sa pagdaos ng kompetisyon, inilipat ang kompetisyon sa Las Vegas, Nevada, Estados Unidos. Noong 27 Setyembre 2012, inanunsyo ng Miss Universe Organization na magaganap ang kompetisyon sa Planet Hollywood Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada sa 19 Disyembre 2012.[9]

Pagpili ng mga kalahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga kalahok mula sa walumpu't-siyam na mga bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Pitong kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanilang bansa/teritoryo matapos maging isang runner-up sa kanilang kompetisyong pambansa o napili sa isang casting process, at siyam na kandidata ang napili matapos ang pag-urong ng orihinal na kalahok.

Ang pagpapahintulot sa mga babaeng transgender na lumahok

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simula sa taong 2013, pinapayagan na ng Miss Universe Organization ang mga babaeng transgender na lumahok sa Miss Universe alinsunod sa kanilang mga konsultasyon sa GLAAD Organization. Ang mga pagbabagong ito ay nangyari matapos maibalik sa Miss Universe Canada 2012 pageant si Jenna Talackova, isang babaeng transgender na sumali sa nasabing kompetisyon.[10] Unang tinanggal sa Miss Universe Canada 2012 si Talackova ng organisasyon dahil sa kanyang pagiging transgender.[11] Gayunpaman, matapos ang isang buwan mula sa diskwalipikasyon ni Talackova, pinayagan ng organisasyong bumalik sa kompetisyon si Talackova dahil umaalinsunod naman ito sa legal na kinakailangan tungkol sa kanyang kasarian sa Kanada.[12] Kalaunan ay nagtapos si Talackova bilang isa sa labindalawang mga semi-finalist ng Miss Universe Canada 2012, at isa rin siya sa apat na kandidatang nakatanggap ng parangal na Miss Congeniality.[13]

Anim na taon matapos ang mga pagbabago sa patakaran, lumahok si Angela Ponce ng Espanya, ang kauna-unahang babaeng transgender na sumali sa Miss Universe.[14]

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe New Zealand 2012 na si Talia Bennett dahil sa problema sa pagkamamamayan ng orihinal na nagwagi na si Avianca Böhm.[15][16] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Universe Canada 2012 na si Adwoa Yamoah dahil bumitiw ang orihinal na nagwagi na si Sahar Biniaz dahil sa mga personal na dahilan.[17][18] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Estonia 2012 na si Natalie Korneitsik dahil bumitiw si Kätlin Valdmets dahil sa kakulangan sa badyet.[19] Iniluklok ang first runner-up ng Miss Dominican Republic 2012 na si Dulcita Lieggi matapos matuklasan na ang orihinal na nagwagi na si Carola Durán ay diborsiyado na sa kanyang asawa.[20] Iniluklok si Ioánna Yiannakoú ng Tsipre matapos bumitiw sa kanyang titulo si Star Cyprus 2012 Ntaniella Kefala dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[21]

Iniluklok ang first runner-up ng Miss Gabon 2012 nasi Channa Divouvi ng Gabon at first runner-up ng Miss France 2012 na si Marie Payet ng Pransiya upang kumatawan sa kanilang bansa sa edisyong ito dahil sa salungatan sa petsa ng Miss Universe at ng kanilang mga pambansang kompetisyon, kung saan obligadong dumalo ang mga orihinal na nagwagi na sina Miss Gabon 2012 Marie-Noëlle Ada at Miss France 2012 Delphine Wespiser.[22][23] Nagpalitan ng sasalihang internasyonal na kompetisyon sina Most Beautigul Girl in Nigeria 2012 Isabella Ayuk at Most Beautiful Girl in Nigeria Universe 2012 Damiete Charles Granville, dahil lumagpas na sa age requirement ng Miss World si Ayuk.[24][25]

Mga unang pagsali, pagbalik, at pag-urong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang sumali sa edisyong ito ang mga bansang Gabon at Litwanya. Bumalik sa edisyong ito ang mga bansang Bulgarya, Etiyopiya, at Namibya na huling sumali noong 2009, at Noruwega na huling sumali noong 2010.[26]

Hindi sumali sa edisyong ito ang mga bansang Ehipto, Eslobenya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Turks at Caicos, Kasakistan, at Portugal. Hindi sumali si Aĭnur Tolyeuova ng Kasakista dahil hindi ito umabot sa age requirement ng Miss Universe. Hindi sumali ang mga bansang Ehipto, Eslobenya, Kapuluang Birhen ng Estados Unidos, Kapuluang Turks at Caicos, at Portugal matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.[27]

Partisipasyon ng Espanya sa Miss Universe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatakdang lumahok sa edisyong ito si Miss Spain 2011 Andrea Huisgen.[28] Gayunpaman, na-bangkarota ang organisasyon at ang lisensya ng Miss Universe sa Espanya ay napunta sa Miss Universe Spain. Bagama't ang mga karapatan upang magpadala ng kalahok ay ibinigay na sa Miss Universe Spain, pinayagan pa rin si Huisgen na ipagpatuloy ang kanyang paglahok sa Miss Universe matapos niyang bumitaw sa kanyang kontrata sa Miss Spain.[29]

Mga bansa at teritoryong sumali sa Miss Universe 2012 at ang kanilang mga pagkakalagay.

Mga pagkakalagay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Miss Universe 2012
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10
Top 16

Mga espesyal na parangal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Parangal Kandidata
Miss Photogenic
Miss Congeniality

Best National Costume

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pagkakalagay Kandidata
Nagwagi
1st runner-up
2nd runner-up
3rd runner-up
4th runner-up
Top 10

Pormat ng kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tulad noong 2011, labing-anim na semi-finalist ang napili sa pamamagitan ng paunang kompetisyon at ang mga closed-door interview.[30] Muling isinagawa ang internet voting kung saan ang mga manonood ay maaaring bumoto para sa isa pang kandidata upang umabante sa semi-finals.[31] Bagama't nagkaroon ng internet voting, hindi inanunsyo sa final telecast ang nagwagi nito. Lumahok sa swimsuit competition ang labing-anim na semi-finalist at kalaunan ay pinili ang sampung semi-finalist. Lumahok sa evening gown competition ang sampung semi-finalist at kalaunan ay pinili ang limang pinalista. Lumahok sa question and answer round at final look ang limang pinalista.[30]

Komite sa pagpili

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Paunang kompetisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Carlos Anaya – Televison host para sa My Lifestyle Extra[32]
  • Beverly Frank – Executive Vice-President for Business Affairs ng 19 Entertainment[32]
  • Duane Gazi – Internasyonal scout para sa Trump Model Management[32]
  • Michael Greenwald – Bise-presidente ng Don Buchwald & Associates[32]
  • Jimmy Nguyen – Entertainment at digital media lawyer, at blogger[32]
  • Corinne Nicolas – Pangulo ng Trump Model Management[32]
  • Amy Sadowsky – Senior Vice-President ng Public Relations ng Planet Holywood International[32]
  • Crystle Stewart – Miss USA 2008 mula sa Texas[32]

Fina telecast

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Nigel Barker – Amerikanong litratista[33]
  • Diego Boneta – Mehikanong aktor, mang-aawit, at lirisista[33]
  • Scott Disick – Amerikanong negosyante at reality star mula sa Keeping Up With the Kardashians[33]
  • Brad Goreski – Kanadyanong fashion stylist[33]
  • Masaharu Morimoto – Haponese na tagapagluto[33]
  • Ximena NavarreteMiss Universe 2010 mula sa Mehiko[33]
  • Pablo Sandoval – Benesolanong tagapaglaro ng beysbol[33]
  • Lisa Vanderpump – Amerikanong reality star mula sa The Real Housewives of Beverly Hills[33]
  • Kerri Walsh Jennings – Atletang naglalaro ng beach volleyball[33]

Mga kandidata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walumpu't-siyam na kandidata ang lumahok para sa titulo.[34]

Bansa/Teritoryo Kandidata Edad[a] Bayan
Albanya Albanya Adrola Dushi[35] 19 Rrëshen
Alemanya Alemanya Alicia Endemann[36] 23 Hamburgo
Angola Anggola Marcelina Vahekeni[37] 22 Ondijva
Arhentina Arhentina Camila Solórzano[38] 23 Tucumán
Aruba Aruba Liza Helder[39] 23 Oranjestad
Australia Australya Renae Ayris[40] 22 Perth
New Zealand Bagong Silandiya Talia Bennett[15] 26 Auckland
 Bahamas Celeste Marshall[41] 20 Nassau
Belhika Belhika Laura Beyne[42] 20 Bruselas
Venezuela Beneswela Irene Esser[43] 21 Río Caribe
Vietnam Biyetnam Lưu Thị Diễm Hương[44] 22 Lungsod ng Ho Chi Minh
Botswana Botswana Sheillah Molelekwa[45] 19 Gaborone
Brazil Brasil Gabriela Markus[46] 24 Teutônia
Bulgaria Bulgarya Zhana Yaneva[47] 23 Sopiya
Bolivia Bulibya Yéssica Mouton[48] 24 Santa Cruz de la Sierra
Curaçao Curaçao Monifa Jansen[49] 19 Willemstad
Denmark Dinamarka Josefine Hewitt[50] 19 Esbjerg
Ecuador Ekwador Carolina Aguirre[51] 19 Guayaquil
El Salvador El Salvador Ana Yancy Clavel[52] 20 San Salvador
Slovakia Eslobakya Ľubica Štepanová[53] 24 Prievidza
Espanya Espanya Andrea Huisgen[29] 22 Barcelona
Estados Unidos Estados Unidos Olivia Culpo[54] 20 Cranston
Estonia Estonya Natalie Korneitsik[55] 23 Tallin
Ethiopia Etiyopiya Helen Getachew[56] 22 Addis Ababa
Gabon Gabon Channa Divouvi[57] 21 Ngounié
Ghana Gana Gifty Ofori[58] 24 Accra
United Kingdom Gran Britanya Holly Hale[59] 22 Llanelli
Greece Gresya Vasiliki Tsirogianni[60] 24 Tesalonica
Guam Guam Alyssa Cruz Aguero[61] 24 Barrigada
Guatemala Guwatemala Laura Godoy[62] 24 Lungsod ng Guatemala
Guyana Guyana Ruqayyah Boyer[63] 22 Georgetown
Jamaica Hamayka Chantal Zaky[64] 24 Port Antonio
Hapon Hapon Ayako Hara[65] 24 Sendai
Haiti Hayti Christela Jacques[66] 19 Pétion-Ville
Heorhiya Heorhiya Tamar Shedania[67] 20 Zugdidi
Honduras Jennifer Andrade[68] 24 Tegucigalpa
India Indiya Shilpa Singh[69] 23 Samastipur
Indonesia Indonesya Maria Selena Nurcahya[70] 22 Semarang
Irlanda (bansa) Irlanda Adrienne Murphy[71] 22 Dublin
Israel Israel Lina Makhuli[72] 19 Haifa
Italya Italya Grazia Pinto[73] 24 Catania
Canada Kanada Adwoa Yamoah[74] 26 Calgary
Kapuluang Birheng Britaniko Kapuluang Birheng Britaniko Abigail Hyndman[75] 22 Road Town
Cayman Islands Kapuluang Kayman Lindsay Japal[76] 24 George Town
Colombia Kolombya Daniella Álvarez[77] 24 Barranquilla
Kosovo Kosobo Diana Avdiu[78] 19 Mitrovica
Costa Rica Kosta Rika Nazareth Cascante[79] 22 Alajuela
Croatia Kroasya Elizabeta Burg[80] 19 Vrbanja
Lebanon Líbano Rina Chibany[81] 21 Zahle
Lithuania Litwanya Greta Mikalauskytė[82] 19 Šiauliai
Malaysia Malaysia Kimberley Leggett[83] 19 Penang
Mauritius Mawrisyo Ameeksha Dilchand[84] 26 Curepipe
Mexico Mehiko Karina González[85] 21 Aguascalientes
Montenegro Montenegro Andrea Radonjić[86] 20 Podgorica
Namibia Namibya Tsakana Nkandih[87] 22 Windhoek
Niherya Niherya Isabella Ayuk[24] 26 Ikom
Nicaragua Nikaragwa Farah Eslaquit[88] 21 La Concepcion
Norway Noruwega Sara Nicole Andersen[89] 20 Oslo
Netherlands Olanda Nathalie den Dekker[34] 22 Amstelveen
Panama Panama Stephanie Vander Werf[90] 26 Lungsod ng Panama
Paraguay Paragway Egni Eckert[91] 25 Luque
Peru Peru Nicole Faverón[92] 24 Iquitos
Pilipinas Pilipinas Janine Tugonon[93] 23 Orion
Finland Pinlandiya Sara Chafak[94] 22 Helsinki
Poland Polonya Marcelina Zawadzka[95] 23 Malbork
Puerto Rico Porto Riko Bodine Koehler[96] 20 San Juan
Pransiya Pransiya Marie Payet[97] 20 Saint-Denis
Republikang Dominikano Republikang Dominikano Dulcita Lieggi[98] 23 Santo Domingo
Republikang Tseko Republikang Tseko Tereza Chlebovská[99] 22 Krnov
Romania Rumanya Delia Duca[100] 26 Brașov
Rusya Rusya Elizabeth Golovanova[101] 19 Smolensk
Saint Lucia Santa Lucia Tara Edward[102] 25 Gros Islet
Serbiya Serbya Branislava Mandić[103] 21 Čurug
Singapore Singapura Lynn Tan[104] 24 Singapura
Sri Lanka Sri Lanka Sabrina Herft[105] 25 Colombo
Suwesya Suwesya Hanni Beronius[106] 22 Göteborg
Switzerland Suwisa Alina Buchschacher[107] 21 Bern
Tanzania Tansaniya Winfrida Dominic[108] 19 Dar es Salaam
Thailand Taylandiya Farida Waller[109] 19 Krabi
South Africa Timog Aprika Melinda Bam[110] 23 Pretoria
Timog Korea Timog Korea Lee Sung-hye[111] 24 Seoul
Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago Avionne Mark[112] 23 Champ Fleurs
Chile Tsile Ana Luisa König[113] 22 Santiago
Republikang Bayan ng Tsina Tsina Xu Jidan[114] 22 Shanghai
Cyprus Tsipre Ioanna Yiannakou[34] 19 Paphos
Turkey Turkiya Çağıl Özge Özkul[115] 24 Ankara
Ukraine Ukranya Anastasia Chernova[34] 19 Kharkov
Hungary Unggarya Ágnes Konkoly[116] 25 Budapest
Uruguay Urugway Camila Vezzoso[117] 19 Artigas
  1. Edad sa panahon ng kompetisyon

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Coleman, Korva (20 Disyembre 2012). "Miss USA Olivia Culpo Crowned Miss Universe; Former Contestant Loses Lawsuit". NPR (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Crowning Miss Universe 2012". Today.com (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Martinez, Edecio (20 Disyembre 2012). "Miss USA crowned Miss Universe 2012". CBS News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Miss USA Olivia Culpo is Miss Universe 2012!". India Today (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Judges mum on 16 Miss Universe finalists". CBS News (sa wikang Ingles). 17 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Loinaz, Alexis (24 Oktubre 2012). "Giuliana Rancic and Andy Cohen to Cohost Miss Universe Pageant in December". E! Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Adina, Armin (17 Agosto 2016). "Philippines' hosting of Miss Universe '80 percent confirmed'". Inquirer Lifestyle (sa wikang Ingles). Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Agosto 2016. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Official: Miss Universe chooses Dominican Republic". San Diego Union-Tribune (sa wikang Ingles). 14 Hunyo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Hunyo 2022. Nakuha noong 13 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 Leach, Robin (26 Setyembre 2012). "2012 Miss Universe Pageant relocates to Las Vegas from Dominican Republic". Las Vegas Sun (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Miss Universe changes rules to include transgender women". Reuters (sa wikang Ingles). 10 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Dyball, Rennie (26 Marso 2012). "Jenna Talackova Removed from Miss Universe Canada for Being Transgender". People.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Landis, Marina (3 Abril 2012). "Miss Universe allows transgender contestant back into competition". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Macatee, Rebecca (22 Mayo 2012). "Transgender Miss Universe Canada Contestant Jenna Talackova Places in Top 12, Wins Miss Congeniality Award". E! Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Lang, Cady (17 Disyembre 2018). "Miss Spain is Miss Universe's First Transgender Competitor". Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Disyembre 2018. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Miss Universe NZ stripped of her tiara – National – NZ Herald News". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). 31 Hulyo 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Beauty queen puts crown in jeopardy". The New Zealand Herald (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Sahar Biniaz Crowned Miss Universe Canada 2012". International Business Times (sa wikang Ingles). 20 Mayo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Mayo 2020. Nakuha noong 13 Marso 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Miss Universe Canada gets set for Bollywood". The Times of India (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 2013. ISSN 0971-8257. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Sokol, Yulia (27 Agosto 2012). "Наталия Корнейчик: попрошу Эвелин Ильвес помочь с платьем на "Мисс Вселенную"" [Natalia Korneychik: I’ll ask Evelin Ilves to help with the dress for Miss Universe]. Eesti Rahvusringhääling (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Macatee, Rebecca (27 Abril 2012). "Another Miss Universe Scandal: Miss Dominican Republic Carlina Duran Dethroned for Being a Missus!". E! Online (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2018. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Funda, Gogo (9 Hulyo 2012). "Star Kύπρος 2012: Backstage και πρόβες από την μεγάλη βραδιά" [Star Cyprus 2012: Backstage and rehearsals from the big night]. Queen.gr (sa wikang Griyego). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Guardiola, Ari (10 Oktubre 2012). "Miss Univers : Delphine Wespiser laisse sa place à la sublime Miss Réunion". Purepeople (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Batassi, Pierre Eric (31 Disyembre 2011). "Marie Noëlle Ada, nouvelle reine de la beauté gabonaise". Afrik (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 Ogunjimi, Opeoluwani (22 Hunyo 2012). "MBGN Controversy: Ayuk still queen but..." Vanguard (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Olufunmi, Dapo (20 Hunyo 2012). "Queen of lies: 2012 MGBN winner, Ayuk Isabella disqualified from Miss World". Daily Post Nigeria (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Gavilan, Jodesz (19 Enero 2017). "FAST FACTS: Things to know about the Miss Universe pageant". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Boh, Tina (30 Hulyo 2013). "Po enoletnem premoru bomo spet dobili mis Universe". Siol. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2013. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "La barcelonesa Andrea Huisgen, Miss España 2011" [Andrea Huisgen from Barcelona, Miss Spain 2011]. Atlántico (sa wikang Kastila). 28 Nobyembre 2011. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. 29.0 29.1 "Andrea Huisgen podrá competir en Miss Universo tras renunciar a su contrato con Miss España" [Andrea Huisgen will be able to compete in Miss Universe after renouncing her contract with Miss Spain]. 20 minutos (sa wikang Kastila). 23 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. 30.00 30.01 30.02 30.03 30.04 30.05 30.06 30.07 30.08 30.09 30.10 30.11 30.12 30.13 30.14 30.15 30.16 30.17 30.18 30.19 30.20 30.21 30.22 30.23 30.24 30.25 30.26 30.27 30.28 30.29 "Philippines is 1st runner up in Miss Universe 2012". Rappler (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Miss Universe 2012 online voting begins". Rappler (sa wikang Ingles). 16 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. 32.0 32.1 32.2 32.3 32.4 32.5 32.6 32.7 Gámez, Sabino (14 Disyembre 2012). "Las bellas del Miss Universo 2012". La Prensa (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2023. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 33.0 33.1 33.2 33.3 33.4 33.5 33.6 33.7 33.8 Mann, Camille (14 Disyembre 2012). "Cee Lo Green among judges for Miss Universe 2012". CBS News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Hunyo 2022. Nakuha noong 14 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. 34.0 34.1 34.2 34.3 "Miss Universe 2012 contestants in portraits, glamour shots". Seattle Post-Intelligencer (sa wikang Ingles). 12 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Ja kush janë Miss dhe Mister Albania 2012". Shqip Media (sa wikang Albanes). 3 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. "Alicia Endemann kämpft für Deutschland". Rheinische Post (sa wikang Aleman). 7 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "Leila Lopes entrega coroa a Marcelina". Jornal de Angola (sa wikang Portuges). 6 Disyembre 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2011. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Miss Universo 2012: conoce a Miss Argentina" [Miss Universe 2012: meet Camila Solórzano Ayusa, Miss Argentina]. Telemundo (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "Miss Universo 2012: conoce a Liza Helder, Miss Aruba". Telemundo (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2012. Nakuha noong 14 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Perth dancer Renae Ayris wins Miss Universe Australia". News.com.au (sa wikang Ingles). 9 Hunyo 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2015. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Moss, Shavaughn (3 Agosto 2012). "Double crowning". Nassau Guardian. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2013. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Miss Belgique 2012 est Laura Beyne de Bruxelles, les dauphines sont wallonnes". RTBF (sa wikang Pranses). 9 Enero 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "La venezolana Irene Esser entre las favoritas del Miss Universo 2012". Globovisión (sa wikang Kastila). 15 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Diễm Hương xinh tươi tại Las Vegas" [Diễm Hương is beautiful in Las Vegas]. 24h (sa wikang Biyetnames). 5 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Setyembre 2017. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Mokwape, Mpho (16 Oktubre 2012). "Molelekwa wins Miss Universe Bots". Mmegi. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2018. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Salvado, Nathália (29 Setyembre 2012). "Miss Rio Grande do Sul é coroada Miss Brasil 2012". Terra (sa wikang Portuges). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Bulgarian Zhana Yaneva Vies for Miss Universe Crown". Novinite (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2012. Nakuha noong 14 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Yessica Mouton, a días del Miss Universo". Los Tiempos (sa wikang Kastila). 5 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Miss Universe Curaçao Mrs. Monifa Jansen on Her Way To Miss Universe 2012". Curaçao Chronicle. 4 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Silkjær, Søren (3 Disyembre 2012). "Esbjergenser går efter Miss Universe-titlen" [Esbjergenser goes after the Miss Universe title]. Jydske Vestkysten (sa wikang Danes). Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Setyembre 2016. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. "El ajetreo de Carolina" [The Carolina hustle]. La Hora (sa wikang Kastila). 6 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Morales, C. (28 Abril 2022). ""Mi vida cambió para siempre": Ana Yancy Clavel recuerda cuando fue Miss Universo El Salvador 2012". El Diario de Hoy (sa wikang Kastila). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Slovenka Štepánová prevetrala róbu vo Vegas: Pozrite na tie nohy!" [Slovakian Štepánová aired her dress in Vegas: Look at those legs!]. Pracda (sa wikang Eslobako). 14 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2023. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Douglas, Ana (5 Hunyo 2012). "Meet Olivia Culpo: This Miss Rhode Island Was Just Crowned Miss USA 2012". Business Insider (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "HÄÄLETA! Aita Natalie Korneitsik Miss Universumi poolfinaali upitada". Kroonika (sa wikang Estonyo). 17 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Selam, Tigist (7 Disyembre 2012). "Meet Helen Getachew: Miss Universe 2012 Contestant From Ethiopia". Tadias Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2020. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Miss Universo 2012: conoce a Channa Divouv, Miss Gabón" [Miss Universe 2012: meet Channa Divouv, Miss Gabon]. Telemundo (sa wikang Kastila). 14 Nobyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. Debrah, Ameyaw (15 Oktubre 2012). "Gifty Ofori wins Miss Universe Ghana 2012". Spy Ghana (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Septiyembre 2020. Nakuha noong 9 Disyembre 2012. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  59. "Meet gorgeous Holly Hale, Wales' very own Miss Universe GB". Wales Online (sa wikang Ingles). 11 Mayo 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "Miss Universo 2012: Vasiliki Tsirogianni Miss Grecia" [Miss Universe 2012: Vasiliki Tsirogianni Miss Greece]. Telemundo (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. White, Joy (3 Setyembre 2012). "Alyssa Cruz Aguero crowned 2012 Miss Universe Guam". Marianas Variety (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Miss Guatemala con entusiasmo envía esperanza a su pueblo". Terra (sa wikang Kastila). 16 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Springer, Cheryl (17 Setyembre 2012). "Ruqayyah Boyer is the new Miss Guyana Universe". Stabroek News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. Henry, Davina (14 Mayo 2012). "Chantal Zaky is Miss Universe Jamaica 2012". The Gleaner (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  65. "ミス・ユニバース・ジャパンに宮城代表の原さん". Yomiuri Shimbun (sa wikang Hapones). 1 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Alexis, Gaelle (19 Nobyembre 2012). "Christela Jacques". Le Nouvelliste (sa wikang Pranses). Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. "Miss Georgia 2012". Telemundo (sa wikang Kastila). 17 Nobyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. "Jennifer Andrade: La diva hondureña que brilla en Las Vegas". La Tribuna. 8 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. "Meet Shilpa Singh, Miss India-Universe 2012". CNN-News18 (sa wikang Ingles). 19 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Nobyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. Sutriyanto, Eko (7 Disyembre 2012). "Maria Selena Masuk Karantina Miss Universe 2012". Tribun News (sa wikang Indones). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. Moore, Leanne (7 Disyembre 2012). "Adrienne checks out the competition". TV3 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. "Miss Universo 2012: Lina Makhuli Miss Israel". Telemundo (sa wikang Kastila). 15 Nobyembre 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. Polito, Donatella (7 Disyembre 2012). "A Miss Universo 2012 una siciliana rappresenterà l'Italia". Today (sa wikang Italyano). Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  74. Cahute, Larissa (7 Disyembre 2012). "Vancouver woman out of Miss Universe". The Province (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Mayo 2014. Nakuha noong 13 Marso 2024. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Edwards, Melissa (31 Hulyo 2011). "Abigail Hyndman is Miss BVI 2011 [Photo Gallery Added]". Virgin Islands Platinum News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Abril 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. "Vote for our Lindsay in Miss Universe". Cayman Compass (sa wikang Ingles). 23 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. "Daniella Álvarez, la nueva señorita Colombia". El Espectador (sa wikang Kastila). 15 Nobyembre 2011. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  78. "Në "Miss Universe" dy bukuri te ndryshme shqiptare". Koha Ditore (sa wikang Albanes). 6 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. Guererro, Sofiá (13 Abril 2012). "Nazareth Cascante es la nueva Miss Costa Rica" [Nazareth Cascante is the new Miss Costa Rica]. La Nación (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. "Lijepa Elizabeta Burg putuje na svjetski izbor Miss Universe u Las Vegas". Portal Oko (sa wikang Kroato). 26 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Marso 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Twins crowned Miss Lebanon, runner-up". The Daily Star. 1 Oktubre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. "Pirmą kartą istorijoje lietuvaitė dalyvaus konkurse „Mis Visata"!". Kauno diena (sa wikang Lithuanian). 28 Nobyembre 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. Yeoh, Angelin (3 Disyembre 2012). "Miss Universe Malaysia Kimberley Leggett ready for world stage". The Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. Seetamonee, Rajmeela (20 Nobyembre 2012). "Miss Mauritius 2012 – Une première participation à la Miss Tourism World". Le Défi Media Group (sa wikang Pranses). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. "Nohemí Hermosillo Villalobos, originaria de Toluca, fue elegida por el jurado como la suplente de la nueva soberana". El Siglo de Torreón (sa wikang Kastila). 21 Agosto 2011. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  86. Hodžić, Mirela (7 Disyembre 2012). "Andrea Radonjić u vešu "Victoria's Secret"". Vijesti (sa wikang Kroato). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. Bause, Tanja (28 Nobyembre 2012). "Miss Namibia prepares for Las Vegas". The Namibian (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Pebrero 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. Thakur, Monami (18 Marso 2012). "Farah Eslaquit Crowned Miss Nicaragua 2012 (PHOTOS)". International Business Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. Marit, Nore (30 Setyembre 2012). "Ble ikke Miss Universe Norge" [Did not become Miss Universe Norway]. Aftenbladet (sa wikang Noruwegong Bokmål). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Pebrero 2015. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. Caicedo, Kaithyria. "Miss Panamá, Stefy Vander Werf, casi lista para partir rumbo a Las Vegas". Telemetro (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. "Miss Universo 2012: conoce a Egni Eckert, Miss Paraguay". Telemundo (sa wikang Kastila). 19 Nobyembre 2012. Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. "Coronas al por mayor". Perú.21 (sa wikang Kastila). 12 Hulyo 2012. Nakuha noong 16 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. Ranada, Pia (4 Disyembre 2012). "Miss Universe 2012: Meet Janine Tugonon". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. "Sara Chafak shows why she is Miss Finland as she flaunts her stunning tanned and toned figure in a bikini". Mail Online. 20 Pebrero 2012. Nakuha noong 2022-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. "Miss Polonia 2011, Marcelina Zawadzka na zgrupowaniu Miss Universe 2012". Dziennik Bałtycki (sa wikang Polako). 11 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Hunyo 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. Guzmán, Marcos Billy (28 Nobyembre 2012). "Bodine Koehler llevará a Miss Universe un ajuar para impactar". El Nuevo Dia (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  97. "Marie Payet se prépare pour Miss Univers". Linfo.re (sa wikang Pranses). 21 Nobyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  98. "Dominican Beauty Queen Dethroned Over Marriage". Fox News Latino (sa wikang Ingles). 26 Abril 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  99. "Tereza Chlebovská míří na Miss Universe. V čem oslní?". Týden (sa wikang Tseko). 29 Nobyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  100. Suciu, Simona (7 Nobyembre 2012). "O braşoveancă va reprezenta Româna la Miss Universe în Las Vegas". Adevărul (sa wikang Rumano). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  101. "Modelo russa se prepara para a disputa do Miss Universo". Diário da Rússia (sa wikang Portuges). 13 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  102. St. Aime Joseph, Lovely (5 Nobyembre 2012). "Miss Universe pageant". HTS St. Lucia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  103. "Srpska lepotica otputovala na izbor za Mis univerzum". 24sata (sa wikang Kroato). 4 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Disyembre 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  104. Choo, Deborah (10 Setyembre 2012). "Ex-FHM model Lynn Tan wins Miss Universe Singapore 2012". Yahoo News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  105. "Sabrina Herft at Miss Universe in Las Vegas". Sunday Observer (sa wikang Ingles). 16 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  106. "Hats off to Miss Sweden!". Nordstjernan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  107. Blume, Anna (12 Disyembre 2012). "Silikon-Bschiss bei Miss Universe!". Blick (sa wikang Aleman). Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  108. "Miss Universe leaves for the finals". The Citizen (sa wikang Ingles). 30 Nobyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2013. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  109. "Thai hopeful Rida in spotlight at Miss Universe". Bangkok Post (sa wikang Ingles). 19 Disyembre 2012. Nakuha noong 16 Hunyo 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  110. Naidoo, Alicia (22 Hulyo 2023). "Miss SA 2011: Where is beauty queen Melinda Bam now?". The South African (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  111. "Miss Korea 2011 Lee Sung-hye, center, and". The Korea Times (sa wikang Ingles). 3 Agosto 2011. Nakuha noong 16 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  112. "Miss Universe TT 2012 crowned". CNC3 (sa wikang Ingles). 22 Oktubre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Oktubre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  113. Ulloa, Gabriela (7 Disyembre 2012). "Las primeras imágenes de la representante chilena en el Miss Universo 2012". Radio Bío-Bío (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Septiyembre 2017. Nakuha noong 24 Disyembre 2022. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  114. Lin, Xu (3 Abril 2015). "Miss China isn't just a pretty face, former beauty queen says". China Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  115. "Yarı final için destek bekliyor". Hürriyet (sa wikang Turko). 15 Disyembre 2012. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  116. Balázs, Máté (2 Disyembre 2012). "Mohácsról kaphat ruhát a szépségkirálynő". Bama (sa wikang Unggaro). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Hunyo 2021. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  117. "Camila estará en Miss Universo". La República (sa wikang Kastila). 14 Disyembre 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Disyembre 2012. Nakuha noong 13 Marso 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy