Pumunta sa nilalaman

Papa (titulo)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Papa (Ingles: Pope) ay isang titulong pang-relihiyon na tradisyonal na ibinibigay sa Obispo ng Alexandria (pinagmulan ng titulong "Papa") at Obispo ng Roma.

Ang papa ay hinango mula sa Griyegong πάππας (pappas) na nangangahulugang "ama". Sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo, ang pamagat na ito ay inilapat lalo na sa Silangang Kristiyanismo sa lahat ng mga obispo at iba pang mga nakatatandang klero. Ito ay kalaunang nireserba sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang reserbasyong ginawa lamang opisyal noong ika-11 siglo CE.[1][2][3][4][5] Ang pinakamaagang tala ng paggamit ng pamagat na "Papa" sa kasaysayan ng Kristiyanismo ay sa namatay na Patriarka ng Alexandria na si Papa Heraclas ng Alexandria(232–248).[6] Si Papa Marcelino (namatay noong 304) ang unang Obispo ng Roma na ipinakita sa mga sanggunian na may pamagat na "Papa" na ginamit sa kanya. Sa Kanlurang Kristiyanismo, si Papa Siricio na nagsilibing papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 384 CE - 398 CE ang pinaniniwalaang ang unang papang Katoliko Romano na gumamit ng pamagat na "papa" sa modernong kahulugan sa Simbahang Katoliko Romano. Bago nito, ang kanyang pamagat ay simpleng Obispo ng Roma. Pinaniniwalaan rin ng ilan na si Papa Siricio ang unang gumamit ng pamagat na Pontifex Maximus. Gayunpaman, ayon sa ibang mga eksperto, ang pamagat na "Papa" ay mula sa simulang ika-3 siglo CE ay isang honoripikong designasyon na ginagamit para sa anumang obispo ng Kanlurang Kristiyanismo.[7] Sa Silangang Kristiyanismo, ang pamagat na "Papa" ay ginamit lamang para sa Obispo ng Alexandria.[7] Mula sa ika-6 siglo CE, ang kanseriyang imperyal ng Constantinople ay nagreserba ng designasyong ito para sa Obispo ng Roma.[7] Mula sa simulang ika-6 siglo, ito ay nagsimulang ilimita sa Kanlurang Kristiyanismo sa Obispo ng Roma na isang kasanayan na matatag na inilagay sa ika-11 siglo nang ideklara ni Papa Gregorio VII ang pamagat na ito para sa Obispo ng Roma.

Mga Papa ng iba't ibang mga denominasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kasalukuyang papa ng iba't ibang denominasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang antipapa ay isang indibidwal na sa pagsalungat sa isang pangkalahatang nakikitang lehitimong inihalal na Papa ng Simbahang Katoliko Romano ay gumawa ng isang mahalagang nakikipagtunggaling pag-aangkin na maging Papa ng Simbahang Katoliko Romano[8] na Obispo ng Roma at pinuno ng Simbahang Katoliko Romano. Paminsan minsan sa pagitan ng ika-3 siglo CE at gitnang ika-15 siglo CE, ang mga antipapa ay sinuportahan ng isang katamtamang malaking paksiyon ng mga kardinal at mga sekular na hari at mga kaharian. Ang mga indibidwal na nag-aangking ang papa ngunit may kakaunting mga tagasunod gaya ng modernong mga antipapang sedebakantismo ay hindi inuuri bilang mga historikal na antipapa.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy