Pumunta sa nilalaman

Stroke

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Stroke
CT scan slice of the brain showing a right-hemispheric ischemic stroke.
EspesyalidadNeurolohiya, Neurosiruhiya Edit this on Wikidata

Ang stroke ay isang mabilisang pagkawala ng paggana o (mga) tungkulin ng utak dahil sa pagkaantala o pagkakaroon ng hadlang sa daloy ng dugo papunta sa utak. Maaaring sanhi ito ng ischemia (kawalan ng dugo) na dulot ng thrombosis o embolism o kaya dahil sa hemorrhage. Bilang resulta, hindi makagawa ng tungkulin ang apektadong bahagi ng utak, na humahantong sa hemiplehiya o kawalan ng kakayahang maigalaw ang sariling isa o marami pang mga sanga (bisig, paa, kamay, hita at iba pa) ng katawan sa isang gilid, kawalan ng kakayahang umunawa (reseptibong apasya) o makalikha ng binabanggit na salita (ekspresibong apasya), o kawalan ng kakayahang makakita sa isang gilid ng saklaw ng paningin (homonimong hemianopsiya).[1] Dating tinatawag ang stroke bilang aksidenteng serebrobaskular (cerebrovascular accident o CVA sa Ingles). Isang uri emerhensiyang medikal ang stroke na maaaring makapagdulot ng permanenteng pinsalang neurolohikal, mga kumplikasyon, at kamatayan. Ang World Stroke Day ay ipinagdiriwang taon-taon tuwing Oktubre 29.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang hiwa ng utak mula sa autopsiya ng taong dumanas ng isang acute middle cerebral artery (MCA) stroke
Isang pagdurugong intraparenchymal (ilalim na palaso) na may nakapalibot na edema (itaas na palaso)

Ang mga stroke ay mauuri sa dalawang mga pangunahing kategorya: Ang ischemic o hemmorrhagic.[2] Ang mga stroke na ischemic ay sanhi ng pagkaantala sa suplay ng dugo samantalang ang mga stroke na hemmorrhagic ay resulta ng pagputok ng isang blood vessel o isang abnormal na istrukturang baskular. Ang tinatayang 87% ng mga stroke ay sanhi ng ischemia at ang natitira ay nang hemmorrhage. Ang ilang mga hemmorhage ay nabubuo sa loob ng mga lugar ng ischemia ("hemorrhagic transformation"). Hindi pa alam kung gaano karaming mga hemmorrhage ay aktuwal na nagsisimula bilang ischemic stroke. Sa isang ischemic stroke, ang suplay ng dugo sa bahagi ng utak ay nabawasan na humahantong sa hindi paggana ng tisyu ng utak sa lugar na naapektuhan. Ito ay maaaring sanhi ng thrombosis, embolismo, Systemic hypoperfusion, at Venous thrombosis. Ang intracranial hemorrhage ang pagtitipon ng dugo sa anumang lugar sa loob ng vault ng bungo. Ang isang pagtatangi ay ginagawa sa pagitan ng intra-axial hemorrhage (dugo sa loob ng utak) at extra-axial hemorrhage (dugo sa loob ng bungo ngunit sa labas ng utak). Ang Intra-axial hemorrhage ay sanhi ng intraparenchymal hemorrhage o intraventricular hemorrhage. Ang mga pangunahing uri ng extra-axial hemorrhage ang epidural hematoma (pagdurugo sa pagitan ng dura mater at bungo),subdural hematoma (sa espasyong subdural) at subarachnoid hemorrhage (sa pagitan ng arachnoid mater at pia mater). Ang karamihan ng mga sindroma ng hemorrhagic stroke ay may mga spesipikong mga sintomas (e.g., pananakit ng ulo, nakaraang pinsala sa ulo).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Donnan GA, Fisher M, Macleod M, Davis SM (2008). "Stroke". Lancet. 371 (9624): 1612–23. doi:10.1016/S0140-6736(08)60694-7. PMID 18468545. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. "Brain Basics: Preventing Stroke". National Institute of Neurological Disorders and Stroke. Nakuha noong 2009-10-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga impormasyon tungkol sa stroke

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Karamdaman Ang lathalaing ito na tungkol sa Karamdaman ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy