Pumunta sa nilalaman

Turbinang gas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kalahating seksyon ng isang gas turbine
GE H-series industriyal na turbinang gas: sa STEG-kompigurasyon, kapangyarihan 480 MW, kahusayan 60%

Ang turbinang gas ay isang uri ng patuloy na daloy panloob na makinang kombustyon.[1] Ang turbinang gas ay may malawakang gamit sa mundo, halimbawa sa pagpapatakbo ng mga sasakyang panghimpapawid. Maari rin ito gamitin sa mga plantang industriyal kung saan ito ang ginagamit para paganahin ang iba’t ibang kagamitan tulad ng pums, compressors at mga generator.[2] Nagkakaroon na rin ng pag-aaral ng paggamit ng gas na turbina sa mga combined cycle na planta. Ang combined cycle na planta ay gumagamit ng pinagsamang gas at steam na turbine at nagdudulot ito ng mas mataas na efficiency ng planta.[3]

Ang paggamit ng gas na turbina sa mga industriyal na planta ay maraming nadudulot na mabuti. Kung ikokompara sa Rankine cycle, ay mas maliito ito at mas magaan, at pati na rin mura. Dahil nga maliit, mas madali ito buuin at gamitin. Maituturing rin na hindi ito masyadong nagdudulot ng mga kasiraan sa ating kapaligiran. Ngunit, ang pagkakaroon nito ng mababang efficiency ang humahadlang upang maging sikat ito sa industriya. Isa pa, hindi rin ito angkop sa mga solid na pinagmumulan ng enerhiya tulad ng uling.

Ang Brayton Cycle ay ipinangalan mula kay George Brayton, ang imbentor nito. Ito rin ay kilala sa pangalang Joule Cycle. Ito ay ang ideyal na sirkulo para sa mga gas na turbina. Ang Brayton Cycle ay naglalaman ng compressor, turbina, boiler,generator at ng heat exchanger. Ang prosesong ito ay angkop lamang sa mga pinagkukunan ng enerhiya na nasa gaseous na estado. Ilang halimbawa ay ang Helium, Ethane at Methane.[4]

Magsisimula ang proseso sa pagdaan ng hangin sa compressor kung saan pinatataas ang presyon upang maabot niya ang angkop na presyon sa boiler. Pagdating sa boiler, patataasin ang temperature ng hangin ngunit pananatlihin ang presyon nito. Papasok naman ang hangin sa turbina kung saan ang hangin ay bababa ang temperature para paganahin ang generator na gumagawa ng kuryente na ginagamit ng mga tao, Pagkatapos manggaling sa turbina ay tatawid ang lumamig na hangin sa heat exchanger kung saan pababain pa lalo ang temperatura nito.

  1. Wragg, David W. (1973). A Dictionary of Aviation (ika-first (na) edisyon). Osprey. p. 141. ISBN 9780850451634.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. A Dictionary of Aviation, David W. Wragg. ISBN 10: 0850451639 / ISBN 13: 9780850451634, 1st Edition Published by Osprey, 1973 / Published by Frederick Fell, Inc., NY, 1974 (1st American Edition.), Page 141.
  3. Aircraft Gas Turbine Engineering Conference 1945, General Electric
  4. The Gas Turbine, Progress in the Design and Construction of Turbines Operated by Gases of Combustion by Henry Harrison Suplee
pFad - Phonifier reborn

Pfad - The Proxy pFad of © 2024 Garber Painting. All rights reserved.

Note: This service is not intended for secure transactions such as banking, social media, email, or purchasing. Use at your own risk. We assume no liability whatsoever for broken pages.


Alternative Proxies:

Alternative Proxy

pFad Proxy

pFad v3 Proxy

pFad v4 Proxy