The document discusses local materials that can be used for industrial works. It mentions that wood, bamboo, rattan, abaca fiber, coconut, and other plants are commonly used to make furniture, baskets, rope, clothing and other products. Plastics, metals and electricity are also important industrial materials. Proper waste management through recycling is important to benefit the environment and economy.
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0 ratings0% found this document useful (0 votes)
510 views21 pages
EPP5 Quarter 3-Week1
The document discusses local materials that can be used for industrial works. It mentions that wood, bamboo, rattan, abaca fiber, coconut, and other plants are commonly used to make furniture, baskets, rope, clothing and other products. Plastics, metals and electricity are also important industrial materials. Proper waste management through recycling is important to benefit the environment and economy.
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 21
Subukin
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa inyong natutunan sa mga
gawaing pang industriya. 1. Ano-ano ang materyales ang maaari nating gamitin sa gawaing pang-industriya? a. kahoy, kawayan at metal b. plastik, elektrisidad at rattan c. buri, abaka at pinya d. lahat ng nabanggit 2. Bakit kailangan ba nating e-resiklo ang mga patapon na plastik at metal? A. para muling mapakinabangan b. upang maari pang mapagkakakitaan c. mabawasan ang basura sa kapaligiran d. lahat ng nabanggit 3. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga gawaing pang-industriya? a. gawaing metal b. gawaing kahoy c. gawaing elektrisidad d. lahat ng nabanggit 4. Paano natin mapapangalagaan ang ating likas na yaman? a. pagsasawalang bahala b. pagtatapon sa pwede pang mapakinabangan c. tamang pag-aalaga d. pagpapabaya 5. Alin sa materyales ang kadalasang nakikita nating ginagamit sa paggawa ng mga produkto? a. kahoy c. seramika b. plastik d. lahat ng nabanggit 6. Anong uri ng materyales na may kakayahang gumapang sa mga puno dahil sa tendrils sa dulo ng mga dahon? a. kahoy c. rattan b. buri d. katad 7. Sa anong uri ng lupa nanggaling ang mga produktong seramika? a. mabuhangin c. mabato b. luwad d. maputik 8. Ano-ano ang dapat nating isaaang-alang sa pagbuo ng isang produkto? a. sipag at tiyaga c. Interes sa gagawing proyekto b. pagkamalikhain d. lahat ng nabanggit 3 9. Bakit ang niyog ay tinatawag itong “Tree of Life”? a. dahil ito ay binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound. b. dahil sa dami ng gamit nito. c. dahil ito ay isang halamang baging. d. dahil ang himaymay nito ay ginagawang papel at tela. 10. Ano-anong mga produkto ang maari nating malikha gamit ang abaka? a. sinulid c. damit at lubid b. manila paper d. lahat ng nabanggit Batayan at Kaalaman sa Gawain Gamit ang Lokal na Materyales Iba-ibang kasanayan ang lilinangin at pauusbungin sa bawat mag-aaral – ito ang gawaing-kahoy, gawaing- metal, at gawaing-pang-elektrisidad, upang makatulong sa pamilya kapag lubos na ang kaalaman at kasanayan sa mga gawaing ito. Mga simpleng gawaing-kahoy gaya ng pagkukumpuni ng sirang upuan, mesa o bakod na kalaunan ay magiging Balikan Panuto: Pansinin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) kung gawa ito sa lokal na materyales at ekes (X) naman kung hindi.
x /
/ x / Tuklasin Panuto: Suriin ang larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.
Ano ang nasa
larawan? Sa iyong palagay, ano anong materyales ang ginamit para mabuo ito? Mga Materyales na Gamit sa mga Gawaing Pang- industriya 1. Kawayan - halos makikita ito sa buong paligid. Maraming puwedeng magagawa nito katulad na lang ng pamaypay, upuan, sandok, bahay at marami pang iba. 2. Rattan - ang rattan ay isang ng halamang baging. Napakatibay nito kaya mainam ito sa paggawa ng iba’t ibang kasangkapan sa bahay tulad ng higaan, upuan, kabinet at duyan. 3. Mga Himaymay a. Abaka- ginagawang sinulid, manila paper, damit at lubid ang fiber nito. Dahil sa tibay ng himaymay ng halamang ito puwede itong gawing bag, tsinelas, damit, sombrero, lubid, tela at basket at marami pang iba. b. Pinya - sa taglay nitong lambot, puti, pagkasutla at pino, ang fiber o himaymay naman nito ay ginagamit sa paggawa ng papel at tela. c. Buri -ito ay isa sa pinakamalaking uri ng palmera. Ang kahoy nito ay ginagawang “tabla” at ang midrib ng dahon ay ginagamit sa paggawa ng basket, walis at iba pang kasangkapan. d. Rami -ito ay tinatawag ring Amiray at Ramie naman sa ingles. Ito ay ginagamit sa paggawa ng tela. Ang fiber o himaymay nito ay mas matibay sa seda at bulak. 4. Baging - ito ay ginagamit sa paggawa ng niyug- niyogan, kampanilya, kadena de amor, at haomin. 5. Elektrisidad - ang materyal na ito ay ginagamit sa pagsusuplay ng kuryente, sa pagpapailaw at pagpapagana sa mga kagamitang di kuryente. 6. Seramika - ay isang uri ng lupa na tinatawag na luwad. Ito ay malagkit, kulay pula, dilaw, o abo. Ito ay ginagawa sa paraan ng paghunurno upang matuyo agad at maihulma ang nais na desinyo sa gagawaing proyekto. 7. Niyog - ito ay isang uri ng palmera. Ito ay lumaki hanggang 25m pataas sa dami ng gamit nito, ito tinatawag na “Tree of Life”. 8. Plastik - ito ay materyales na binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound. Maraming mga produkto ang yari sa plastik tulad ng baso, plato, kutsara at tinidor, mga appliances at iba pa. 9. Kahoy - ang materyales na ito ay karaniwang ginagamit ang matitigas na bahagi ng kanyang puno sa paggawa ng bahay. Ilan sa mga kahoy na ginagamit natin ay narra, kamagong at yakal. 10. Metal - ito ay tumutukoy sa anumang uri ng elemento tulad ng ginto, pilak, aluminyo at iba pa. Ilan sa mga produkto o kagamitan mula sa metal ay mga kagamitan sa pagluluto, martilyo, susi, tornilyo at iba pa. 11. Kabibe - ang kabibe, kapis ay isang uri ng matigas at pamprotektang panlabas na balat, balot, o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napaka raming iba’t ibang hayop, kabilang na ang mga pagong, pawikan, krustasyano at iba pa. Ilan sa mga produkto mula sa kabibe ay bag, pitaka, mga palamuti sa bahay 12. Katad - ito ay tumutukoy sa pinatuyo at kinulting balat ng malalaking hayop. Ginagamit ito sa paggawa ng bag, sapatos, sinturon, maleta, at mga kasangkapang pambahay at opisina. Ginagamit din ito sa paggawa ng damit. Gawain 1 Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang nilalaman ng pangungusap ay wasto; MALI naman kung hindi. TAMA 1. Ang kahoy ay karaniwang ginagamit sa paggawa _________ ng bahay. MALI 2. Ang metal ay uri ng lupa kung tatawagin ay luwad. _________ _________ 3. Ang niyog ay tinatawag na “Tree of Life” dahil sa napakaraming gamit nito. _________ 4. Ang plastik ay tumutukoy sa material na binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound. _________ 5. Ang abaka ay isa sa pinakamalaking palmera. Gawain 2 Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Punan ang patlang upang mabuo ang diwa nito. Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.
1. Sa pagbuo ng isang muwebles, dapat ito ay gawa sa
matibay na kahoy. _________ 2. Bilang isang karpentiro, dapat isaalang-alang ang iyong pulido ang kasanayan at kaalaman upang maging ________ kinalalabasan ng iyong produkto. 3. Kung ikaw ay baguhan pa lamang sa larangan ng gawaing industriya, huwag mag-atubiling eksperto magtanong sa mga __________. kalidad 4. Kailangang bigyang pansin ang ___________ ng iyong pagkagawa at hindi ang bilang ng iyong nagawa. pagkatuto sa 5. Huwag hihinto sa __________ makabagong paraan sa pagpapalago ng mga gawaing pang-industriya. Tayahin Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Si Mang Alvin ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Cogon. Sa anong gawaing pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon? a. Gawaing-Metal c. Gawaing-elektrisidad b. Gawaing-kahoy d. Lahat na nabanggit 2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan? a. Dahon c. Bunga b. Kahoy d. Lahat ng nabanggit 3. Ang yakal, narra at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriya? a. Himaymay c. Kabibe b. Kahoy d. Metal 4. Anong uri ng himaymay na materyal na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan, higaan, at kabinet? a. Abaka c. Niyog b. Rattan d. Kawayan 5. Anong uri ng materyales ang maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t ibang produkto tulad ng kampanilya, kadena de amor, niyug-niyogan, at haomin. a. Katad c. Baging b. Elektrisidad d. Rattan 6. Alin sa mga sumusunod ang nahahanay sa gawaing pangkahoy? a) Paggawa ng lubid b) Pagpapalit ng mga sirang bombelya c) Paggawa ng bag at damit d) Pagkukumpuni ng mga silya, upuan at lamesa 7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng himaymay na materyales sa paggawa ng pang-industriyal na produkto? a. Kahoy, katad, Rattan b. Buri, Metal, Niyog c. Abaka, Rami, Buri d. Niyog, kawayan, Plastik 8. Bakit kailangang mahaba ang pinagdaraanang proseso ng katad bago ito magawa sa mga panibagong produkto? a. Upang mas mahal itong maipagbili b. Upang madali itong mabulok at maitapon c. Upang mapanatili ang tibay at natural na ganda nito d. Upang mas mura at mas magugustuhan ng mga mamimili ang produktong yari nito 9. Saan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis? a. Sa paggawa ng mga bahay b. Sa paggawa ng mga wallet at baskit c. Sa paggawa ng mga bahay d. Sa paggawa ng bag, alahas at palamuti sa bahay 10. Si Tata ay nagwewelding ng gate sa paaralan. Sa anong gawaing pang- industriya siya nabibilang? a.Gawaing pang-elektrisidad b.Gawaing-kahoy c.Gawaing-metal d.Lahat ng nabanggit